embed embed2
  • Kailangan Pa Nga Ba? Paano Linisin Ang Tenga Ng Toddler Mo

    Heto ang mga dapat mong gawin kung napapansin mong nagkakaroon na ng buildup ng wax ang tenga niya.
    by Ana Gonzales .
Kailangan Pa Nga Ba? Paano Linisin Ang Tenga Ng Toddler Mo
PHOTO BY Shutterstock
  • Maraming mga magulang ang nagsabing akala nila ay intimidating na ang paggupit ng kuko ni baby. Iyon pala, mas intimidating pa ang paglilinis sa tenga niya hanggang maging toddler siya.

    Delikado kasi ang paglilinis ng tenga ng mga babies at toddlers kung hindi mo ito gagawin ng tama.

    Bakit nagkakaroon ng earwax ang tenga ni baby?

    Ang earwax sa loob ng tenga ng anak mo ang siyang nagsisilbing waterproof lining nito. Hinaharang nito ang alikabok, germs, at iba pang pwedeng pumasok sa loob ng tenga ng anak mo.

    "Wax fights infection, moistens and lubricates the ear canal, and traps little bits of dirt and dust," paliwanag ni Frederick Kozak, isang Vancouver paediatric otolaryngologist.

    Kailangan bang alisin ang earwax?

    Kusang naaalis ang earwax, paliwanag ng mga eksperto. Dagdag pa nila, sapat na ang paliligo araw-araw para masiguro mong malinis ang tenga ng anak mo.

    Ang dami ng earwax sa tenga ay depende sa tao. Gumagawa kasi ng earwax ang tenga depende sa pangangailangan nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May mga pagkakataong naiipon ang earwax sa loob ng tenga kaya humaharang ito sa ear canal. Ito ang tinatawag na "impaction." Nakakaapekto ito sa pandinig ng anak mo at maaari rin siyang makaramdam ng pananakit.

    Huwag sungkitin ang impacted earwax na bumara sa tenga ng anak mo. Mas mainam na dalhin mo si baby sa doktor dahil sensitibo ang loob ng tenga.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kapag hindi kasi tama ang pag-aalis na gagawin mo, maaaring magkasugat ang tenga ng anak mo. Pwede mo ring matusok ang eardrum niya o maitulak nang mas malalim ang earwax.

    Paano linisin ang tenga ng toddler?

    Silipin ito bago maligo

    Gawin mong habit ang pagsilip sa loob ng tenga ng anak mo bago mo siya paliguan para masigurong walang nakapasok na kung ano dito. Kung may makita ka mang nakabara, dalhin mo agad ang anak mo sa doktor.

    Huwag gumamit ng mga cotton swabs

    Pwede mo lang gamitin ang mga swabs para linisin ang labas ng tenga ng anak mo. Iwasang ipasok ito sa loob ng tenga dahil baka mas maitulak mo lang palalim ang dumi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gumamit ng bulak

    O 'di kaya ay malambot na tela o washcloth. Basain mo lang ito ng maligamgam na tubig at siya mong ipampahid sa labas, paligid, at likod ng tenga.

    Huwag na huwag ipapasok ang washcloth at bulak sa loob ng tenga. Siguraduhin mo ring piniga mong mabuti ang mga ito para walang makapasok na tubig.

    Pwede ba akong gumamit ng mga eardrops?

    Oo, kung may inireseta ang doktor ng anak mo. Iwasan ang pagbili ng mga over-the-counter drops lalo na kung hindi ka sigurado kung paano ito gamitin.

    Kung sakaling may inireseta naman sa anak mo, siguraduhing susundin mo kung ilang patak lamang ang pwede mong ilagay.

    Paano maglagay ng eardrops?

    • Ihiga lang ang iyong baby sa kanyang tagiliran.
    • Marahang hilahin pababa ang lower lobe ng tenga para bumukas ang ear canal.
    • Lagyan ng drops ayon sa reseta ng doktor.
    • Hayaan mo lang na nakahiga ang anak mo sa ganitong posisyon nang hanggang sampung minuto.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mahalagang panatilihing malinis ang tenga ng anak mo, ngunit mas mahalagang gawin mo ito sa tamang paraan.

    Sabi ng mga eksperto, sapat na ang maligamgam na tubig at bulak o washcloth. Kumonsulta muna sa doktor kung gagamit ka ng mga eardrops.

    Paano mo nililinis ang tenga ng anak mo? May mga techniques ka ba? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles