Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Paano Gawing Matatag ang Inyong Anak? May Isang Madaling Gawin Kasama ang Buong Pamilya

    Maging ang royal family ay naniniwala sa practice na ito para lumaking mentally sound ang mga bata.
    by Lei Dimarucut-Sison .
Paano Gawing Matatag ang Inyong Anak? May Isang Madaling Gawin Kasama ang Buong Pamilya
PHOTO BY @beer5020/iStock
  • Nakita niyo na ba ang mga bagong larawan at video ng British royal family na sina Prince George, Princess Charlotte, at Prince Louis, mga anak nina Prince William at Kate Middleton? Ito yung mga larawan kung saan makikita silang naglalaro sa garden na dinisenyo ng Duchess of Cambridge katulong ang ilang landscape architects. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa isang video na makikita sa official Instagram account ng royal family, sabi ng Duchess, “I really feel that nature and being interactive outdoors has huge benefits on our physical and mental well-being, particularly for young kiddies.” (Sa palagay ko, ang pagiging isa sa kalikasan ay nakkatulong nang malaki sa pisikal at mental na kagalingan lalo na ng mga bata.)

    Tama ang Duchess of Cambridge sa kanyang paniniwala tungkol sa kalikasan. Napag-alaman sa isang pag-aaral na nalathala sa International Journal of Environmental Health Research, tunay na may kabutihang maidudulot ang kalikasan sa mental health ng mga bata, lalo na sa kanilang paglaki.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasama sa pag-aaral ang halos 3,600 na adults na may edad 18 hanggang 75 mula sa apat na European countries (United Kingdom, Netherlands, Lithuania, at Spain).

    Tinanong ang bawat isa sa kanila kung gaano sila kadalas magpunta sa mga natural spaces ngayon at noong sila ay bata pa. Tinanong din gaano kahalaga para sa kanila ang mga lugar na iyon. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Binigyan sila ng psychological test para malaman ang estado ng kanilang mental health sa nakaraang apat ng linggo. In-assess din ang mga bagay na nagiging sanhi ng kanilang pagiging nerbyoso, depressed, o kawalan ng sigla.

    Napag-alaman na mas mababa ang scores sa mental health tests sa mga taong hindi kinalakihan ang natural spaces, kumpara sa mga sanay dito. 

    Ani Mark Nieuwenhuijsen, Ph.D., director ng ISGlobal Urban Planning, Environment and Health Initiative at co-author ng pag-aaral, “What we found is that the childhood exposure of green space can actually predict mental health in later life.” (Lumalabas na maaring malaman ang kalagayan ng mental health ng isang tao kung siya ay lumaki na nakakakita at napapaligiran ng kalikasan.) 

    “The people that reported more exposure to nature actually have better mental health than those that don’t even after we adjusted for exposure at the time of the interview, when they are adults.” (Mas matatag ang mental health noong mga taong lumaki sa kalikasan kaysa doon sa mga hindi, kahit pa in-adjust namin ang resulta ngayong sila’y matanda na.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ibinahagi ng mga researcher na mayroong dalawang paraan para ipaliwanag ang resulta ng pag-aaral. Ang una ay base sa mga unang pag-aaral na nagsasabing ang pagiging malapit sa kalikasan ay nakakataas ng self-esteem, quality of life, physical activity, at maaring pang makababa ng body mass index, ayon kay Wilma Zijlema, Ph. D. na siyang unang author ng pag-aaral. Ang iba naman ay nagsasabi na ang pagiging malapit sa nature ay nakakapagpakalma sa isip kapag marami kang iniisip na negatibo o hindi maganda.

    Ang ikalawang paraan upang ipaliwanag ito ay sa pamamagitan ng pagtingin sa mga masamang epekto ng pagiging malayo sa kalikasan, kaysa sa mge benepisyo nito, sabi ni Nieuwenhuijsen.

    Ang mga hindi magandang sanhi ng pamamalagi sa siyudad — gaya ng air pollution, na nagdudulot diumano ng delay sa pag-develop ng isip ng bata at ng sakit sa pag-iisip — ay maaring makapagbigay-linaw sa mga benepisyo ng pagtira malapit sa kalikasan. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni Zijlema, “There are also indirect benefits for cognitive development of children, including the mitigation of traffic-related air pollution, reduction of noise, and increased levels of physical activity.” (Mayroon ding mga hindi direktang benepisyo [ang pagtira malapit sa kalikasan] gaya ng pag-develop ng kaisipan ng mga bata, pag-iwas sa polusyon at ingay, at pagkakaroon ng mas maraming physical activities.) 

    “We think that through these pathways nature exposure during childhood could lead to benefits that prolong into adulthood.” (Naniniwala kami na ang mga benepisyo ng pag-expose sa mga bata sa kalikasan ay tatagal hanggang sa kanilang pagtanda.)

    Sa huli, tunay na maraming kabutihan ang maidudulot ng paglalaro ng mga bata kasama ng kalikasan, kaya dapat natin itong bigyan ng oras. Ang kalikasan ang isa sa mga pinakamagandang playground para sa kalinangan.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa 

    How to Raise Mentally Strong Kids: Kate Middleton Has a Fantastic Suggestion

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles