embed embed2
  • Kaya Na Ng Toddler Kumain Mag-Isa Gamit Ang Kutsara, At Iba Pang Milestones Sa 24 Months

    2 years old na si baby!
    by Jocelyn Valle .
Kaya Na Ng Toddler Kumain Mag-Isa Gamit Ang Kutsara, At Iba Pang Milestones Sa 24 Months
PHOTO BY Canva
  • Pagsapit ng ikalawang kaarawan ng iyong anak, mas marami pa siyang mga bagong magagawa. Marahil ay napapansin mo nang sinusubukan niya ang mga ito simula 18 months, pero ngayon mas may kumpiyansa na siya sa sarili. Nariyan ang paglalakad at pagsasalita.

    Handang-handa na ang toddler sa developmental milestones para sa 24 months old. Ito ang mga kakayahan o kasanayan (skills) na may kinalaman sa pag-uugali (behavioral), paggana (functional), o di kaya pangangatawan (physical) na kayang gawin ng mga karamihan sa mga bata ng partikular na edad.

    Nagsisilbi ang developmental milestones bilang gabay, ayon kay Dr. Joey Cuayo-Estanislao, para malaman kung lumalaki ang ating mga anak sa inaasahang bilis. Dagdag niya na ang behaviors at skills ay lumalabas sa paglipas ng panahon bilang building blocks ng bata sa kanyang paglaki (growth), paglago (development), at patuloy na pag-alam (continued learning).

    Paalala lang ng pediatrician at miyembro ng Smart Parenting Board of Experts na may sariling bilis, o pace, ang bawat bata kahit pa sabihing may typical age ang bawat developmental milestone. Mahalaga lang na sumangguni sa doktor na tumitingin sa anak nang masubaybayan ang paglaki ng bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Milestones 24 months

    Narito ang listahan ng mga karaniwang nagagawa ng toddler sa ganitong edad batay sa guidelines ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), American Academy of Pediatrics (AAP), at Ages and Stages Questionnaires. Ang huli ay isang tool na ginagamit ng pediatricians para sa screening ng development ng bata.

    May gabay din ito nina Dr. Leoncia Que-Firmalo, isang pediatric neurologist, at Joji Reynes-Santos, isang special education teacher.

    Pero ilan munang paalala:

    1. Hintayin matapos ang ika-24 months bago obserbahan ang toddler sa kanyang 24-month-old milestones. Hindi kasi magkakapareho ang mga bata. Merong nauunang maabot ang milestones at meron ding nahuhuli nang kaunti.

    2. Siguraduhin na husto ang toddler sa pagkain at pahinga. Mahirap siyang obserbahan kung hindi mapakali at panay ang reklamo. May mga activity kasi na puwede ninyong gawin.

    3. Sa edad 24 months, rekomendado ng AAP na sumailalim ang bata sa screening para sa autism at general development. Mainam na kausapin ang pediatrician tungkol dito.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    4. Sa tuwing regular checkup ng anak, kausapin ang kanyang doktor tungkol sa milestones na naabot na ng bata. Gawin ito nang matugunan ang iyong mga tanong at mabigyan ka ng paliwanag sa mga susunod pang milestones.

    Physical development

    • Tumitingkayad (tiptoe)
    • Nagsisimula nang tumakbo
    • Sumisipa at naghahagis ng bola
    • Nakakaakyat ng hagdan kung may umaalalay
    • Kumakain mag-isa gamit ang kutsara
    • Kayang magdala ng malaking laruan habang naglalakad

    Cognitive/mental development

    May kinalaman ito sa kakayahang mag-isip at matuto.

    • Nahahanap ang mga bagay na itinabi o itinago (halimbawa: stuffed toy sa ilalim ng dalawang patong na kumot)
    • Kayang igrupo ang mga bagay ayon sa hugis at kulay
    • Naglalaro ng pretend o make-believe (bahay-bahayan, luto-lutuan, tinda-tindahan)
    • Sumusunod sa two-step instructions (halimbawa: pulutin ang mga laruan at ilagay sa basket)
    • Gumuguhit pa rin sa sariling paraan, pero nakokopya na ang mga tuwid na linya (straight lines) at bilog (circles)
    • Kayang pagpatong-patungin ang apat na building blocks para makagawa ng tore
    • Maaaring mas ginagamit ang kanang kamay kaysa sa kaliwa, o kaya ang kaliwa kaysa sa kanan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Social at emotional development

    • Nahihiligang kopyahin ang kilos ng ibang bata at adults (gaya-gaya, puto maya!)
    • Natutuwang makasalamuha ang ibang mga bata
    • Nagpapakita ng lambing at simpatya (halimbawa: niyayakap ang mga taong pamilyar)
    • Nagsisimulang magkaroon ng takot at mga kinakatakutan
    • Nagsisimulang sumuway sa utos, kaya nasasabihang matigas ang ulo
    • Nagsisimulang mag-alboroto kapag hindi nakukuha ang gusto (a.k.a. tantrums)
    • Mas nagiging independent, kaya gusto siya na lang, halimbawa, ang maghuhugas ng kanyang mga kamay
    • Naghahabol, umiiyak kapag iniiwan dahil sa tumitindi ang separation anxiety, pero bigla ring nawawala at okay na ang lahat

    Language at communication development

    • Napagdudugtong ang mga dalawa hanggang apat na salita para makabuo ng simpleng pangungusap (Halimbawa: "Mama, read book.")
    • Alam ang ang pangalan ng mga pamilyar na tao at nakikitang bagay sa libro, pati na mga laruan, parte ng katawan, at iba pa
    • Inuulit ang mga salitang naririnig sa usapan ng ibang tao
    • Gumagamit ng panghalip (pronoun), tulad ng ako (I), ikaw (you), siya (she, he)
    • Sumasabay sa kanta sa pamamagitan ng humming o di kaya konting pagkanta
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag mabahala kung hindi pa kaagad maabot ng anak ang milestones sa 24 months. Basahin dito ang ilang tips para mas maintindihan ang behavior ng toddler.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close