-
Money Wala Pang 3 Years Old, May Ipon Na Ang Batang Ito Na P77,000!
-
Real Parenting Mom On Raising A Toddler: Don’t Let Anyone Tell You You’re A Bad Parent. They Have No Idea
-
Home Whoa, This Tiny House Can Be Built In Four Hours And Costs P89,000
-
News Dawn Zulueta's Beauty Secret: Wag Magtanim ng Sama ng Loob
-
Iba't-Ibang Klase Ng Laro Na Makakatulong Sa Brain Development Ng Anak Mo
Pasado rin sa mga eksperto ang mga larong ito!by Ana Gonzales .

PHOTO BY Pexels
Alam mo ba na may iba't-ibang klase ng laro? Meron! At iba-iba rin ang mga benepisyong nakukuha ng mga anak mo dito.
LEARN MORE ABOUT THE BENEFITS OF PLAY HERE:
- This Simple But Effective Play Activity Hones Your Toddler's Pre-Math Skills!
- Play + Green Space May Be The Best Formula To Increase IQ For Kids Living In The City
Sa pinakahuling episode ng aming webinar na How Po? Ibinahagi ni Teacher Thumby Server-Veloso kung anu-ano ang mga klase ng laro na ito at kung paano nakakatulong ang mga ito sa development ng pag-iisip ng anak mo.
Ayon sa kanya, mahalaga na nasusubukan ng anak mo ang iba't-ibang paraan ng paglalaro dahil iba-iba ang nagiging epekto nito, hindi lang sa isipan niya, kundi sa kalidad ng relasyon ninyong dalawa.
Mga different kinds of play
Free Play
Maglabas ka lang ng ilan sa mga laruan ng anak mo, huwag lahat! Isa itong epektibong paraan para hindi manawa agad ang anak mo sa mga laruan niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"For free play, bring out a few toys only and then set up a small area in your house where your child can play," payo niya. "So whether you have a small rug or a little banig so your child can sit on the floor."
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos"Don't let your child pick from all their many toys. Sometimes, you'll end up with a hurricane of toys," dagdag pa niya.
Sa free play, mag-isa lang dapat naglalaro ang anak mo. "If they have a sibling, okay, [they can] play with their sibling," sabi niya. "Let them have that time where they can play without adults chiming in or asking them questions."
Paliwanag niya, minsan kasi ay tanong nang tanong ang mga magulang kaya hindi nabibigyan ng pagkakataong maglaro ang bata nang nag-iisa.
"When we allow children to lead their play, we support them in making their own ideas and allow them a sense of control," sabi ni Teacher Thumby. "Give your child space to play, but be close by to make sure that your child will be safe," dagdag pa niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSensory Play
Ito ang mga laro kung saan nagagamit at napapagana ng anak mo ang kanyang limang senses. "You can have cooked noodles, keep them in the fridge so they're cold, and the kids can just play with them," payo ni Teacher Thumby.
Maganda rin daw para sa mga bata ang water play kung saan magsasalin-salin sila ng tubig sa mga lalagyan. Pwedeng-pwede ring gamitin ang mga bubbles para sa sensory play, lalo na't hilig din naman ito ng mga bata.
Sabi pa ni Teacher Thumby, "Sensory play develops a natural way to integrate scientific processes of creating, investigating, and exploring."
Dito rin nagsisimula ang mga bata na magtanong, gumawa ng sarili nilang mga conclusions, at magsagawa ng kanilang mga imbestigasyon.
Child-led Play
Sa ganitong klase naman ng laro, ikaw ang sasakay sa imahinasyon ng anak mo. Sa halip na ituro mo sa kanila ang gagawin, hahayaan mo silang bumuo ng sarili nilang kwento.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Whatever your child's story is in their game, play along with it. Build up on that instead of asking them to follow your ideas, you follow your child's ideas," paliwanag ni Teacher Thumby.
Dagdag pa niya, nakakatulong ang ganitong klase ng paglalaro para i-boost ang self-esteem ng anak mo. "It helps children make choices," sabi pa ni Teacher Thumby. "[But] the most important part there is that it helps the strengthen the parent child relationship."
Kapag kasi nakikita ng anak mo na pwede siyang makipaglaro sa iyo at natutuwa ka na kasama sila, mas nagkakaroon sila ng willingness na sundan ka kapag ikaw naman ang may requests at kailangan sa kanila.
"If they can see that you follow them, they'll also want to follow you," paliwanag ni Teacher Thumby. "One way for them to learn what following is or giving in is, is if it's also done for them."
Parent-led Play
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung may child-led play, mayroon ding parent-led. Sa ganitong klase naman ng paglalaro, ikaw ang susundan ng anak mo.
Maganda ito para sa kanya dahil mararamdaman niya ang pagkalinga mo at ang kagustuhan mong bigyan siya ng panahon.
LEARN MORE ABOUT THE BENEFITS OF PLAY HERE:
- This Simple But Effective Play Activity Hones Your Toddler's Pre-Math Skills!
- Play + Green Space May Be The Best Formula To Increase IQ For Kids Living In The City
Ito ang mga uri ng paglalaro na maraming magandang maidudulot sa development ng anak mo. Panoorin mo ang buong episode dito:
Hindi mo ba napanood ang How Po? Episode na ito? I-click mo lang ito para makakuha ng latest updates tungkol sa aming online events.

View More Stories About
Trending in Summit Network