-
Your Health How To Prepare In Case Every Family Member Including YOU Get COVID-19
-
Toddler Cases of Misdiagnosed ADHD Rising Because of Early School Enrollment, Harvard Study Finds
-
Love & Relationships I Love My Husband But I Don’t Like Having Sex. Is Something Wrong With Me
-
Love & Relationships Hiningi Muna Ni Derek Ramsay Ang ‘Blessing’ Ng Anak Bago Mag-Propose Kay Ellen Adarna
-
Paano Ang 'Respectful Parenting,' Ayon Sa Isang Parenting Educator
May vlog interview si Isabelle Daza kay Janet Lansbury.by Jocelyn Valle .

PHOTO BY Shutterstock
Malaking impluwensya sa paraan ng pagpapalaki ng anak ang mga karanasan sa ilalim ng gabay ng sariling mga magulang. Maaaring tularan ang mismong parenting style, baguhin nang kaunti, o di kaya palitan nang lubusan.
Kung lumaki kang pinaghigpitan ng iyong mga magulang, halimbawa, nanaisin mo sigurong magluwag sa iyong anak. Sabi nga ni Aicelle Santos sa interview niya noon sa SmartParenting.com.ph, “very, very strict” ang kanyang parents kaya gusto niyang lumaki ang kanyang anak na maging bukas sa pagkukuwento tungkol sa “mga crush, manliligaw.”
Pero ang pagiging magulang ay isang “journey,” ika nga ng parenting educator at author na si Janet Lansbury. Kaya posibleng hindi ka maging consistent sa iyong parenting style sa lahat ng pagkakataon.
May mga paliwanag at payo si Lansbury tungkol sa pagiging magulang. Ibinahagi niya ang mga ito sa vlog interview sa kanya ni Isabelle Daza.
Self-awareness
Maituturing na “very brave person” ang magulang na may kamalayan (awareness) at pagkukusa (initiative) na itama ang mali sa paraan kung paano siya pinalaki. Ito raw kasi ang unang hakbang sa pagbabago ng nakalakihang sistema at ang isang bagay na panghahawakan sa sandaling madiskaril.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPuwede kasing uminit ang ulo mo, halimbawa, kapag sinagot ka ng anak mo nang pabalang at manumbalik ang mga masamang alaala ng nakaraan. Kaya, sabi ng parenting educator, mahalaga na alam mo ang “sensitive spots” at “keeping your antenna up” habang “being very good to yourself” at maging “patient on a journey.”
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosTake a step back
Imbes na gumawa ng sariling imahe ang magulang kung paano mabubuo ang pagkatao ng anak, mainam daw na hayaan na kusang mahubog ang bata bilang isang tao. Magagawa ito, ayon kay Lansbury, kapag madalas mong kasama ang anak at inoobserbahan mo siya.
Lahad ng eksperto, “Take a step back and try to really see who your child is.” Kesa raw sabihan ang anak ng, “I’m teaching you, and I’m doing this and I’m doing that.”
Sa pagdaan ng panahon na hinayaan mo lang na natural ang paglaki ng bata, mapapansin at matatanggap mo na may sariling pagkatao ang iyong anak. Marahil may pagkakapareho kayo sa ugali at personalidad, pero siya ay “whole different person” at hindi mo lang Mini-Me.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRespectful parenting
Sa pamamagitan ng respectful parenting, kinikilala ng magulang na ipinapanganak ang anak na may sariling landas na tatahakin. Kaya, paliwanag ni Lansbury, hindi trabaho ng magulang na hubugin ang anak sa gusto niyang paraan at porma.
Madalas daw kasing mangyari na sa sobrang panghihimasok ng magulang sa buhay ng anak, lumalaki ang bata na hindi niya alam kung sino talaga siya at kung ano ang gusto niya. Nawawala tuloy ang kanyang abilidad na patakbuhin ang kanyang buhay at maging excited sa mga bagay na mayroon siyang passion.
Ang tungkulin daw ng magulang ay bumuo ng “best relationship” sa kanyang anak. Ang relationship na iyon ang magiging basehan ng anak para sa iba pang mabubuo niyang relationship sa iba-ibang tao. Kabilang na dito ang magiging partner niya sa buhay at magiging anak na rin kung sakali.
Mapapanood dito ang vlog interview ni Isabelle Daza kay Janet Lansbury:

View More Stories About
Trending in Summit Network