embed embed2
  • Experts Say: Maaaring Magdulot Ng Fear Of Abandonment Ang Paghihiwalay Ng Mga Magulang

    Ano nga bang dapat mong gawin para maiwasan ito?
    by Ana Gonzales .
Experts Say: Maaaring Magdulot Ng Fear Of Abandonment Ang Paghihiwalay Ng Mga Magulang
PHOTO BY Shutterstock
  • Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging matagumpay ang isang pagsasama. Bagaman wala pang divorce dito sa ating bansa, mayroon pa ring mga mag-asawang naghihiwalay sa pamamagitan ng annulment.

    Mahirap piliin ang paghihiwalay, lalo na't alam ninyo bilang mga magulang, na marami itong magiging epekto sa mga anak ninyo.

    Anu-ano ang maaaring maging epekto ng paghihiwalay ng magulang?

    Para sa mga maliliit na bata, malimit ay hirap silang intindihin kung bakit kailangan nilang pumunta o mamalagi sa dalawang magkahiwalay na bahay.

    Sa mga grade school-age kids naman, maaaring sisihin nila ang kanilang mga sarili sa nangyari.

    Habang ang mga teenagers naman ay maaaring makaramdam ng galit sa isa o parehong mga magulang dahil sa pagkasira ng pamilya.

    Ang epekto sa mga bata ng paghihiwalay ng mga magulang ay depende sa iba't-ibang circumstances—kung maayos ba ang paghihiwalay, kung magkasundo ba ang mga magulang, at iba pa.

    Lumalabas sa pag-aaral na may mga batang lumalaking may behavioral problems dahil sa hindi maayos na paghihiwalay ng mga magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May ilang nagkakaroon ng poor academic performance, habang ang ilan naman ay maagang sumasabak sa mga risky behaviors tulad ng substance abuse at premarital sex.

    Bukod sa mga ito, nakita rin ng mga eksperto ang posibleng pagkakaroon ng mga bata ng fear of abandonment o iyong takot at paniniwala na lagi silang iiwanan ng mga tao sa paligid nila.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ayon sa research ng mga dalubhasa mula sa Arizona State University, ang mental health ng mga batang may mga magulang na madalas at matinding mag-away ang siyang pinaka-apektado.

    Mahigit 500 bata edad 9 hanggang 18 ang sumali sa pag-aaral. Dito nila napag-alamang kapag mas madalas mag-away ang mga magulang, mas nakakaramdam ang mga bata ng fear of abandonment.

    Kapag nag-aaway kasi ang mga magulang, natatakot ang mga bata na mauuwi ito sa hiwalayan. Kapag nauwi naman ito sa hiwalayan, natatakot ang mga bata na hindi na nila makitang muli ang isa sa kanilang mga magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa pag-aaral na ito nakita ng mga eksperto ang kahalagahan ng paghahanap ng tinatawag na middle ground.

    Ibig sabihin, hindi man naging maayos ang inyong pagsasama, hindi nito dapat maapektuhan ang inyong pagiging magulang.

    Paano tulungan ang mga bata nag mag-adjust sa paghihiwalay ng mga magulang?

    Pag-aralan ang mapayapang co-parenting

    Iwasan na ang pagsigaw, pag-aaway, at panunumbat sa isa't-isa, lalo na sa harap ng mga bata. Sa halip, isantabi ang inyong mga pagkakaiba ng paniniwala at unahin ang kapakanan ng inyong mga anak.

    Mayroon ngang kasabihan na ang co-parenting ay hindi isang kumpetisyon. Ang mahalaga, magampanan ninyo ang mga tungkulin ninyo bilang nanay at tatay.

    Huwag igitna ang mga bata

    Iwasang papiliin ang inyong mga anak sa pagitan ninyong dalawa. Mas maaaring magkaroon ng depression at anxiety ang mga bata kung igigitna ninyo sila.

    Maging conistent sa mga rules at paraan ng pagdidisiplina

    Hindi pwedeng may parusa ang isa habang kunsintidor naman ang isa. Kailangan ay may set of rules kayo na ipapatupad magkaiba man kayo ng bahay na tinutuluyan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung 9PM ang bedtime sa bahay ni mommy, 9PM din dapat ang bedtime sa bahay ni daddy.

    Bukod pa sa mga ito, ang isa sa mga pinakamahalagang gawin ninyo bilang mga magulang ay ipaalala at ipaliwanag sa mga anak ninyo na wala silang kasalanan sa nangyari.

    Maganda ring i-empower sila na kaya nilang i-handle ang mga pagbabagong pare-pareho ninyong pagdadaanan. Mahalagang ramdam nila na magbago man ang inyong sitwasyon, hindi magbabago ang nararamdaman mo para sa kanilang bilang magulang nila.

    Pinagdaraanan mo ba ito ngayon? Anong naging epekto sa mga anak ninyo ng paghihiwalay ninyo ng partner mo? I-share mo 'yan sa comment section o 'di kaya sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles