embed embed2
  • Payo Ng Experts Para Sa Mga Batang Naiinip O Nababagot Na Sa Bahay

    Tulungan maging motivated ang anak sa tulong ng ilang tips mula sa teacher-moms.
    by Jocelyn Valle .
Payo Ng Experts Para Sa Mga Batang Naiinip O Nababagot Na Sa Bahay
PHOTO BY iStock
  • Hindi biro na manatili lamang sa bahay nang halos dalawang buwan bilang pagsunod sa enhanced community quarantine (ECQ). Kaya naman hindi rin nakakapagtaka kung ang mga bata, partikular ang mga toddlers, ay nagpapakita ng pagkainip, pagkabagot, o pagkawala ng gana sa anumang gawain.

    Ito ang tampok sa talakayan ng mommies at teachers na sina Tina Zamora at Cherrie Magbanua sa Smart Parenting Masterclass: Toddler Expertips Facebook Live session nitong May 5, 2020. (Mag-scroll sa baba para panoorin ng buo.)

    Si Teacher Tina ay isang family life and child development specialist at director ng Nest School. Si Cherrie naman ay early childhood teacher at miyembro ng Smart Parenting Mom Network. Pinag-usapan nila ang paksa na “Making Life at Home Exciting for Your Toddler” sa livestream na handog ng Nido 3+ milk brand.

    More from Smart Parenting

    Posibleng dahilan ng pagkainip o pagkawala ng gana sa anumang gawain 

    Ayon kay Teacher Tina, ang unang dapat gawin ng magulang sa lahat ng isyu tungkol sa anak ay mag-obserba sa pisikal na kalagayan ng bata. Tignan kung ang bata ba ay nakakakain at nakakatulog nang tama. O kung matamlay ba ito dahil may sakit. O baka naman dahil hindi nabibigyan ng sapat na physical activity

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailangan kasi ng mga tsikiting na mag-release ng energy sa pamamagitan ng motor activities tulad ng pagtatalon at pagsasayaw. Maaari din sa pamamagitan ng fine motor skills tulad ng pagdo-drawing, paglalaro ng clay, paggugupit ng papel, at pagtatalop ng gulay sa kusina.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dagdag pa ni Teacher Tina na isipin din ng magulang kung angkop sa edad ng bata ang pinapagawang activity. Baka daw kasi masayadong madali o mahirap para sa bata ang gawain kaya hindi ito motivated o walang gana.

    Halimbawa, sa pagbe-bake ng cookies o cupcakes ay makakatulong na ang toddler sa paglalagay ng harina sa measuring cups pero hindi pa nito kayang gumamit ng oven dahil baka mapaso lang ito. Balanse lang dapat.

    More from Smart Parenting

    Paano magiging motivated ang bata?

    Mag-umpisa dapat ang magulang sa kanyang sarili bago tulungang maging motivated ang anak. Paliwanag ni Teacher Tina, “Siyempre ang energy na ating toddlers, nagti-trickle down from our own energy. Are you excited to face the day kahit lahat tayo ay nasa bahay lang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Naiintindihan ko naman ang anxiety ng mga parents ngayon, and I also want you to be true to your emotions. But you really need to be careful when facing your children. Most likely ’yon din ang energy na mararamdaman nila.”

    Ang susunod na hakbang, ayon kay Teacher Tina, ay gumawa ng routines, transitions, at schedules hindi lang para sa magulang ngunit pati rin sa anak. Ang daily schedule para sa bata ay dapat may oras pareho para maging aktibo at maging tahimik. Maging aktibo sa pamamagitan ng active activities tulad ng pagkanta at pagsayaw. Pagkatapos, magkaroon ng quiet time, tulad ng pagbabasa. Huwag lang masyadong mahaba ang bawat activity dahil toddler pa lang ang anak.

    Sa huli, siguraduhin na susundin ang daily schedule bawat araw, o di kaya halos araw-araw. Magiging confident na ang bata dahil alam niya ang susunod na activity ayon sa kanyang talaan. Makakatulong din ang schedule upang maging normal ang body clock niya. Basta lagi lang may puwang para sa downtime nang makapag-relax siya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng chores sa bata?

    Mahalaga na maturuan na maging independent ang anak kahit toddler pa lang ito. Ang pagiging self-reliant kasi, sabi ni Teacher Tina, ay tanda ng pagiging motivated ng bata dahil naniniwala ito na kaya niyang gawin ang mga bagay at kaya niyang mag-regulate ng emosyon.

    Ang mainam na paraan para maging self-reliant at self-regulating ay sa pamamagitan ng gawaing bahay o household chores. Kayang-kaya na daw ng toddler na tumulong, halimbawa, sa paglilinis ng bahay.

    Lahad niya, “Pag pinahawak n’yo ng walis, excited pa ’yan. Now, more than ever, our kids need to learn these self-help activities. Kasi since lagi tayong nasa bahay, right now, dapat nagtutulungan din tayo sa gawaing bahay. 

    “Di ba we’re all in this together? We have to have, like, certain tasks, and your toddler can do it. And I’m sure they’ll be more motivated when they can help their mommies and daddies.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Para sa guest ni Teacher Tina sa livestream na si Cherrie Magbanua, nakakatulong ang pagiging creative sa pagsunod sa kanya ng kanyang toddler daughter na si Zuri. Hilig ni Zuri ang pagkanta kaya pinapakanta siya ni Mommy Cherrie habang nagliligpit ng kanyang mga laruan.

    Hilig din ni Zuri ang mga kulay, at ginagamit iyon ni Mommy Cherrie na motivation para ganahan ang bata sa paglalagay ng kanyang labahan sa laundry basket. Halimbawa daw ay ipapalagay niya ang pink shirt ng bata sa laundry basket. Bibilangan niya ito ng tatlo upang tumalon-talon ang bata papunta sa laundy basket at i-shoot doon ang pink shirt. 

    Sang-ayon si Teacher Tina sa mga paraan ni Mommy Cherrie. Kailangan daw talagang maging exciting para sa bata ang gawaing bahay para ganahan itong gumawa. Makakatulong na talaga kahit toddler basta maging creative lang ang magulang sa pag-motivate sa anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles