embed embed2
  • Walang Ginastos Si Mommy Sa Pretend Play Activity Na Ito (Panalo Pa Sa Mga Bata!)

    Mas praktikal ito lalo na't mabilis magsawa sa laruan ang mga bata.
    by Ana Gonzales .
Walang Ginastos Si Mommy Sa Pretend Play Activity Na Ito (Panalo Pa Sa Mga Bata!)
PHOTO BY courtesy of Riza Reyes
  • Hirap ka bang aliwin ang mga anak mo ngayong mayroong community quarantine? Hindi ka nag-iisa! Maraming nanay ngayon ang naghahagilap ng paraan para hindi mainip ang mga bata sa bahay.

    Ang maganda, hindi mo kailangang gumastos ng malaki (o lumabas ng bahay) para makahanap ng mga activities para sa iyong mga anak. Imagination lang, printer, at ilang mga recycled materials sa bahay, pwede na!

    More from Smart Parenting

    Ganyan nga ang ginawa ni mommy Riza Reyes nang maisipan niyang gawing pretend food truck ang bunk bed ng kanyang anak. "Napanood ng mga anak ko sa YouTube 'yung mga batang vloggers na naglalaro ng food truck," kwento ni mommy. "Ilang beses ko ring naisip na bilhin 'yun para sa kanila, pero medyo pricey ito at maliit na para sa edad nila kaya hindi ko na binili."

    "May mga time na nakikita ko ang anak ko na nilulusot ang ulo niya sa hagdan ng bunkbed nila," paliwanag pa ni mommy. "Doon ko naisip na para siyang bintana—doon nagsimula ang idea na gawin kong food truck 'yung bed nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Nagsimula sa paglusot-lusot ng ulo ng anak niya ang idea para sa pretend food truck.
    PHOTO BY courtesy of mommy Riza Reyes
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa mga laruang food truck niya nakuha ang inspirasyon ng disenyo. Para naman sa 'menu' naghanap lang din si mommy ng mga cute at makukulay na designs online. "Gumawa rin ako ng simpleng store name sign at "Open" na sign para mas feel ng anak ko na store talaga siya," sabi ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Saka inayos ni mommy sa loob ang mga laruan na mayroon na ang anak niya para magamit sa 'kusina'. Mayroon siyang lababo, na may kasama pang strainer. Mayroon din siyang microwave at siyempre, mayroon din siyang stove at spatula.

    Kumpleto ang gamit sa 'kusina' ng food truck ni baby!
    PHOTO BY courtesy of Riza Reyes
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Ice cream ba ang order mo?
    PHOTO BY courtesy of Riza Reyes

     

    "I believe na mahalaga ang pretend play para sa mga bata dahil nagagamit nila ang imagination nila," pagbabahagi ni mommy. "Nagiging creative sila sa mga sitwasyon dahil habang naglalaro at nag-eenjoy, nakakapag-isip sila ng iba't-ibang mga scenario," dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Pati si kuya nakikilaro na rin!
    PHOTO BY courtesy of Riza Reyes

    Isa lamang ang pagbebenta sa kanilang 'food truck' sa mga pinagkakaabalahan ng mga anak ni mommy—mayroon siyang dalawa. "May ginawa akong checklist ng mga activities para sa kanila [that they can do daily]," sabi ni mommy. Kasama riyan ang pageehersisyo, pagbabasa, pagbuo ng mga puzzles, pagkululay, at pagguhit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Bukod sa paglalaro sa kanilang pretend food truck, mahilig din sa science experiements ang magkapatid.
    PHOTO BY courtesy of Riza Reyes
    Hilig din nila ang paglalaro ng mga building blocks.
    PHOTO BY courtesy of Riza Reyes
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Sa panahon talaga ngayon, kailangan nating maging creative, hindi lang sa activities ng mga bata, kundi pati na rin sa uulamin ng pamilya, pagbubudget ng ating pera, at pagtuturo sa kanila ng kanilang mga aralin.

    More from Smart Parenting

    Kayo, paano ninyo ginagawa ang lahat ng mga ito? Share ninyo ang inyong tips sa comments section.

    Para sa iba pang mga kwento, features, at latest news tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    Gusto mo bang ma-feature sa isang Smart Parenting article? Ipadala mo lang ang iyong kwento at mga nakakatawang larawan at videos sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles