-
Home Top or Front Load? How to Choose a Washing Machine for Your Family
-
Preschooler MRIs Show How Too Much Screen Time Can Slow A Child's Brain Development
-
Toddler How Vietnamese Moms Potty Train Their Babies by 9 Months Old
-
Love & Relationships Frustrated Mom To Husbands: Don't Wait To Be Asked To Do Chores; Just Do Something.
-
Saan Makakabili? Matibay At Magandang Wooden Toys For Kids
Ano nga bang benepisyo ng mga wooden toys sa mga bata?by Ana Gonzales .

PHOTO BY courtesy of Vanessa Salva
Isa ang laruan sa mga madalas bilhin ng mga magulang para sa kanilang mga anak. Alam kasi nating maraming magandang maidudulot ang mga laruan sa development ng utak ng mga bata. Kaya naman, madalas ay naiipon ang laruan sa ating mga tahanan. Kaya lang, sa panahon ngayon na halos lahat ay mayroon na sa ating mga cellphones at tablets, nagiging mahirap nang ayain ang mga bata na maglaro.
Bukod pa riyan, mahirap na ring maghanap ng mga matitibay na laruan ngayon na magugustuhan talaga ng mga bata.
Para kay mommy Vanessa Salva, wooden toys at outdoor play ang pinakamabisang solusyon. Nakilala namin si mommy Vanessa nang ibahagi niya sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang DIY playground na ginawa niya para sa kanyang anak. Gusto niya kasing hikayatin ang kanyang anak na maglaro sa labas. Waldorf method of education and parenting din ang ginagamit ni mommy, kaya naman hindi katakatakang wooden toys ang pinili niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAnu-ano ang mga kagandahan ng wooden toys?
Ayon sa Natural Parent Magazine, mabisang gamitin ang wooden toys para i-develop ang cognitive at problem-solving skills ng mga bata. Mayroon kasing magandang natural texture ang kahoy na maaaring makaengganyo sa mga bata para hawakan ito. Bukod pa riyan, narito pa ang ilan sa mga benepisyo ng paglalaro ng wooden toys:
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos1. Wala silang taglay na harmful chemicals
Walang magulang na gustong i-expose ang kanilang anak sa mga masasamang kemikal—'yan ang kagandahan ng wooden toys. Isa rin itong magandang paraan para turuan mo ang iyong anak ng pagpapahalaga sa kalikasan. Ang ibang mga laruan kasi sa merkado ay maaaring makasama sa kalikasan lalo na kung hindi sila maitatapon ng maayos.
2. Mas tahimik ang mga wooden toys
Kalimitan ay hindi umiilaw ang mga wooden toys at madalas ay wala rin silang mekanismo para gumawa ng tunog. Kaya naman isa itong maganda at tahimik na alternatibo para sa mga plastik na laruan na kadalasan ay maingay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKapag wooden toys ang laging pinaglalaruan ng anak mo, mapapansin mong mas nagiging kalmaado sila habang naglalaro dahil hindi sila distracted sa matitingkad na kulay at kung anu-anong tunog. Hindi rin sila madaling ma-distract ng ibang bagay dahil natututunan nilang mag-focus sa kung anong nasa harap nila.
3. Open-ended at mas matibay ang wooden toys
Karamihan sa mga laruan ngayon sa merkado at "close-ended" o iyong mga may specific na goals. Kapag natapos na ng anak mo ang mga goals na ito, malaki ang chance na hindi na niya ulit gagamitin ang laruan—mayroon ka nanamang set ng laruan na nakatambak lang sa bahay.
Kung open-ended toys ang bibilhin mo, katulad ng karamihan ng mga wooden toys sa merkado, kahit ilang oras ay pwedeng maglaro ang anak mo. Hindi niya ito agad pagsasawaan dahil marami siyang pwedeng gawin dito. Kwento ni mommy Vanessa, mas gusto niya ang wooden toys para sa kanyang anak dahil kaunti lang ang detalye nito. "Ibig sabihin, my son can play with these for several hours kasi marami syang magagawa," sabi pa niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon pa sa kanya, gawa sa mahogany ang mga wooden toys ng kanyang anak. "I am sure they will last long," pahayag niya. "I am planning to make them as memorabilia adornments when my son outgrows the "playing stage". Remembrance ng childhood niya kumbaga," kwento niya sa kanyang Facebook post.
Saan makakabili ng wooden toys?
Inorder ni mommy Vanessa ang wooden toys ng anak niya sa See Seed Toy Studio (Facebook: @SeedStudioToys). Marami kang pagpipilian sa kanilang mga laruan at siguradong magugustuhan ito ng mga anak mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSila ay isang wooden toy supplier sa Cebu na tinatangkilik rin ng celebrity mom na si Jennica Uytingco.
Mahogany wood ang gamit nila at lahat ng mga laruan nila ay untreated para siguradong ligtas para sa mga bata.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMayroon din silang mga playcloths na pwedeng i-partner sa mga wooden toys ng mga anak mo. Imagination lang ng mga bata ang limitation kung paano nila ito gagamitin.
Nagkakahalaga ang mga laruan nila ng mula Php420 hanggang Php1,800 depende sa laki. Pwede mong tignan ang mga laruang mayroon sila sa kanilang website: https://seedstudiotoys.com/.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"They are a bit pricey compared sa regular wooden toys sa department stores, but they are such a good buy," patunay ni mommy Vanessa.
Hindi talaga matatawaran ang experience, kaya naman marami nang mga ina ngayon ang pumipili ng mga laruang hindi lang maganda, kundi matibay, at educational din. Kayo? Nasubukan na ba ng mga anak ninyong maglaro ng wooden toys? I-share mo na ang experience nila sa comments section.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network