embed embed2
  • 5 Paraan Nang Pagtuturo Ng Mga Magagandang Asal Maliban Sa Pagmamano

    May ilang tips ang mga eksperto para matutunan ng mga ang bata ang tamang values.
    by Jocelyn Valle .
5 Paraan Nang Pagtuturo Ng Mga Magagandang Asal Maliban Sa Pagmamano
ILLUSTRATOR Natz Bade
  • Hangad ng bawat magulang na mapalaki ang anak na may mga magagandang asal at makampante na gagawin nito ang tama sa lahat ng oras, kahit hindi binabantayan. Kapag nakikipaglaro, halimbawa, hindi siya makikipag-away kapag natatalo.

    Ang kakayahan ng bata na piliin ang tama sa mali ay nakasalalay sa mga nakalakihan niyang pagpapahalaga o values. Kapag naturuan siya — sa salita man o gawa — kung paano makitungo sa ibang tao, mas lamang na hindi niya pagsasalitaan nang masama ang kanyang kalaro.

    What other parents are reading

    Paano ituro ang magagandang asal 

    Values ang mga paniniwala o pamantayan na nagtutulak sa tao na gawin ang isang bagay, ayon sa naulat na research brief  ni Dr. Laura Padilla-Walker. May mga paliwanag at payo ang associate director ng Brigham Young University’s School of Family Life. Ang unibersidad na iyon ay matatagpuan sa state ng Utah sa United States.

    Paano matuturuan ng mga magagandang asal ang mga bata kahit sa murang edad pa lamang? Narito ang ilang suhestiyon para sa magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iwasan ang scare tactic

    Hindi matututo ang bata na pahalagahan ang pagiging magpagbigay o generous kapag tinatakot o pinagbabantaan siya na iko-confiscate ang laruan kapag ipagdadamot niya ito sa kalaro. Mas mainam na magkaroon ng tamang pag-uugali ang bata dahil alam niya na iyon ang tamang gawin. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Intrinsically motivated” ang tawag ni Dr Padilla-Walker dito. Sa ganitong paraan, aniya, nasa tamang disposisyon parati ang bata kahit wala sa paningin ng magulang.

    What other parents are reading

    Habaan ang pasensya sa pagsagot sa mga “bakit” na tanong ng anak

    Kapag nagtanong ang bata kung bakit mali na sigawan niya ang kanyang kapatid o maging bastos sa kanyang yaya, bigyan ng panahon ang pagsagot. Paalala ni Dr. Padilla-Walker na huwag lang basta idahilan na ikaw ang magulang kaya ganoon. Mas maigi na kausapin ang bata kung bakit importante ang mga partikular na paniniwala at pag-uugali.

    Ipaliwanag sa bata kung bakit tama o mali ang isang pag-uugali. Puwedeng ipaalala na ayaw din ng bata kapag galit at maingay ang ibang tao. O kaya sabihan na masasaktan ang damdamin ng kapatid kapag sinigawan niya ito. Iksian lang ang paliwanag at gumamit ng mga simpleng salita na maiintindihan ng bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maging consistent

    Habang nasa ilalim ang bansa ng community quarantine at nagtapos na ang school year, ipaalala pa rin ang kahalagahan ng edukasyon sa anak. Maaaring i-enrol siya sa online educational class o kaya ay sabay na magbasa ng libro. Hindi dahilan ang kakaibang sitwasyon na hatid ng COVID-19 pandemic para isantabi ang kakayahang matuto. 

    Babala ni Dr. Padilla-Walker na kung paminsan-minsan lang mga paalala ng mga magulang at hindi pa sila pareho ng pananaw, mahihirapan ang kanilang anak na kilalanin ang parental values.

    What other parents are reading

    Maging ehemplo

    Hindi man sumunod ang anak sa itinuturo ng magulang ngayon, sa kalaunan ay gagayahin ng anak ang ginagawa ng magulang. Sinabi ni Dr. Laura Markham, isang psychologist at parenting expert, sa isang artikulo sa Psychology Today na sinasalamin ng anak ang asal ng magulang bilang kanyang modelo. 

    Isang halimbawa, ayon kay Dr. Markham, ay ang pagsisinungaling ng magulang sa kausap niya sa telepono habang nakikinig ang anak. Iisipin ng bata na tama ang pagsisinungaling. Isa pang halimbawa ngayong panahon ng health crisis ay ang hindi pagsusuot ng face mask ng magulang kapag lalabas ng bahay. Iisipin ng bata na okay lang lumabag sa batas basta hindi mahuhuli. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Diin ni Dr. Markham na ang pinakaepektibong paraan para maturuan ng magulang ang anak ay maging mabuting ehemplo. Tama ang kasabihan na actions speak louder than words. 

    Magkaroon nang matibay na bond sa anak

    Mas madali para sa bata na sundin ang mga itinuturo ng magulang na mga magagandang asal kung malapit sila sa isa’t-isa. Ang ganitong koneksyon, ayon kay Dr. Markham, ay 90 porsiyento ng pagiging magulang. Kapag hindi naramdaman ng anak ang koneksyon sa magulang, hindi siya magiging bukas sa pagsunod sa itinuturo sa kanya.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles