-
Experts Say May Kinalaman Ang Anxiety Sa Masamang Ugali Ng Anak Mo
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Minsan, may mga pagbabago sa mga anak mo na hindi mo naiintindihan. Nariyan ang biglaang kawalan nila ng ganang kumain o 'di naman kaya ay ang pabago-bago nilang sleep pattern.
Marahil ang pinakamadalas na ipinagaalala ng mga magulang na tulad mo ay ang pagbabago ng ugali ng iyong mga anak.
May ilang bata kasing lumalaking nananakit ng kapwa o 'di naman kaya ay nakakaramdam ng sobrang galit. Ngunit alam mo bang ang maaaring dahilan sa anger issues ng anak mo ay anxiety?
Ayon sa pag-aaral ng mga bihasang tulad ni Dr. Jerry Bubrick, isang child psychologist, social anxiety na hindi nakikilala ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga angry outbursts o iyong pabugso-bugsong galit ang mga bata.
Ano nga ba ang social anxiety?
Ito ang matinding takot na mahusgahan, makatanggap ng negatibong komento, o ayawan ng ibang tao sa isang social situation. Nararamdaman din ito ng mga bata ngunit madalas, hindi ito napapansin ng mga magulang.
May mga pagkakataon kasi na ang masamang ugali ay hindi naman talaga masamang ugali. Ayon kay Dr. Jerry, ang mga tinatawag na disruptive behavior ay maaaring anxiety pala na hindi mo nakita. "A child who appears to be oppositional or aggressive may be reacting to anxiety," paliwanag niya.
Depende sa edad, maaari kasing mahirapan ang mga bata na ipahayag ang kanilang mga nararamdaman. Maaari ring hindi nila nakikilala na anxiety na pala ang kanilang nararanasan kaya hindi nila ito masabi.
Sabi ni Dr. Jerry, ang madalas makita ng mga magulang na tanda ng anxiety ay ang pagiging clingy at ang hindi pagsasalita. Ngunit maaari ring maging tanda ng anxiety ang mga tantrums at meltdowns. Lumalabas sa mga pag-aaral na ang anxiety ay nagmamanipesto sa maraming paraan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Anxiety is one of those diagnoses that is a great masquerader," pagbabahagi ni Dr. Laura Prager, ang director ng Child Psychiatry Emergency Service sa Massachusetts General Hospital. Kung hirap ang mga maliliit na anak mo na ipahayag sa iyo ang mga takot nila, maaaring mag-tantrums sila o 'di kaya ay magalit nang magalit para maipakita at mailabas ang kanilang nararamdaman.
“It can look like a lot of things. Particularly with kids who may not have words to express their feelings, or because no one is listening to them, they might manifest their anxiety with behavioral dysregulation,” ayon kay Dr. Laura.
Maaari ring maging tanda ng anxiety ng anak mo ang hirap sa pagtulog sa sarili niyang kwarto. Mapapansin mo rin na hindi ka nila masyadong kinakausap o 'di naman kaya ay umiiwas na sila sa mga dating gawain na gusto nila.
Paano matutulungan ang anak na may anxiety?
Ayon sa mga eksperto, ang pinakamagandang paraan para matulungan mo ang anak mo ay ang paniniguro na alam niyang pwede siyang magsabi sa iyo kung may nararamdaman man siyang hindi maganda.
Tulungan mo ang anak mo na ipahayag ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtatanong. Kailangan mo lang ng mahabang pasensya dahil siguradong hindi naman agad magsasabi sa iyo ang anak mo.
Kung maliit na bata pa ang anak mo, makakatulong kung hahayaan mo lang siyang magalit at ipapakit mo sa kanya na hindi mo siya iiwan kahit pa nagwawala siya dahil sa labis na frustration.
What other parents are reading
Kung hindi ka sigurado kung anxiety nga ba ang nararamdaman ng anak mo, makabubuting lumapit sa mga eksperto—lalo na kung napapansin mong lumalala ang mga meltdowns at tantrums ng anak mo.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPaliwanag din ng mga eksperto, kung napapansin mong maiksi masyado ang pasensya ng anak mo at mayroon siyang attentional o learning issues, maaaring nakakaranas siya ng anxiety.
Huwag agad mag-isip na masama ang ugali ng anak mo. Maaari kasing may mga bagay lang siyang hindi maintindihan o maipahayag kaya lumalabas ito bilang galit.
What other parents are reading

- Shares
- Comments