-
Ang Galing Magbasa ni Baby: Gifted o Hyperlexic?
by Thumby Server-Veloso .
- Shares
- Comments

Si Rory, isang dalawang taong gulang na batang lalaki, ay inilarawan ng kanyang mga guro sa kanyang toddler class bilang isang batang "obsessed sa mga letra." Ayon sa kanila, madalas na ang nilalaro lang nito ay ang plastic alphabet set sa kanilang silid-aralan. Madalas ay matagal niya itong tinitignan at inaayos-ayos. Napansin ng mga guro na Rory na sa tuwing bibigyan nila ang bata ng ibang laruan, nagwawala ito. Hindi rin lumilingon o sumasagot si Rory kapag tinatawag ang pangalan niya at naiinis kapag may tumutugtog na musika. Hindi rin nagpapakita si Rory ng interes para makipaglaro sa ibang mga bata. Hindi nag-alala ang mga magulang ni Rory dahil mabilis namang mag-identify ng mga letra ng alpabeto and bata at kaya pa nitong magbilang hanggang dalawampu.
“When a young child starts reading, parents feel that this is the best indicator that the child is learning. However, reading or the act of decoding is just the tip of the iceberg!” ayon kay Yvette Dinglasan-Crisostomo, ang co-founder at direktor ng Spark Discovery Center, na naniniwalang hindi lamang academics ang sukatan ng child development.
Ang tatlong taong gulang na si Patrick naman ay natutong magbasa bago pa man siya pumasok bilang nursery. Naging ugali na niyang pumili ng libro mula sa aklatan at basahin ang bawat pahina nito. Bagaman ganito ang sitwasyon, nag-alala pa rin ang mga guro ni Patrick dahil napansin nilang mukhang hindi naman naiintindihan ng bata ang kanyang binabasa. Kapag may tinatanong sila sa kanya tungkol sa binasa niya, uulitin niya ang bawat salita eksaktong eksato sa kung ano mang nakasulat sa libro.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Sa pagbasa, importante ang comprehension
“A child may be able to read a text but not be able to make any sense of it because of lack of real-life experience to help him comprehend what he read,” sabi ni Dinglasan-Cirsostomo. “When I was 5 years old, I remember being able to read the sign 'Post No Bill.' But I wondered what that meant and why that was written on the walls and fences!”
Bagaman advanced ang decoding at memory skills ni Patrick, nahuhuli naman ang kanyang language at social skills kung ikukumpara sa mga batang kaedad niya. Dahil hindi rin niya alam kung paano makipag-usap sa kanyang mga kaklase, naging agresibo siya at kung minsan ay nakakapasakit pa siya ng iba. Katulad ng mga magulang ni Rory, hindi rin nag-alala ang mga magulang ni Patrick. Ayon sa kanila, naiinip lamang ang anak nila sa school kaya't ganoon ang nagiging ugali ng bata.
Kahit hindi siya nakikipag-usap sa ibang tao, nagsasalita lamang siya gamit ang scripted phrases (inuulit niya ang mga linya sa paborito niyang TV shows), at hindi niya kayang sumama sa group discussions, ginusto pa din ng mga magulang niya na ilagay siya sa isang academically challenging program.
What other parents are reading
Nariyan din ang batang si Sarah, na bagaman isa't kalahating taong gulang pa lamang ay natuto nang magbasa sa pamamagitan ng isang app. Ang ikinabahala ng kanyang mga guro ay ang kanyang boses na katulad ng isang cartoon character. Mataas ito at kakaiba ang mga intonations o tono na para bang ginagaya niya ang mga boses na naririnig niya sa app. At hindi siya naglalaro kapag ginagaya niya ang mga boses ng cartoon characters sa app—ganun talaga siyang magsalita.
CONTINUE READING BELOWwatch nowNariyan din ang batang si Sarah, na bagaman isa't kalahating taong gulang pa lamang ay natuto nang magbasa sa pamamagitan ng isang app. Ang ikinabahala ng kanyang mga guro ay ang kanyang boses na katulad ng isang cartoon character.
“It felt like we were talking to a robot,” sabi ng kanyang guro. “But her parents didn’t seem to mind that her speech was strange. They just kept directing our attention to how advanced she was for her age.”
Ayon kay Dinglasan-Crisostomo, “When a parent tells me that their preschool child is advanced or gifted because of early identification of letters and numbers, I acknowledge the skills the child exhibits. However, I point out that in the early years we always look at the whole child and all areas of development.
“I may suggest that the child may have good visual memory, hence the ability to identify symbols that are shown to them easily. However, there are other cognitive skills and many types of memory that a child will develop and use to learn and understand his world.”
What other parents are reading
Gifted ba o hyperlexic?
Habang inpinagdiriwang ng mga magulang ang kakayahan ng kanilang mga anak na magbasa sa murang edad, and ilang mga childhood educators ay nagpapahayag naman ng concern. Ang mga batang ito nga ba ay gifted? O hyperlexic?
Ang Hyperlexia ay isang kundisyon kung saan nakakabasa ang bata ng mga materyal na hindi mo aasahang mababasa ng batang nasa murang edad. Mayroon din silang malakas na memory skills. Subalit, karamihan sa mga hyperlexic na bata ay walang kakayahang intindihin ang ibig sabihin ng mga salitang binabasa nila. Mayroon din silang delayed speech at social skills. Karamihan sa kanila ay nagpapakita ng obsession sa letters and numbers.
Ang isang batang hyperlexic ay may kakayahang magbasa ng mga materyales o babasahin na hindi angkop o mas mataas sa kanilang edad. nang higit pa sa inaasahan sa kanilang edad pati na rin ang pagkakaroon ng malakas na mga kasanayan sa memorya. Mayroon din silang malakas na memory skills. Subalit, karamihan sa mga hyperlexic na bata ay walang kakayahang intindihin ang ibig sabihin ng mga salitang binabasa nila.
Sa inilabas na article ni Dr. Darold A. Teffert sa Wisconsin Medical Society na pinamagatang "“Hyperlexia: Reading Precociousness or Savant Skill,” ibinahagi niya ang tatlong uri ng hyperlexia.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHyperlexia Type I ay kinabibilangan ng mga batang talaga namang matalino. Sila ang mga neurotypical na bata na nakakabasa ng maaga. Kapag sila ay sinuri, hindi sila itinuturing na gifted. Sa kanilang preschool yearrs, nakakabasa na sila ng Grade 1 o 2 levels. Ngunit kalimitan, naaabutan din sila ng mga kaklase nila.
Hyperlexia Type 2 ay kinabibilangan ng mga batang talaga namang mahusay ang memorya at reading skills. Subalit ang kanilang language, social, at behavioral skills ay katulad ng mga batang may autism. Dahil diyan, ang kanilang hyperlexia ay itinuturing na "splinter skill" na bahagi ng isa pang diagnosis.
What other parents are reading
Ayon sa Center for Speech and Language Disorders, ang hyperlexia ay maaaring related sa learning development disorder. “Although hyperlexia may be the key symptom in describing the learning difference in a child, it is not a stand-alone diagnosis.”
“[Hyperlexia] exists on a continuum with other disorders, such as autism spectrum disorders, language disorders, and nonverbal learning disabilities. Children with hyperlexia may also exhibit other conditions, such as sensory integration dysfunction, attention-deficit/hyperactivity disorder, motor dyspraxia, obsessive-compulsive disorder, depression and/or seizure disorder.”
Hyperlexia Type III naman ay kinabibilangan ng mga batang natuto ring magbasa ng maaga. Mayroon din silang remarkable memorization abilities, ngunit minsan ay mayroon din silang advanced abilities sa ibang larangan. Wala silang autism kahit na nagpapakita sila ng "autistic-like" behavior. Sa halip ay outgoing at affectionate pa sila sa family members, ngunit tahimik, reserved, at mahiyain sa mga hindi gaanong kakilala. Sa paglipas ng panahon ay nawawala rin ang mga "autistic-like" behaviors at ang mga batang ito ay kalimitang neurotypical para sa kanilang edad.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Ano nga ba ang dapat mong gawin kung ikaw o ang teacher ng anak mo ay naghihinalang may hyperlexia ang iyong anak?
Step 1: Magpatingin sa isang speech at language pathologist.
Sabi ni Phyllis Kupperman, isa sa mga leading experts sa hyperlexia, “The more accurately we can define the nature of the disorder, the more accurately we can design effective teaching strategies.” Maraming mga documented cases ng epektibong therapies at strategies na nakatulong sa mga hyperlexic children.
Step 2: Agapan ito ng maaga
Malaking pagbabago sa buhay ng iyong anak ang madudulot ng maagang intervention. Sa pamamagitan ng speech at occupational therapy, matututo ang anak mo na magdevelop ng language at social skills. Matututo rin siya ng sensory processing skills.
Sabi pa ni Kupperman, “One of the most striking things we have noticed in our experience with these children is that when we first see them at the age of 2 or 21/2. They look bad. They are not able to understand language. They may use a few words, but often they are echolalic. Their behavior looks autistic.”
Sa kanyang pagsusuri, sabi ni Kupperman, “However, we have found that these children emerge out of that autism although they may retain some aloofness or antisocial and oppositional behaviors. Their need to maintain their aloneness and their need to engage in self-stimulating behaviors decreases dramatically as their language comprehension and expressive language improve.”
What other parents are reading
Step 3: Hanapin ang tamang paaralan.
Sa article ding iyon ni Kupperman, sinabi niya na ang mga school set ups na akma sa mga batang may hyperlexia ay depende sa kanyang kakayahan at sa goals mo para sa kanya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW“It is important they be taught appropriate social skills and grouping them with children who use appropriate skills is a critical part of the planning.”
Narito ang mga sinabi niyang criteria na dapat mong hanapin:
>
- Maliit na bilang ng estudyante sa isang klase
- Ang kurikulum ay dapat may language development na expressive at receptive, written at oral.
- Ang class routine ay structured ngunit hindi mahigpit
- Dapat ay may variety ng behavioral interventions (huwag umasa sa behavioral rewards system)
- Dapat ay maraming visual at manipulative aids sa loob ng classroom
- Dapat ay flexible ang programa upang magamit din nila ang reading at rote-learned skills
- Ang program ay dapat na may opportunities para sa social interaction kasama ang appropriate peer group
- Dapat ay mayroong supportive services at teacher aides na available
What other parents are reading
Hindi masamang ipagdiwang mo ang kakayahan ng anak mo na makapagbasa ng maaga, ngunit dapat mo ring alamin kung gaano karami sa mga nababasa nila ang kanilang aktwal na naiintindihan. Dapat mo ring bantayan ang speech development ng iyong anak. Tignan mo kung inuulit lang nila ang mga salitang natututunan nila o ginagamit talaga nila ito sa tamang konteksto.
Madalas ay hindi binibigyang pansin ng mga magulang ang social skills ng kanilang mga anak. Importanteng tignan mo kung kaya ba ng anak mong makipag eye contact. Sumasagot ba siya kapag tinatawag ang pangalan niya? Nakikipagkaibigan ba siya sa kanyang mga nakakahalubilong bata? Nag-eenjoy ba siya kapag nakikipaglaro sa iba?
Higit sa lahat, tignan mo rin kung mayroon siyang sensory issues. Sensitibo ba siyang masyado sa ilaw, tunog, pagkain, at paghawak? Madalas ba ay halos nakapikit na ang kanyang mga mata? Tinatakpan ba niya lagi ang kanyang tenga? Tumatakbo palayo? Umiiyak o nagta-tantrums?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWalang madaling solusyon para dito, ngunit ang iyong mga efforts upang tulungan ang iyong anak ay sigurado namang worth it. Ayon sa hyperlexia article ni Kupperman, sinabi niyang “Because the eventual success of these children depends on the development of their comprehension and use of language skills, intensive speech, and language therapy and special education teaching can help achieve these objectives.”
Kung ang mga magulang at guro ay makikipag-ugnayan ng maaga sa mga therapists upang masuportahan ang language development, sensory issues, at social skills ng mga bata, nabibigyan ito ng mas malaking pagkakataon upang mapabuti.
Thumby Server-Veloso, MA, or Teacher Thumby, is the school director and co-founder of Thinkers & Toddlers Unlimited, a progressive preschool and grade school in Alabang. She has been teaching since 1993 and has a Masters Degree in Family Life and Child Development from UP Diliman. She is also a partner in Spark Discovery Center, Makati.What other parents are reading

- Shares
- Comments