embed embed2
  • Mga Nanay-Approved Techniques Para Matuto Ang Toddler Mo Ng Alphabet

    Ganito ang ginawa ng mga nanay sa Smart Parenting Village para matuto ang mga anak nila.
    by Ana Gonzales .
Mga Nanay-Approved Techniques Para Matuto Ang Toddler Mo Ng Alphabet
PHOTO BY Shutterstock
  • Isa ang alphabet sa mga una mong pwedeng ituro sa anak mo, Kasabay ng kabutihang asal at pagiging magalang.

    Bukod kasi sa madali lang itong matutunan, marami ring mga creative na paraan para ituro mo ito sa kanya. Nagbigay ng ilang tips at techniques ang mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenging Village.

    Paano turuan ng alphabet si baby

    Gumamit ng mga makukulay na learning materials

    Hindi pa masyadong mahaba ang attention span ng mga toddlers kaya naman payo ng mga nanay, importante na gumamit ng mga learning materials na makulay, masarap hawakan, at agaw-pansin.

    Makakatulong din kung tumutunog ang mga learning materials mo. Sabi ng mga nanay, naging epektibo sa kanila ang mga flash cards at charts.

    Makakabili ka sa Lazada ng mga flashcards na nagkakahalaga ng Php100 pataas. Magandang choice din ang mga wooden alphabet letters. Paglaki kasi ng anak mo, magagamit niya pa ulit ang mga ito para naman magsimulang mag-aral na bumuo ng mga salita.

    Kantahan sila ng mga nursery rhymes

    Kung napapansin mong parang walang interes ang anak mo sa mga flash cards, charts, at wooden letters, daanin mo na lang siya sa kanta.

    Ang ikinaganda kasi ng laging pagkanta ng mga alphabet nursery rhymes, hindi namamalayan ng anak mo na natututunan na pala niya ang alphabet. Hindi rin siya mape-pressure na maintindihan niya agad ang itinuturo mo.

    Sabayan sila sa pagbabasa

    Ito ang paborito ng mga nanay sa Village dahil bukod sa matututo na si baby, magiging bonding rin ninyo itong mag-ina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maraming mga simpleng storybooks ngayon kung saan maituturo mo ang alphabet sa pamamagitan ng mga nakakatuwang kwento.

    Gumamit ng mga charts ng phonics

    Maraming mga ganitong kanta na naka-focus sa mga phonics. May ilang mga nanay na gumagamit ng mga gadgets para dito ngunit sinisiguro nilang hindi masyadong matagal ang screentime ng mga bata.

    Isama ito sa araw-araw na mga ordinaryong bagay

    Sabi nga ng mga nanay sa Village, practice is key! Importanteng isama mo sa pang-araw-araw na gawan ninyo ng anak mo ang mga alphabets.

    Habang kumakain siya, pwede mong i-identify kung saang letters nagsisimula ang mga kinakain niya.

    Ilang paalala...

    Iba-iba ang development ng mga bata kaya mahalagang hayaan mo ang anak mo na matuto sa kanyang sariling bilis.

    Subukang huwag magpadala sa pressure na naririnig mo sa iba. Iwasan din ang pagkukumpara ng anak mo sa mga batang kaedad niya.

    Mahalaga ang pratice at consistency para matuto ang anak mo. Bukod din sa kanyang alphabets, importante ring matutunan niya ang pakikipagkapwa tao, pagiging magalang, at kabutihang asal.

    Ikaw? Paano mo tinuturuan ang anak mo ng alphabet? I-share mo na ang iyong techniques sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close