embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Sinasaktan Ng Anak Ko Ang Kapatid Niya! Paano Ba Iwasan Ang Sibling Rivalry?

    Narito ang ilang paraan para maiwasan na magsakitan ang mga kapatid dahil sa selos.
    by Ana Gonzales .
Sinasaktan Ng Anak Ko Ang Kapatid Niya! Paano Ba Iwasan Ang Sibling Rivalry?
PHOTO BY iStock
  • Normal mang magselosan ang mga magkakapatid, importanteng siguraduhin mong hindi ito madalas na mangyari.

    Ayon sa mga pag-aaral, ang matagal na pagkaka-expose sa psychological at physical aggression na dulot ng inggit sa pagitan ng magkapatid ay maaaring maging sanhi ng depression, anxiety, at anger management issues sa kanilang paglaki.

    Kaya naman habang bata pa sila, dapat ay pinagpapaliwanagan na sila kung bakit hindi sila dapat nagseselosan at nag-iinggitan.

    Paano nga ba nagsisimula ang sibling rivalry?

    Kalimitan, nagsisimula ang sibling rivalry bago pa man lumabas ang pangalawang anak at nagpapatuloy hanggang sa kanilang paglaki. Sabi pa ng ilang mga pag-aaral, habang lumalaki ang mga bata at nagbabago ang kanilang mga pangangailangan, nagbabago rin ang kanilang pakikitungo sa isa't-isa.

    More from Smart Parenting

    Bakit nag-aaway ang mga bata?

    Maraming maaaring dahilan kung bakit nag-kakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga bata.

    Nagbabago ang kanilang mga pangangailangan

    Halimbawa, kalimitang protective ang mga toddlers sa kanilang mga gamit at mga laruan. Kung makikita nilang hahawakan ito ng iba, maaari silang maging agresibo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung ang anak mo naman ay nasa edad na na pumapasok na siya sa paaralan, mayroon na siyang ideya tungkol sa pagkakapantay-pantay. Maaaring hindi niya maintindihan kung bakit iba ang trato mo sa kapatid niya.

    More from Smart Parenting

    Magkakaiba sila ng mga ugali

    Kung ang isa'y tahimik at ang isa nama'y makulit, hindi talaga maaalis na mapikon sila sa isa't-isa. Malaki ang impact ng ugali ng bata sa kung paano niya pakikitunguhan ang kapatid niya.

    Hindi maganda ang kanilang mga role models

    Kung nakikita nila sa iyo na palagi kang nagagalit at nakikipag-away, maaaring ganito rin ang makita nilang paraan para mag-react kung mayroon mang mga hindi pagkakaunawaan.

    More from Smart Parenting

    Anu-ano ang mga tanda ng sibling rivalry?

    Ilan sa mga pinaka common na tanda ng sibling rivalry ay iyong tinatawag na emotional at physical regression. Mapapansin mo na para bang bumabalik sa pagiging sanggol ang iyong toddler. Kung potty trained na sila, maaaring magkaroon ng mga insidente na maihi sila sa kama o sa mga damit nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano iwasan ang sibling rivalry?

    Hindi man ito 100% na maaalis sa mga magkakapatid, marami kang pwedeng gawin para masiguro mong magiging maganda ang simula ng relasyon ng iyong mga anak sa isa't-isa. Narito ang ilan sa kanila:

    Isama ang panganay sa lahat ng baby preps

    Sa umpisa pa lang, mula nang malaman mong buntis ka, kailangan mo nang isama ang panganay ninyo sa paghahanda para sa pagdating ng kapatid niya.

    Magandang paraan ito para ipakita mo na kahit magkakaroon na ng bagong miyembro sa pamilya, bahagi pa rin sa lahat ng bagay ang inyong panganay. Sa ganitong paraan, hindi niya mararamdaman na napag-iwanan na siya at hindi na siya mahalaga.

    More from Smart Parenting

    Magbasa ng mga librong tungkol sa mga magkakapatid

    Isa ito sa mga ginawa ng celebrity mommy na si Mariel Padilla para ihanda si Isabella sa pagdating ng kapatid nitong si Gabriella. Pinili ni Mariel ang mga librong makakatulong sa kanya para maipaliwanag kay Isabella kung ano ang nangyayari. Ilan sa mga binasa nilang libro ang The New Baby, I Am a Big Sister, Best-Ever Big Sister, at Waiting for Baby. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tumingin sa mga lumang pictures ni baby

    Nagsisimula ang selos kapag nakikita ng anak mo na mayroon na kayong ibang inaalagaan ng daddy niya. Makakatulong kung sa pamamagitan ng mga baby photos, ay maipakita mo sa kanya na noong maliit pa siya, ganoon din ang atensyon at pag-aalaga na nakuha niya mula sa inyong mag-asawa. Sa ganitong paraan, makikita niya na walang 'special treatment' sa kapatid niya dahil pareho lang sila ng naranasang pag-aaruga—mas nauna lang si ate o kuya.

    More from Smart Parenting

    Huwag ikumpara ang iyong mga anak

    Iwasan mong purihin ang isa pagkatapos mong pagalitan ang isa. Dito kasi maaaring magsimula na maramdaman nilang 'mas mababa' sila sa kanilang mga kapatid. Tandaan na ang galing ng isa ay maaaring kahinaan ng isa—hindi mo sila kailanman dapat sukatin ayon sa kaya at hindi kaya ng isa't-isa.

    Sa halip na ikumpara, i-highlight mo ang pareho nilang mga lakas at kakayahan. Mabisang paraan ito para iwasan din nilang ikumpara ang sarili nila sa kanilang kapatid. Makakatulong din ito para maintindihan nilang mayroon silang kanya-kanyang galing.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Bigyan ng pantay na panahon at oportunidad ang iyong mga anak

    Kung pareho nilang gusto na sumali sa ano mang extracurricular activities, dapat ay pareho mo silang bibigyan ng oportunidad. Hindi pwedeng bunso lang o panganay lang. Kung hindi, maaari itong pagsimulan ng inggitan.

    Kung lalabas naman kayo para sa meryenda o mabilis na trip sa grocery, dapat ay pantay na panahon din ang ibibigay mo sa iyong mga anak. Kung may date kayo ng panganay mo, maganda ring may date kayo ng bunso. Kung baby pa si bunso at kalimitang nasakanya lahat ng atensyon mo, marapat lang na i-date mo si ate o kuya para hindi nila maramdamang wala ka nang panahon para sa kanila.

    More from Smart Parenting

    Tawagin silang 'ate' at 'kuya'

    Kapag inuulit-ulit mo sa kanila ang kanilang bagong role, mas maiintindihan nila kung gaano ito kahalaga. Bigyan mo sila ng parte sa pag-aalaga sa bagong baby, para maramdaman nilang kailangan mo sila at mahalaga sa iyo ang tulong nila. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Palagi mo rin silang pasalamatan sa tuwing may magagawa sila para sa iyo at sa bagong baby. I-appreciate mo ang bawat effort nila para gampanan ang bago nilang role bilang ate o kuya.

    Huwag pumili ng kakampihan

    Kung sakaling mag-away man ang mga anak mo, huwag na huwag kang pipili ng kakampihan. May isa mang mali, kailangan ay pantay mo silang parusahan kung kinakailangan. Walang special treatment sa umiiyak at wala ring matinding parusa para sa may kasalanan.

    Makakatulong ito para maipakita mo sa mga anak mo na pareho silang nagkamali kaya pareho silang may karampatang parusa. Walang kawawa at higit sa lahat, walang kakampihan.

    More from Smart Parenting

    Bukod pa sa mga iyan, marami ka ring pwedeng ipaalala sa iyong mga kamag-anak para pati sila ay makatulong para maiwasan ang sibling rivalry sa inyong tahanan.

    Una, ipaalala mo sa sino mang bibisita na kung magdadala man sila ng regalo, kailangang para sa dalawang bata ang dala nila. Sa ganitong paraan, hindi maiinggit ang panganay sa atensyon at regalong nakukuha ng kanyang bunsong kapatid.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pangalawa, hikayatin mo silang huwag ikumpara ang mga bata. Sabihan mo sila na iwasan ang mga comments tulad ng 'mas iyakin' 'mas mataba' 'mas maganda' at iba pa—lalo na kung naririnig ng panganay. Dito maaaring magsimula ang galit sa puso ng isa sa mga anak mo kaya kailangan paalalahanan mo ang mga kamag-anak ninyo na maging maingat.

    Ilan lamang ang mga iyan sa mga pwede mong gawin para iwasan ang sibling rivalry sa pagitan ng iyong mga anak. Ulit-ulitin mo lamang ang mga ito sa kanila at maging consistent ka lang sa pantay na pag-aasikaso sa kanila para maiwasan ang selosan at inggitan.

    More from Smart Parenting

    Madalas bang magkaroon ng selosan sa pagitan ng mga anak mo? Paano mo ito inaayos? I-share mo na ang iyong mga tips sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles