embed embed2
Mayroon Bang Developmental Language Delay Ang Anak Mo?
PHOTO BY iStock
  • Walang magulang na gustong maging hadlang sa pag-unlad ng kanyang anak sa kahit anong aspeto—sa pagsasalita man ‘yan, sa paglakad, at iba pa. Kaya naman normal na sa mga nanay na tanungin ang kanilang sarili kung may problema nga ba sa mga anak nila, lalo na kung hindi nito naaabot o tinatamaan ang mga developmental milestones na nakalahad sa mga scientific studies at resources online.

    What other parents are reading

    Pagdating sa pagsasalita ng ating mga anak, madalas mag-alala ang mga nanay lalo na kung napapansin nilang dalawang taon na ang anak nila pero kaunti pa lang ang nasasabi nito. 

    Sa age-by-age guide ng American Speech-Language-Hearing Association (ASHA), tinalakay nila kung anu-ano nga bang mga speech sounds ang dapat na nagagawa na ng mga bata base sa kanilang edad. 

    3 months
    Nakakagawa na ang baby ng cooing sounds.

    5 months
    Kaya na niya ang laughing at playful noises

    6 months
    Mayroon na siyang babbling sounds katulad ng “puh,” “mi,” at “da.”

    Isang taong gulang
    Kaya na niya ang bahagyang mas mahabang salita tulad ng “mimi,” “bababa,” at “upup.”

    What other parents are reading

    Dalawang hanggang tatlong taong gulang
    Kaya na niyang bigkasin ang mga letrang “p,” "m," "h," "n," "w," at "b."  

    Tatlo hanggang apat na taong gulang
    Kaya na niyang bigkasin ang mga letrang "n," "w," "b," "k," "g," at “d.” Sa edad na ito rin niya susubukang banggitin ang mga letrang “f” at “y.”

    Lima hanggang anim na taong gulang
    Bukod sa mga alam na niya, sa ganitong edad ay maaaring bigkasin na niya ang mga letrang “t,” “ng,” “r,” at “I.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagtungtong naman niya ng edad pito hanggang walo, kaya na niyang gawin ang tunog ng mga compound letters tulad ng “ch,” "sh," "th," "j," "s," "z," "v," at "zh."

    What other parents are reading

    Paano ko malalamang may language problem ang anak ko?

    Narito ang mga palatandaan ng speech at language delay ayon sa ASHA:

    Birth–3 months
    Hindi ngumingiti o nakikipaglaro

    4-7 months
    Walang babbling sounds

    7-12 months
    Walang gestures tulad ng pagturo o pagkaway

    7 months–2 years
    Hindi nakakaintindi ng sinasabi ng iba

    What other parents are reading

    12–18 months
    Kaunting salita pa lang ang nababanggit niya

    1½–2 years
    Hindi kayang magsama ng dalawang salita

    2 years
    Mababa sa limampung salita ang nasasabi

    2–3 years
    Nahihirapang makipaglaro o makipag-usap sa ibang mga bata

    2½–3 years
    Nahihirapan sa early reading and writing o ayaw niyang tumingin sa libro o ‘di kaya ay gumuhit.

    What other parents are reading

    Kung napapansin mo ang ilan o lahat ng ito sa iyong anak, makakabuting dalhin mo na siya sa isang developmental pediatrician. Ngunit, kailangan mo ring tandaan na bagaman ang growth at development ng mga bata ay may magkakaparehong patterns, iba-iba sila ng panahon kung kailan maaabot o magagawa ang mga milestones na ito.

    Ibinahagi ni Dr. Francis Xavier Dimalanta, MD, FPPS, FPSDBP, sa katatapos lang na Smart Parenting Masterclass Toddler Expertips, ”LEARN: How To Nurture Your Child’s Thinking Skills,” language o pagsasalita ang pinakamainam na indikasyon ng katalinuhan. Dagdag pa niya, ang speech at language development ang pinakaunang paraan ng communication o pakikipagtalastasan. “Communication skills are a vital skill in society. It’s been studied that children with good speech and language skills do succeed in school and in life,” paliwanag niya.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Ano nga bang dapat gawin kung ma-diagnose ang anak mo ng developmental language delay?

    Ayon sa mga karanasan ng mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village, malaki ang naitulong ng speech therapy sa kanilang mga anak na na-diagnose ng speech delay. 

    Ang isa sa mga una nilang payo ay huwag makampante. Importante kasi ang early intervention para matulungan ang mga bata kung sakaling mayroon nga silang speech delay.

    What other parents are reading

    Payo din ng ilang eksperto, habang bata pa ang iyong anak, matutulungan mo siya sa mga maliliit na paraan. Isa na rito ang pag-exaggerate sa iyong pananalita. Mahalagang marinig niya ang tono ng iyong boses, maging ang pitch nito.

    Importante ring mag-react ka sa mga tunog na ginagawa ng anak mo. Importante na makita niyang attentive ka sa kanya. Makakatulong din kung babasahan mo ang anak mo o kakausapin mo siya na may kasamang gestures tulad ng pagturo. Maaari mo ring ulit-ulitin ang ilang salita para mas matandaan niya ito.

    What other parents are reading

    Mahalagang huwag kang magdalawang isip sa payo ng doktor ng anak mo. Maaaring may kamahalan ang speech at occupational therapy, ngunit ayon na rin sa experience ng mga nanay, malaki ang naitutulong nito. May ibang mga nanay pa nga sa Village na nagbahagi na matapos lang ang anim na buwan ay malaki na ang improvement na nakita nila sa kanilang mga anak.

    Ano man at ano man ang iyong pagdududa sa language development ng iyong anak, ang pinakamabuting makakatulong sa iyo at sa iyong anak ay mga developmental pediatricians. Importanteng kumonsulta agad kung mayroon kang pagdududa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagkaroon ba ng language delay ang iyong anak? Paano siya natulungan ng speech at occupational therapy? Pwede mo ‘yang ibahagi sa comments section o ‘di kaya sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close