;
embed embed2
  • Ang Mga Puwede Mong Gawin Para Sa Brain Development Ng Anak

    Malaking tulong ang experiences at interactions sa bata.
    by Jocelyn Valle .
Ang Mga Puwede Mong Gawin Para Sa Brain Development Ng Anak
PHOTO BY Shutterstock
  • Sa tulong ng science, partikular ang neuroimaging, makikita na kung paano nagtatrabaho ang brain at ang development nito. Alam na ng mga scientists ngayon na malaki ang tulong ng komunikasyon ng brain cells na neurons para mapabilis ang cognition at socio-emotional skill sets, lalo na sa mga unang taon ng bata.

    Nagbigay ng paliwanag si Dr. Judy Willis, isang neurologist at teacher, sa artikulong isinulat niya sa Psychology Today. Aniya, lahat ng experiences at interactions ay may ambag sa brain development sa pamamagitan ng neuroplastic remodeling.

    Dagdag pa niya na may "powerful impact" ang magulang sa brain development ng anak. Nangyayari raw kasi ang "most rapid growth" ng brain habang ipinagbubuntis ang bata at ang pagkatapos niyan, "intense second of accelerated growth" naman sa mga edad mula 2 hanggang 7.

    Sa mga panahon ng iyan, natututo raw ang mga bata sa pamamagitan ng experience. Kaya payo ni Dr. Willis sa mga magulang na tulungan ang mga anak "to build skills to take on challenges, overcome obstacles, and persevere after mistakes."

    Shapen memory

    Sabi ni Dr. Willis, malaki ang papel ng pagmemorya sa paglago ng brain cells. Ang memory daw kasi ang "mental manipulation of learning" na tutulong sa brain networks na lumakas, bumilis, at mas tumibay. Matutulungan mo ang anak na mahasa ang kanyang memorya kung bibigyan mo siya ng activities na kailangan niyang mag-practice at gamitin ang bagong kaalaman sa iba pang paraan.

    Delay gratification

    Isa pang malaking tulong sa brain development ng bata ang pagkatuto niya ng self-regulation at delay of gratification. Kaya mainam daw na sabihan ang bata tungkol sa hindi pang-aagaw ng laruan ng kapatid o kalaro, pati na ang hindi paghihintay sa pila. Mahalaga rin daw na matuto ang bata na isipin muna kung anong dapat dalhin papunta, halimbawa, sa park imbes na tumakbo kaagad palabas ng pinto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Emphasis on attention focus and goal-directed behaviors

    Suhestiyon pa ni Dr. Willis, matutulungan mo ang anak na palakasin ang kanyang executive funtions kung bibigyan mo ng mga gawain na makakapag-focus at mapaplano ang pagkamit sa specific goals. Subukan daw ang mga larong Red Light, Green Light, at Simon Says.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles