;
embed embed2
  • 3 Tips Kung Napapansing Namimili Ng Susundin O Pakikinggan Ang Anak

    May paliwanag ang isang parenting educator kung bakit ito nangyayari.
    by Angela Baylon .
3 Tips Kung Napapansing Namimili Ng Susundin O Pakikinggan Ang Anak
PHOTO BY shutterstock
  • Kung may anak na toddler, hindi talaga maiiwasan ang mga pagkakataong kailangan silang pagsabihan lalo't nasa punto pa lamang sila ng pag-alam ng tama sa mali. Nariyang hindi agad sumusunod ang anak at mauuna ang kanyang pagta-tantrums. Ngunit paano kung madalas na itong nangyayari at parang sa'yo lang siya hindi nakikinig?

    Sa kaniyang parenting blog, ginawang halimbawa ng parenting educator at manunulat na si Janet Lansbury ang karanasan ng isang mommy na may dalawang anak na toddler. Ayon sa mommy na ito, tila sa kaniya lang hindi nakikinig ang mga anak.

    Kuwento niya, may mga pagkakataong kahit nakailang suway na siya sa mga anak, hindi sila sumusunod. Pero isang sabihan lang mula sa kaniyang asawa, agad na nakikinig ang mga anak. Napapansin din niyang mas madalas na umiyak at mag-tantrums ang mga anak kapag kasama siya.

    Pangamba niya, baka nasobrahan siya sa pagva-validate sa feelings ng mga anak kaya ito nangyayari. Kaya naman humingi na siya ng payo sa eksperto.

    Bakit hindi ka pinakikinggan ng iyong anak?

    Ayon kay Lansbury, maaaring nagiging "captive" ang nanay sa emosyon ng kaniyang mga anak. Dahil dito, nagiging overwhelming ang sitwasyon para sa magulang na posibleng maging dahilan upang mawalan siya ng kumpiyansa sa sarili na maha-handle niya ang sitwasyon.

    Walang masama sa pagva-validate sa nararamdaman ng anak o pagbibigay sa kanila ng emotional support. Pero paalala ni Lansbury, hindi sa lahat ng oras ay madidiktahan natin ang mga anak sa kung anong dapat nilang maramdaman at kung paano nila dapat i-proseso ang nararamdamang ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga tips kung paano pasunurin ang anak

    May mga payo si Lansbury na maaaring solusyon kung pakiramdam mo ay sa'yo lang hindi nakikinig ang iyong anak.

    1. Palakasin ang kumpiyansa sa sarili

    Bilang magulang, kailangan na panindigan ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili lalo sa mga sitwasyon na hindi komportable ang anak. Kailangan na maramdaman ng anak na mapagkakatiwalaan ka niya at may kontrol ka sa sitwasyon.

    Ayon kay Lansbury, sa binigay na halimbawa ng nabanggit na nanay, maaaring mas sinusunod ng mga anak ang kanilang tatay dahil nararamdaman nilang mas in-charge ito sa sitwasyon.

    Hindi naman daw kailangan maging matapang o manakot tuwing kakausapin ang anak pero makakatulong ang pagiging straightforward at pagpapakita sa anak na mayroon kang can-do attitude.

    2. Gawing normal ang pagsasabi at pagpapakita ng nararamdaman ng bata 

    Ayon kay Lansbury, imbes na husgahan o isipin na nananadya ang bata kaya ito umiiyak or nagta-tantrums, mas mainam kung hayaan siyang ilabas ang kaniyang nararamdaman.

    "We can still allow them to have their feelings, while holding ourselves separate, and being confident in what we’re doing, moving through it fearlessly," ani Lansbury.

    3. Show don't just tell

    Hindi sapat ang salita lang upang makumbinsi ang anak na pakinggan ka. Hindi sumusunod ang anak tuwing oras na ng pagtulog? Mainam na ipakita sa anak na nauuna ka nang naghahanda sa pagtulog.

    "We don’t have to force them into snapping out of it and feeling better and coming with us. We’re going to show them...We’re going to use connection, rather than shouting from a distance," paliwanag ni Lansbury.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Basahin dito kung paano i-handle ang anak na dinadaan sa 'fake crying' para makuha ang gusto.

    What other parents are reading


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles