;
embed embed2
  • Lutu-Lutuan At Pretend Kitchen Sets Mula P300 Hanggang P1600

    Mabibili mo ang mga ito online.
    by Ana Gonzales .
Lutu-Lutuan At Pretend Kitchen Sets Mula P300 Hanggang P1600
PHOTO BY iStock
  • Noon pa man, isa na talaga sa mga paboritong laruan ng mga bata ang lutu-lutuan. Maganda rin ang naidudulot ng pretend play sa paglaki ng mga bata.

    Tinalakay namin ito sa isang nauna nang Smart Parenting article. Ayon sa mga eksperto, malaki ang papel na ginagampanan ng pretend play sa development ng mga bata.

    Maraming aspeto ng kanilang pag-iisip ang natutulungan ng pretend play. Kabilang dito ang cognitive, social, at emotional na bahagi ng pag-iisip.

    What other parents are reading

    Pati ang pagsasalita at communication skills ng isang bata ay maaari ring madevelop sa tulong ng pretend play. Magiging magandang practice din ito sa kanilang problem-solving skills at creativity.

    Sabi pa ng mga eksperto, pinaka nakakatulong sa mga bata ang mga pretend play games na maraming props. Kabilang dito ang pretend hospital at ito ngang lutu-lutuan. May kamahalan ang ilang kitchen play sets, ngunit mayroon din namang mga abot-kaya na mabibili mo online.

    What other parents are reading

    Kitchen play sets na mabibili mo online

    39-Piece Kitchen Play Set (Php348)

    Maraming maliliit na kitchen play sets na mabibili online tulad nitong mga toy kitchen utensils na ito.

     

    PHOTO BY Garlerking industries, Inc.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    May kasama na itong maliit na 'grocery basket', mini stove, at mga prutas at gulay na pwedeng 'lutuin'.

    What other parents are reading

    Kitchen Tableware Cooking Toy Set (Php499)

    Kumpleto naman with sound effects ang cooking toy set na ito. Paalala lang na 55cm lang ang taas nito o kalahating metro.

    PHOTO BY Rising Star

     

    Mayroon na itong kasamang pots at pans, utensils, at mga pagkaing pwedeng lutuin.

    What other parents are reading

    Multi-Functional Kitchen Toy Set (Php1,399)

    Kung gusto mo naman ng bahagyang mas malaking kitchen toy set, pwede ito sa anak mo. 66.6cm ang taas nito.

    PHOTO BY Candy Online Shop
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mayroon itong maliit na refrigerator at stove. Kumpleto na rin ito sa gamit. May cooking utensils, may pagkain, at mayroon na ring lababo.

    What other parents are reading

    42-Piece Mini Kitchen Play Set (Php1,589)

    Isa pang magandang choice itong 42-piece play set na ito. Bukod kasi sa mayroon itong stove, oven, at mga shelves, kumpleto rin ito ng lutuan at pagkain.

     

    PHOTO BY EterSummer store

     

    Nakakatuwa rin na mayroon itong lababo na pwedeng lagyan ng tubig.

    What other parents are reading

    Kidmagine Big Kitchen Set (Php3,500)

    Kung may budget ka naman para sa mas high-end na kitchen play set, pwede kang umorder sa Kigmagine (Facebook: @kidmagine.ph).

    Mas malaki at mas mukhang realistic ang mga kitchen play sets nila. May taas ang mga ito na 83cm at lapad na 30cm.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon na itong stove at oven pati na rin pots, pans, at kitchen utensils.

    What other parents are reading

    Ano man ang budget mo para sa mga laruan ng mga anak mo, mayroong katumbas 'yan sa mga online shops.

    Kung wala ka namang budget para bumili ng kitchen play set, pwede kang gumawa ng sarili mong version sa pamamagitan ng mga lumang karton.

    Isang nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang nagpakita sa amin kung paano ito. Php300 lang ang ginastos niya.

    May kitchen play set na ba ang anak mo? I-share mo na kung anong itsura nito sa comments section.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles