embed embed2
  • Totoo Ba? Ito Raw Ang Mga Ugaling Kailangan Ng Anak Mo Para Maging Matagumpay Siya Sa Buhay

    by Ana Gonzales .
Totoo Ba? Ito Raw Ang Mga Ugaling Kailangan Ng Anak Mo Para Maging Matagumpay Siya Sa Buhay
PHOTO BY iStock
  • Kamakailan ay trending online ang tinatawag ng mga nanay na #WhenNoOneIsWatching Challenge o #PatienceChallenge.

    Maihahalintulad mo ito sa isa sa mga pinakasikat na social-science experiments, ang Stanford Marshmallow Test, na ginawa ng mga eksperto noong 1972.

    What other parents are reading

    Ang Stanford Marshmallow Test

    Madali lang gawin ang challenge na ito—at least para sa mga magulang! Maglagay ka lang ng isang piraso ng malaking marshmallow sa harap ng anak mo.

    Sa 2020 version ng Marshmallow Test, gumamit ang mga magulang ng chocolates, Yakult, at iba pang paboritong treats ng mga anak nila.

    Pagkatapos mong ibaba ang treat sa harap ng anak mo, sabihan mo siya na hindi niya ito pwedeng kainin hanggat hindi ka bumabalik. Iwan mo siyang mag-isa ng isa hanggang tatlong minuto. Pagbalik mo, pwede mo na siyang hayaang kainin ang treat sa harap niya.

    Sa orihinal na challenge, dodoblehin mo ang treat kapag natiis ng anak mo na hindi kainin ang naunang iniwan mo. Sa 2020 version, hindi na kailangang doblehin ang treat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Pasensya at self-control para maging matagumpay?

    Ayon sa mga eksperto, ang test na ito ang magpapakita kung magiging matagumpay ba ang anak mo paglaki niya.

    Sabi nila, kapag may pasensya at self-control ang anak mo, mas malaki ang posibilidad na maging matagumpay siya sa buhay. Makikita ito kung kaya niyang kontrolin ang sarili niya para hintayin ang pagbabalik mo bago kainin ang treat na inilagay mo sa harap niya.

    Ngunit sapat nga ba itong basehan para makita kung magiging matagumpay ang anak mo paglaki niya?

    What other parents are reading

    Sabi ng mga eksperto, hindi. Bagaman totoo na kailangan mo ng pasensya at self-control para maging matagumpay sa buhay, hindi lamang ito ang kailangan mo at hindi lamang ito ang magdidikta kung magiging matagumpay ka.

    Dagdag pa nila, isang malaking bahagi ng paglaki at pagtanda na matutunan natin ang pag-delay ng gratification o iyong paghihintay at pagtitiyaga para makamit ang reward.

    Nang pag-aralang muli ng mga eksperto ang Marshmallow Test, lumalabas na maaaring may epekto ang background at estado sa buhay ng mga bata.

    Halimbawa, kung madalas na nakakakain ng mga treats ang anak mo, mas magiging madali para sa kanya na magtiis at maghintay sa iyong pagbabalik bago niya kainin ang iniwan mo sa harap niya. Bakit? Dahil sanay siya na mayroon kayong supply at may tiwala siya sa iyo na makakain niya ang treat pagbalik mo.

    Pero kung madalang makakain ng tsokolate o marshmallow ang bata, mas malaki ang pagkakataong kainin niya agad ang iiwan mo dahil hindi niya alam kung kailan siya ulit makakakain nito.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Anong ibig sabihin kung nakapaghintay ang anak ko? At anong ibig sabihin kung hindi?

    Nakapaghintay man o hindi ang anak mo, hindi ibig sabihin nito na hindi na magiging matagumpay ang anak mo paglaki niya.

    Kung nakapaghintay siya, ibig sabihin lang nito, napalaki mo siyang matiyaga at mahaba ang pasensya. At kung hindi naman, baka sadyang paborito lang niya ang treat na iniwan mo kaya hindi na siya nakapagpigil.

    Simula nang mailathala ang marshmallow test, naglabasan na ang iba pang mga pag-aaral para mas i-develop pa ang pag-iisip at pananaw ng mga bata.

    Sabi kasi ng mga eksperto, may kinalaman din sa tagumpay ng isang bata ang environment na kinalakhan niya, pati na rin ang pagpapalaki sa kanya, at ang estado niya sa buhay.

    What other parents are reading

    Nakakatuwang makita ang mga bata na talaga namang struggle sa pagtitiis para lang hindi makain ang iniwang treat ng mga nanay at tatay nila.

    Mas natawa pa kami sa panonood ng mga batang hindi pa nakakatalikod sina mommy at daddy, kinain o ininom na agad ang treat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano man ang naging reaksyon ng anak mo, huwag kang matakot! Mga eksperto na rin ang mismong nagsabi na hindi lang ito ang indikasyon ng tagumpay ng anak mo sa hinaharap.

    Mayroon ka rin bang video ng anak mo na ginagawa ang #WhenNooneIsWatching Challenge o #PatienceChallenge? Ipadala mo na iyan sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close