embed embed2
  • Hiwalay Sa Tatay O Nanay Ng Anak Mo? Paano Maiiwasan Ang Tinatawag Na Parental Alienation

    Hindi maganda ang epekto nito sa mga bata paglaki nila.
    by Ana Gonzales .
Hiwalay Sa Tatay O Nanay Ng Anak Mo? Paano Maiiwasan Ang Tinatawag Na Parental Alienation
PHOTO BY Shutterstock/CrispyPork
  • Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maganda ang pagsasama ng mga magpartners o mag-asawa. Sa katunayan, marami sa mga toxic relationships ngayon ang nauuwi sa hiwalayan.

    Naiipit ang mga bata sa pagitan ng mga hindi pagkakaunawaan na ito. Dito rin malimit nangyayari ang tinatawag na parental alienation.

    Ano ang parental alienation?

    Paliwanag ng mga eksperto, nangyayari ang parental alienation kapag sinisiraan ng magulang ang isa pang magulang sa anak nila. Malimit mangyari ito sa pagitan ng mga magulang na hiwalay na at hindi maayos ang co-parenting setup.

    May mga magulang na gumagamit ng parental alienation para mas paburan sila ng anak nila—makikita ito madalas sa mga custody disputes.

    Sabi ng mga eksperto, hindi lang ito toxic sa mga magulang, toxic din ito para sa mga anak. Hindi pa kasi ganoon kaayos ang kakayahan ng mga bata o menor de edad para malaman kung minamanipula sila.

    Anu-ano ang tanda ng parental alienation sa mga magulang?

    May mga strategies na ginagamit ang isang toxic parent para gawin ang parental alienation. Kabilang na riyan ang:

    • Pagsasabi sa mga bata na hindi sila mahal ng other parent
    • Paglilimita ng pakikipag-usap at pakikihalubulo sa other parent
    • Pagpilit sa mga bata na mamili kung kanino nila gustong sumama
    • Pagpapataw ng parusa sa bata kung gusto nilang makipagkita o makihalubilo sa isa pa nilang magulang
    • Pagsasalita ng masama sa other parent
    • Pagmamaliit sa kakayahan ng other parent na maging magulang

    Anu-ano ang tanda ng parental alienation sa mga bata?

    • Nagkakaroon sila ng matinding takot o galit sa isa pa nilang magulang
    • Galit sila pero hindi nila maipaliwanag kung bakit
    • Masama ang tingin at pagkakakilala nila sa isa pa nilang magulang
    • Hindi sila nakakaramdam ng guilt sa kabila ng masamang trato nila sa isa pa nilang magulang
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anu-ano ang epekto ng parental alienation sa mga bata?

    Bukod sa toxic ang pakiramdam nila, nawawala din ang pagkakataon ng bata na makapag-develop ng magandang relasyon sa isa pa niyang magulang.

    Paliwanag ng mga eksperto, maituturing na pang-aabuso ang parental alienation. Maaari rin itong magdulot ng:

    • post-traumatic stress disorder
    • depression
    • self-hatred
    • addiction

    Mayroon kasing nangyayaring internalization sa isip ng mga bata. Naniniwala sila na hindi talaga sila mahal ng isa pa nilang magulang at hindi biro na dalhin ito ng mga mura nilang isipan.

    Paano maiiwasan ang parental alienation?

    Hindi kailanman dapat isinasali sa away ng mga matatanda ang mga bata. Kung may hindi pagkakaintindihan ang mga magulang, hindi dapat isali ang mga bata. Ang conflict ng mag-asawa ay hiwalay at iba sa pagiging magulang.

    Iwasang siraan ang isang magulang kung wala siya. Sa halip, ipaliwanag sa mga bata na hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkakasundo si nanay at si tatay.

    Ipaliwanag sa mga bata na hindi nila kasalanan ang ano mang hindi pagkakaunawaan ng mga magulang. Sa ganitong paraan, maiiwasang sisihin nila ang kanilang mga sarili at maiiwasan din ang tukso na siraan ang isang magulang.

     

    Kayo, maayos ba ang co-parenting setup niyo ng iyong dating partner? Paano ninyo naisgurong walang conflict ang inyong pagiging magulang? I-share ang inyong experience sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles