;
embed embed2
  • Usapang Tatay: Malikot Is An Understatement! Hacks Para Makakain Ng Maayos Sa Labas Kasama Nang Toddler

    Dagdagan mo na ang tip mo dahil paniguradong makalat ang mesa
    by Joey Ong of DadbudPH .
Usapang Tatay: Malikot Is An Understatement! Hacks Para Makakain Ng Maayos Sa Labas Kasama Nang Toddler
PHOTO BY /JOEY ONG
  • The following story came straight from the first-ever Smart Parenting daddy editor-at-large, and the man behind the DadbudPH Facebook community, with over 38,600 member dads as of writing. 

    Smart Parenting's advocacy, now more than ever, is to include dads in parenting conversations. We want to provide a judgment-free space where dads can voice out their unique points of view, whether majority agrees or not. Smart Parenting remains a platform that's  pro-parents, and that includes dads.

    Read the words of  our daddy editor Joey Ong, 43 years old, husband to Ciara, and father to a cute toddler named Joselito.

    Ang bait ng anak ko, very behaved… akala lang pala namin.

    We love to eat out. Actually, before we became parents, going out on dates and eating out gave us the joy we needed. We consider ourselves foodies and talagang if there is a new restaurant, andnun kami. Then the pandemic happened and my wife gave birth. 

    Life was perfect in our little bubble and Joselito was such a nice, behaved one year old until he turned two. “Terrible twos” ang warning samin ng lahat ng kaibigan namin. 

    Like other toddlers, Joselito thinks of a high chair as a prop.
    PHOTO COURTESY OF JOEY ONG
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What terrible twos?

    “Lilikot pa yan antayin mo lang.“

    “Wala pa yan bro, mga two to three years kagulo na buhay nyo.”

    “Nasa level one ka palang.”

    Isa lang masasabi ko. Hindi sila sinungaling or exag. Totoong-totoo. Dahil ngayon, takot na ako kumain sa labas. Hindi na kami sabay kumakain ni Misis. Dagdag tip na ko sa waiter dahil ang kalat na ng lamesa. Welcome to the wonderful stage of toddler life. Terrific two if you want to look at the glass half full, and that’s exactly how I see it.

    READ: Smart Parenting's First-Ever Daddy Editor At Large Joey Ong Gives Voice To Pinoy Dads

    Waiter, may Tazmanian Devil sa table namin!

    Siguardo ako na madaming parents ang nakakaranas nito, yung may Tazmanian Devil sa table. Now I fully understand his character. Bago pala maging chill and smart like Bugs Bunny ay dadaan muna sila sa Taz stage. 

    Ayus ba mga batang `90s na Dads? Yung akala mo magulo na sa bahay? Labas mo yan, mas magulo pa. 

    In a way, test of patience siya sa amin ni Misis dahil dito nasusubok ang aming pinagmamalaki na #TeamWork dahil aside from being patient with our son, we have to be patient and more understanding with one another. Madaming relate dito, 100% sure ako.

    Add a new toy to your budget for eating out if you want to have a 10-minute window to eat in peace.
    PHOTO COURTESY OF JOEY ONG
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Developments at two years old

    Our son is developing like any other boy, makulit, madaldal, magulo, and happy ako dito dahil lahat naman ng bata ganyan. 

    At this stage na two-years-old, hindi pa talaga nila naiintindihan ang bawal. Actually napansin ko nga na he is always testing our limits. This is his way of learning. 

    Nakakatuwa naman, kase nakikita mo talaga right before your eyes na his brain is developing and his social skills as well. Marunong na sya mag-hi sa mga waiters and sa mga katabing table, actually sobra nga. Yung parang feeling niya party niya parati pag nasa labas at gustong mag table to table. 

    READ: Playtime! Here Are The Best Toys For Your Kids' Brain Development From 0-5

    Oh Lord, minsan nakakahiya pero oks lang din. Napansin ko din na other parents easily understand. When we are out and there is another table with a child, parang ‘matic na it’s a play date, instant may kalaro na agad si Joselito. 

    There is an unspoken understanding sa kapwa magulang, smile lang and gets mo na agad, sabik po kasi sa kalaro yung anak namin. Apir sa mga pandemic parents na sabik sa kalaro ang anak.

    Anong High Chair? 

    Sa totoo lang, napansin ko to lately dahil mas aware na ko. May nakita ka na bang bata na nakaupo ng maayos sa high chair? Wala diba? 

    Props lang yan dahil ayaw na ayaw na ni Joselito umupo dyan. Talagang pag kumakain sa labas ay feeling niya kailangan sitting with the adults na siya. Our son just turned two, by the way. The moment he crossed the two year mark, his development went on overdrive and suddenly he is no longer a baby. Amazing! Release the Kraken!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    READ: ‘Anong Ego?’ Dads Share Their Take On Breaking Gender Biases At Home Together With Rica Peralejo

    Dati bago ako maging Daddy, hindi ko maintindihan bakit ba sinasama ng mga magulang yung mga anak nila sa labas dahil ang gulo gulo lang. Well, eto na ko ngayon and the tables have turned. 

    It is impossible for a non-parent to understand the reason that we are just trying our best to have a normal life as well where we can enjoy a good meal sa labas with our extra baggage. 

    Hindi siya talaga madali and lalo na sa tulad namin na walang Yaya and walang balak, ahh… laban to. Sanay na ‘ko kumain ng malamig na pagkain at yung kinagatan na quesadillas. 

    Pero dahil ginusto namin to, may mga na develop na kami na technique and let me take this opportunity to share.

     

    Dagdagan ang tip ng waiter, kasi hindi tayo sigurado kung isusubo ng bata ang pagkain o itatapon sa sahig.
    PHOTO COURTESY OF JOEY ONG
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Daddy-tested techniques para makakain ang pamilya sa labas

    1. Wag na sumabay sa crowd.

    Alam mo na nga na magulo yung anak mo, makikipagsabayan ka pa sa peak hours. We eat out when the restaurant opens or late lunch. Less people, less distractions.

    2. Agree on turns to eat.

    Ok last time ako na yung nauna, so now si Misis naman. Basta ba save some of that lechon balat for me. 

    3. Magdala ng toys or kung wala man, dumaan sa toy store bago kumain sa mall.

    Proven to na you can get a good 10 to 15 minutes na window. Madaming mura lang na toys for emergency pero kung makakapag dala, better.

    READ: Usapang Tatay: Why My Son Only Gets Circumcised At Age 11

    4. Piliin kung san kakain.

    Fancy dinner is definitely a no-no. Mas kaya pa ang fancy lunch pero in reality, dun sa mabilis ang order dahil hinding hindi magaantay ang gulo na dadalhin ng anak sa lamesa. 

    5. Always look for a table na alam ninyo na mejo may space from other tables.

    This helps and most restaurants are aware of this and will definitely lead the way. Wag na makipagsiksikan kasi.

    6. Enjoy lang and still be respectful sa ibang tao.

    Learn to say “Excuse me” because this teaches your kid also how to behave. Remember that what they see is what they will do, so the way you act outside will pretty much be a lesson for them as well.

    7. Arrange your orders on the table well para nothing breakable is within reach.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mabilis ang kamay ng bata, alam niyo yan and hassle maka basag. Arrange plates, picture for IG, then rearrange for actual eating. #foodie 

    Hindi madali ang lumabas with a toddler dahil una ang dami mong bitbit tapos explore mode na sila. Pero isa itong sobrang nakakatuwang stage sa pagiging parent and kami, enjoy na enjoy parin kahit bago palang sa stage na ito. Mas natutunan namin talaga maging better parents at better partners sa isa’t isa ni Misis. 

    Teamwork is key and always have a game plan pag lalabas. Gone are the days na bahala na or spontaneous.

    Ano nga pala yun?

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles