embed embed2
  • 'Ikaw Po Ba Yung Amoy Langis Ng Niyog?' 20 Times Parents Were Embarrassed By Their Kids

    We love our kids, but sometimes it's like they just want to humiliate us!
    by Kitty Elicay .
'Ikaw Po Ba Yung Amoy Langis Ng Niyog?' 20 Times Parents Were Embarrassed By Their Kids
PHOTO BY iStock
  • Parents can’t wait for their babies to start talking — until they discover that their kids don’t have a filter and just say whatever’s on their mind. This can lead to the most embarrassing situations and is especially mortifying when it happens in public!

    But while these are the moments when you’d want the ground to swallow you whole, they are also pretty memorable that you can’t help but share it with fellow parents who will be able to relate. Kids will be kids, after all!

    21 times kids were brutally honest and embarrassed their parents

    With their permission, we asked parents of our Facebook group, Smart Parenting Village, to share the most humiliating things that have come out of their children’s mouth. Brace yourself for these truly #NakakahiyaMoments!

    More from Smart Parenting

    1. “It smells bad, mommy! Are they the ones who are smelly? Are they smelly, mommy?”

    “Nung papaakyat na kami kahapon sa flat, may dalawang ibang lahi ang lumabas sa elevator. Sabi ni Sofie pagkapasok sa elevator — in a loud voice — ‘It smells bad, mommy! Are they the ones who are smelly? Are they smelly, mommy?’ Ohmygod talaga!” — Kaye Atanante

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. “Hello, Uncle Monsters!”

    “Nandito kami sa Middle East. Nung time na ‘yun nasa waiting area ang husband ko sa isang health center. May dalawang Pakistani na nag-aantay din. Balbas sarado sila at kulay orange ang balbas. Binati sila ng 3-year-old son ko at sabi: ‘Hello, uncle monsters!’ Sabi naman ng mga Pakistani, ‘Hi!’ Halos lumubog sa kinauupuan ang husband ko.” — Jennie Magpayo

    3. “Tito, ikaw po ba ‘yung amoy langis ng niyog?”

    “‘Yung son ko 3 years old pa lang siya that time. Nag-visit ‘yung friend ni hubby from Bicol kaya sa bahay nag-stay overnight. Sabi ng son ko sa bisita namin, ‘Tito, ikaw po ba ‘yung amoy langis ng niyog?!’ Gusto kong lumubog sa lupa.” — Ivy Navarro Hubilla

    4. “Papa, bakit kini-kiss mo **** ni mama?”

    “Kami naman ni hubby napahiya sa anak namin. Almost 3-years-old na si bagets at co-sleeping kami wala naman kaming choice. Maliit at kwarto lang ang inuupahan namin. So ito na nga… naka-dim light kami so akala namin malalim na sleep ni bagets. Maya-maya may nag-salita. ‘Papa, bakit kini-kiss mo p*p* ni Mama?’

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para kaming magnanakaw na nahuli ng pulis sa sobrang kaba! ‘Di pa tapos ang kalbaryo siyempre maraming nakaalam ng pangyayari dahil ang anak ko ay talakitak.” — Anonymous

    5. “It’s for mommy’s kili-kili.”

    “’Yung 2-year-old naman nung nag-grocery kami… Bumili ako ng tawas kasi I use tawas when I’m just at home. Habang nasa cashier, panay identify niya ng mga grocery items. Nung umabot na sa tawas, sabi niya, ‘It’s for mommy. It’s for Mommy’s kili-kili. Put there, like this’ (sabay turo sa kili-kili ko at punas sa kili-kili niya). Mapapa-face palm ka na lang, e!” — Kring Yu

    More from Smart Parenting

    6. “Mommy ang baho ng hininga mo!”

    “Ang lunch namin noon ay sisig; maamoy sa bibig. Sakto naman pupunta kami ng school kasi ipapaalam ang eldest ko na ‘di siya makakapasok kasi kakadating lang ng daddy niya na OFW. Habang kausap ang adviser, nagtanong ako ng mga school supplies na kailangan then tinawag ko siya. Sabi ba naman sa akin (nakatakip ang ilong at bibig): ‘Mommy, ang baho ng hininga mo! Ano ba ‘yan sobrang baho!’ Gusto ko nang maglaho ng time na iyon!” — Dheng Campo

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    7. “Inubos mo na!”

    “May bagong gawa akong buko salad tapos may bisita so hinain ko. Tinitignan niya ‘yung bista habang kumukuha ng salad. Pagkatapos kumuha, tumingin siya sa visitor tapos sabi, ‘Inubos mo na!’ Gusto ko na lang lumubog sa kahihiyan.” — Twinx Ibarra

    8. “Ma’am ‘yung anak ninyo kinagatan ‘tong watermelon.”

    Sinama ko mag-grocery ang 4-year-old daughter ko. After 10 minutes na paikot-ikot sa loob, hinabol ako ng guard.

    Guard: Ma’am, excuse me.
    Me: (medyo nagtataka) Yes po?
    Guard: Ma’am, si baby ninyo po…
    Me: Yes po, anak ko po ‘to, may problema po ba?
    Guard: Ma’am, ‘yung anak ninyo po kinagatan itong watermelon.

    Nakaplastic ‘yung watermelon pero bakat na bakat ‘yung ngipin ng anak ko. Aray ko po!” — Matet Hicana Mendoza

    9. “’Yung babae sigaw siya ng sigaw, sabi niya, ‘Aaah, aaah, aaaaahhhhh”

    “‘Yung daddy ng mga anak ko nag-download ng porn sa cellphone ko nang ‘di ko alam. Napanuod ng isa sa mga anak ko at while having dinner with my relatives — imagine puro matatanda — nagkwento ang anak ko: ‘Lola, napanood ko sa cellphone ni mommy ‘yung babae kawawa naman sigaw siya ng sigaw sinasaktan siya ng lalaki. Sabi niya, “aaaah aaaah aaaaah’ Jusko! ‘Yung tingin sa’kin ng mga matatanda parang gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko.” — Anonymous

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    10. Nakalibre ng grapes.

    “I’m with my 3-year-old boy sa grocery. Nakapila na kami sa basket lane since diaper and milk lang binili naming. Sa haba ng pila, umabot kami sa fruit stand where there are grapes, bananas, and apples. ‘Yung anak ko walang bahid ng kilabot sa katawan, ‘di ko napansin na pumipitas na pala ng seedless grapes at sarap na sarap sa pagkain! Nagtawanan ‘yung ibang nakapila at nagtaka ako, paglingon ko puno na ang bibig ng grapes at ang sarap na ng kain ng anak ko. Buti ‘di kami pinagbayad pero nahihiya po talaga ako.” — Yana Ruiz

    More from Smart Parenting

    11. “Si mama nakakahiya, parang bruha.”

    My son who is now 8 years old told me while we were riding in a jeepney, ‘Si mama nakakahiya, parang bruha sa jeep.’ Jusme, mahangin, anak!” — April Evangelista Quitola

    12. “Akala nila, anak siya sa labas.”

    “Yung anak kong 3-year-old dati tumakbo siya sa isang guy na naka-white shirt. Niyakap niya at tinawag na daddy! Nagulat silang lahat pati ‘yung mga kids at wife nung guy… nagkamali ng nalapitan ang anak ko kasi naka-white din ang daddy niya that time. Akala ata nila anak siya sa labas! Lumapit sa’kin ‘yung anak ko na hiyang-hiya rin, haha.” — Anonymous

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    13. “Ikaw talaga pinapabata mo pa siya.”

    “When we went to Puzzle Mansion, free ang 3-years-old pababa. Sabi ni cashier, ‘3-years-old na po ba si baby?’ Nabigla ako sabi ko, oo, kasi kaka-four niya lang a week ago. Sabi ba naman ng eldest ko, ‘Mami four na si Sab ‘di ba? Ikaw talaga pinapabata mo pa siya!’ So ayun, lutang ako na gustong magpalamon sa lupa hahaha!” — Tala Castle

    14. “Hindi naman maganda.”

    “My mother-in-law (MIL) loves taking selfies at her age na 62. One time nakita ng prinsesita ko si MIL nag-se-selfie. Sabi niya, ‘Mommy bakit ka po selfie ng selfie, hindi naman maganda. Nasasayang battery po.’” — Anonymous

    15. “Tita, umiihi pala mga penguin?”

    “Maliit pa pamangkin ko nun nung nakapila kami sa CR at nauna kami sa dalawang madre. Titig na titig si bagets sa dalawang sisters sabi sabi sa akin, ‘Tita, umiihi pala mga penguin?’ Jusko, halos himatayin ako sa hiya!” — Anonymous

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    16. “Teacher, why is your teeth so yellow?”

    “I practiced my kids to use salt with a bit of toothpaste to brush their teeth. I told them it will whiten their teeth and whenever they run out of toothpaste they can just use salt.

    One day in my 4-year-old son's Korean language tutorial class, while his teacher was seriously teaching him, he was focusing on her mouth and he said loudly, 'Teacher! Why is your teeth so yellow?' I was just at the corner and pretended not to have heard everything because I know if I turn my head or try to talk to my son, the more embarrassed the teacher would be. The teacher replied, 'Ahhh I just had coffee.'

    My son replied: 'You should use salt when brushing your teeth, it will be white and sparkly.' Napapikit mata ko nung marinig ‘yun!” — Anonymous

    17. “Bakit mo ako ibabayad, mommy?”

    “Nasa jeep ako with my eldest son who was 3- or 4-years-old then. Habang nag-aabot ako ng bayad sabi ko, ‘Kuya, ibabayad ko na po itong bata.’ Paiyak na ang anak ko sabi niya, ‘Bakit mo ako ibabayad, mommy?’” — Anonymous

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    18. “Kalbo pala si Father!”

    “Yung anak ng tita ko na 2-years-old habang nasa kalagitnaan daw ng misa:

    Anak: Nay, tayo ako, hindi ko Makita si Father, e.
    Nanay: (pinatayo naman siya sa upuan”
    Anak: Ay nanay! Kalbo pala si Father! Nanay oh, wala siyang buhok pala!” — Anonymous

    19. “Mama kukunin na siya ni Jesus Christ.”

    “Three years old si bebe girl ko. Nasa tindahan kami ng lola niya at biniro siya ng kapitbahay namin na same age ng lolo niya. Sabi sa kanya, ‘Pangit naman lolo mo, eh.’ Lumapit sakin si baby sabay sabi, ‘Mama kukunin na siya ni Jesus Christ.’ Nagkatinginan na lang kami ni MIL!” — Nyrhia Galang

    20. “You look like our rottweiler.”

    “My 6-year-old son talking to our new pharmacy assistant: ‘Ate you’re so cute. You look like our rottweiler. You know rottweiler? It’s a dog. A very cute dog.’ Omg, help me, Lord!” — Lyka Ginson Manginsay


    More from Smart Parenting


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles