embed embed2
  • Experts Say Maganda Sa Brain Development Ng Mga Bata Ang Ingredient Na Ito

    Pwede mo itong ihalo sa mga paboritong ulam ng mga anak mo.
    by Ana Gonzales .
Experts Say Maganda Sa Brain Development Ng Mga Bata Ang Ingredient Na Ito
PHOTO BY Unsplash
  • Hindi lang prutas at gulay ang dapat na sinisiguro mong nasa pang-araw-araw na pagkain ng mga anak mo. May isa pang ingredient na ayon sa mga eksperto, ay maganda ang maidudulot sa brain development ng anak mo. Anong ingredient ito? Isda!

    Sabi sa mga pag-aaral, ang mga oily fishes tulad ng salmon at tuna ay mainam na source ng Omega 3 essential fatty acids na malaki ang naitutulong sa paglaki ng anak mo.

    What other parents are reading

    Kilala rin ang isda bilang magandang source ng mga healthy fats na tulad ng docosahexaenoic acid (DHA). Nakakatulong ito sa development ng paningin, nervous system, at brain growth at development ng anak mo.

    Bukod pa riyan, may mga pag-aaral na ring nagsasabing maaaring makatulong ang pagkain ng isda para maiwasan ang mga allergic diseases tulad ng hika at eczema.

    What other parents are reading

    Gaano karaming isda ang dapat kainin ng anak ko?

    Ayon sa healthychildren.org, ganito karaming isda ang dapat na kinakain ng anak mo:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • 1 ounce para sa mga batang edad 2-3
    • 2 ounces para sa mga batang edad 4-7
    • 3 ounces para sa mga batang edad 8-10
    • 4 ounces para sa mga batang edad 11+

    Para mas masiguro mong makukuha mo at ng mga anak mo ang benepisyo ng pagkain ng isda, maaari kayong kumain ng mga lamang dagat, isa hanggang dalawang beses sa isang linggo.

    What other parents are reading

    Anu-anong mga klaseng isda ang dapat kainin ng anak ko?

    Tuna

    Okay lang na kumain ng canned tuna ang anak mo dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo. Ayon sa California-based dietitian na si Ilana Muhlstein, R.D., ang mga canned tuna ay hindi gaanong naproseso at puno ng good nutrition at mga simpleng sangkap.

    Mayaman rin ang tuna sa protina at vitamin B na maganda para sa mga maliliit na bata.

    Salmon

    Pwedeng ibigay ang salmon kahit anim na buwan pa lang ang anak mo. Maaari mo itong ipakain sa kanya dalawang beses sa isang linggo. Walang nirerekomendang dami para sa mga batang edad isa pababa, ngunit para sa mga batang edad 1 hanggang 4 ay pwedeng kumain ng hanggang 40g.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Wala ka bang maisip na recipe na pwede mong lutuin gamit ang tuna at salmon? Pwede mong subukan ang mga recipes na ito mula sa annabelkarmel.com.

    Salmon, Broccoli, and Spinach Puree

    Pwede mong lutuin ito para sa baby mo, para bata pa lang siya ay masanay na siyang kumakain ng mga gulay at isda.

    Mga sangkap:

    • Butter
    • 100g shallots, sliced
    • 225g peeled potatoes, diced
    • 300 ml water
    • 225g salmon fillet, diced
    • 100g broccoli florets
    • 30g baby spinach
    • 75ml milk
    • 15g parmesan cheese, grated
    • Lemon juice

    Paraan ng paggawa:

    1. Tunawin ang butter sa isang saucepan. Idagdag ang shallot at patatas at prituhin nang hanggang dalawang minuto.
    2. Lagyan ng tubig at takpan. Pakuluin nang hanggang sampung minuto.
    3. Ilagay ang salmon at broccoli. Takpan at pakuluan nang hanggang sampung minuto o hanggang maluto ang gulay.
    4. Ilagay ang spinach at lutuin nang dalawang minuto.
    5. Ilagay ang gatas at cheese.
    6. I-blender hanggang madurog nang mabuti ang mga gulay. Lagyan ng lemon juice.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Salmon Fish Cakes

    Maganda ang recipe na ito para sa mga toddlers na mapiling kumain. Marami kang pwedeng gawing sawsawan at hugis para mas ma-engganyo ang anak mo na kumain.

    Mga sangkap para sa fish cakes:

    • 250 g baked potato, peeled & cut into chunks
    • 2 tbsp mayonnaise
    • 1 1/2 tbsp sweet chilli sauce
    • 1 tsp lemon juice
    • 25 g sliced spring onion
    • 40 g Cheddar cheese, grated
    • 2 tbsp ketchup
    • 250 g raw salmon cut into small cubes
    • 60 g fresh breadcrumbs
    • salt & pepper
    • 100 g dried breadcrumbs for coating
    • sunflower oil

    Mga sangkap para sa sawsawan:

    • 3 tbsp mayonnaise
    • 2 tbsp sweet chilli sauce

    Paraan ng paggawa:

    1. Ilagay ang mga potato chunks sa isang pan. Lagyan ito ng tubig at kaunting asin. Lutuin ito ng 10 hanggang 12 minuto o hanggang lumambot. Salain at hayaang lumamig.
    2. Paghaluin ang patatas, mayonnaise, sweet chili sauce, lemon juice, spring onion, cheddar, at ketchup. Durugin hanggang maghalo nang maayos.
    3. Idagdag ang salmon cubes at breadcrumbs. Gamit ang iyong kamay, bumuo ng mga piraso ng fishcakes. I-coat ito ng breadcrumbs bago iprito.
    4. Prituhin ang mga ito ng limang minuto o hanggang maging golden brown.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Marami pang ibang recipes na pwede mong gawin gamit ang isda. Pwede kang sumali sa aming Facebook group na Smart Parening Village para sa iba pang mga recipes. Nagbabahagi rin doon ng mga techniques ang mga nanay kung sakaling picky eater ang anak mo.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close