embed embed2
  • Pagdating Sa Pagdidisiplina, May Iba Pa Nga Bang Pwedeng Pumalo Sa Anak Natin?

    Narito ang mga pwede mong gawin kung pinapalo ng iba ang anak mo.
    by Ana Gonzales .
Pagdating Sa Pagdidisiplina, May Iba Pa Nga Bang Pwedeng Pumalo Sa Anak Natin?
PHOTO BY Unsplash
  • Maraming kaakibat na responsibilidad ang pagiging isang magulang. Higit sa pagbibigay sa mga pangunahing pangangailangan ng anak mo, responsibilidad mo rin ang disiplinahin siya at turuan siya ng mabuting asal.

    MORE ABOUT DISCIPLINE HERE:

    Ngunit paano kung iba ang mamalo at dumisiplina sa anak mo? Madalas itong itanong ng mga nanay sa aming online community. May iba pa nga bang pwedeng dumisiplina sa anak mo maliban sa inyo ng tatay niya? Okay nga lang bang pagalitan siya ng iba? Heto ang ilan sa mga sagot ng mga nanay:

    "No. Your child, your rules."

    Marami sa mga nanay ang nagsabing wala nang ibang dapat dumisiplina sa anak ninyo kundi kayo ng tatay niya. Lalong-lalo na kung hindi ka sangayon sa paraan nila ng pagdidisiplina.

    Sabi pa ng mga nanay, kung ano ang gusto mong paraan ng pagtuturo at pagdidisiplina sa anak mo, 'yun ang dapat masunod. Walang ibang pwedeng manakit sa anak mo dahil maaari itong makaapekto sa pag-iisip nila sa kanilang paglaki.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Set boundaries."

    Sabi ng mga nanay, kahit kailan ay walang karapatan ang ibang adults na paluin ang anak mo—maging lolo man 'yan o lola ng anak mo, tito, tita, o sino pa man sa inyong pamilya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Iparating mo sa kanila na ikaw ang pagsabihan."

    Mas makakatulong sa pagpapalaki ninyo sa inyong anak kung kayo ang pagsasabihan pagdating sa kailangang pagdidisiplina sa bata. Sabi nga ng mga nanay, mas maa-appreciate nila kung sila ang pagsasabihan para sila mismo ang didisplina sa kanilang mga anak.

    "Ipaliwanag mo sa anak mo ang nangyari."

    Lalo na kung nasa edad na siya na nakakaintindi na siya ng mga sinasabi mo. Kailangang malaman niya kung bakit siya napalo para hindi niya maramdaman na hindi mo siya ipinagtatanggol.

    Pagkatapos mong kausapin ang anak mo, pagpaliwanagan mo naman ang kaanak mo na namalo sa kanya na hindi ka sang-ayon sa pagdidisiplina nila sa anak mo.

    Paliwanag ng mga nanay, kung sno ang magulang, sila lang dapat ang may karapatang dumisiplina sa kanilang mga anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang paulit-ulit na sinasabi ng mga nanay, may boundary ang pagdidisiplina ng ibang tao sa mga anak mo. At ang boundary na ito ay dapat mong ipaliwanag sa mga kamag-anak mo. Kayo ang magulang kaya kayo ang dapat na masunod pagdating sa pagdidisiplina sa bata.

    MORE ABOUT DISCIPLINE HERE:

    Sabi pa ng mga nanay, pwede mo ring maging patakaran na pwedeng pagsabihan ang anak mo pero kailanman ay hindi siya pwedeng pagalitan o paluin ng iba. Pakiusapan mo rin ang iyong mga kaanak na huwag gawin ang pagsasabi o pagdidisplina sa publiko o sa harap ng ibang tao.

    Mayroon ka bang mga kwentong gusto mong ibahagi? Sumali ka lang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles