-
Real Parenting Lolo Builds 'Life-Sized' Activity Board To Help Develop His Apos' Senses
-
News Safer Batteries: Panawagan Ng Nanay Ng Nasawing Anak Dahil Sa Nalunok Na Button Battery
-
Your Health Pwede Ba Uminom Ng Pills Kahit Hindi Pa Dinadatnan?
-
Money Working At Home Is A Heavier Burden For Moms Than Dads, According To PH Survey
-
Kapag Ang Bahay Mo Ay Office Na Rin, What Working From Home Really Looks Like
May challenges din kapag sa bahay ka nagtatrabaho kasama ang mga bata.by Ana Gonzales .

PHOTO BY (LEFT TO RIGHT) Courtesy of Patrick Shuster Ty and Charie Oraller-Pastorfide
Marami ang natawa at naka-relate nang ibahagi ni Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases spokesman at cabinet secretary Karlo Nograles ang behind-the-scenes ng regular niyang virtual presser.
Sa larawan, nakasuot siya ng pormal na damit pang-itaas habang naka-shorts at naka-tsinelas. Ang caption niya rito: "Just another day at work (from home)."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGanito na nga ang 'bagong normal' ngayong sa bahay na nagtatrabaho ang karamihan sa atin at ang mga meetings na dinadaluhan natin ay sa pamamagitan na lang ng video conference. Ngayon, pagbangon mo, pwede ka nang dumiretso sa 'meeting'—kaunting suklay lang at doble ng blazer o jacket, hindi na nila alam na naka-pajama ka pa.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosWhat other parents are reading
Maging ang mga working nanay at tatay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ay nakarelate din. Kabilang na kasi sa mga meetings nila ang kanilang mga anak. May umiiyak, may nakikipindot at kung anu-ano pa. Narito ang ilan sa mga nakakatawang behind-the scenes ng mga magulang habang nagtatrabaho sa bahay kasama ang kanilang mga anak:
'Yung may nakikisingit habang seryoso ka sa ginagawa mo
Patay malisya na lang si daddy. LOL!PHOTO BY courtesy of Ro PascuaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWConcentrate muna sa work, anak. 'Wag ka iiyak.PHOTO BY courtesy of Glaiza AdanHindi pwedeng hindi kakandong kay daddy.PHOTO BY courtesy of Layana PatriaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW'Yung kailangan may sarili silang gamit kasi nakikipindot din sila
Tuwang-tuwa siya sa computer at headset ni mama.PHOTO BY courtesy of Julianne Velasco NeveraMay sariling keyboard si baby para hindi mang-ingay at makipindot sa computer ni daddy.PHOTO BY courtesy of Melogen Buhian UrbanoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHati sa screen si baby at si mommy—cartoons sa kanya, work naman kay mommy.PHOTO BY courtesy of Juleene Dela CruzQuiet please, may call din si baby.PHOTO BY courtesy of Crisel BlendaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
'Yung may kausap ka tapos bigla na lang may sisigaw
Kwento ni daddy, kabisado na ng mga officemates niya kapag may biglang sumisigaw o kapag may Pink Fong o Cocomelon sa background.PHOTO BY courtesy of Patrick Shuster Ty'Yung nasesend sa clients ang mga tinataype nila
Malingat ka lang kung anu-ano nang na-send kay client.PHOTO BY courtesy of Kenneth-Melissa Paula JavierADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW'Yung nakatabi lang sila sayo mula umpisa hanggang matapos ka
Habang nagtatrabaho si daddy, may nangyayari namang pretend play sa gilid.PHOTO BY courtesy of Mau FernandezBaby: "Mommy, selfie ka ng selfie. Work na tayo oi."PHOTO BY courtesy of Crisel BlendaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSeryosong seryoso si mommy.PHOTO BY courtesy of Charie Oraller-Pastorfide'Yung seryoso kang nag-eexplain sa teammates mo tapos may ganyan pala sa likod mo.PHOTO BY courtesy of Gelin Loriesel J. Rosario-CrisostomoADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW'Yung katotohanan na hindi naman talaga si daddy ang sumasagot sa emails
Tulog ka muna, daddy! Ako na bahala dito sa boss mo.PHOTO BY courtesy of Roxanne Azur Rojas'Yung may mga random baby body parts sa computer mo
Anak, paano ako mag-tatype niyan?PHOTO BY courtesy of Khamz Bautista HerreraADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSimula nga nang ipatupad ng ating pamahalaan ang enhanced community quarantine, napakalaki na ng ipinagbago ng ating mga buhay—lalong-lalo na pagdating sa kung paano tayo kumikita ng pera.
Marami sa ating mga kababayan ang hindi pinalad na makapagtrabaho sa kani-kanilang mga bahay dahil na rin sa uri ng trabaho na mayroon sila. Samantala, ibang hamon naman ang kinakaharap ng mga magulang na nakapag-transition sa tinatawag na work-from-home o WFH.
Masaya mang tignan, hindi rin madaling balansehin ang pagiging magulang at pagiging empleyado. Ngayong lahat tayo ay may kanya-kanyang mga hamon na hinaharap, mas mainam at makabubuti kung pagmumulan tayo ng inspirasyon at good vibes kaysa fake news at negativity.
Sa patuloy nating pananatili sa ating mga bahay, pasasaan ba't matatapos din ang banta ng COVID-19 sa ating bansa at sa buong mundo.
Para sa iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network