embed embed2
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • PHOTO BY iStock

    Sino nga bang mag-aakala, bilang isang magulang, na magbibigay tayo ng pansin sa mga bagay tulad ng dumi ng ating anak? Ang pagtingin sa dumi ng iyong anak ay isang magandang paraan upang masuri ang kanyang kalusugan. Kasabay nito, kung may problema man siya sa kanyang pagdumi, alam mo na ito na ang tamang oras na baguhin moa ng kanyang – at malamang pati ang iyong – uri ng pamumuhay.

    Ano nga ba ito?

    Ang constipation ng bata o pagtitibi ay binibigyang-kahulugan bilang “pagkaantala o hirap sa pagdumi. Maaari mong sabihin na ang isang bata ay constipated o hirap dumumi kapag ang kanyang pagdumi ay hindi kasingdalas kaysa sa dati o kapag ang dumi ay masakit o mahirap ilabas,” sabi ni Karen Calixto-Mercado, M.D., espesyalista sa pediatric gastroenterology, hepatology, at nutrition. “Ang dumi ay mukhang matigas, buo at mas malaki kaysa sa kadalasang itsura o di naman kaya ay maliliit at matitigas na pellets.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Idinagdag pa ni Cricket Chen, M.D., isang pedyatrisyan na dalubhasa sa matural medicine o natural na panggagamot, na nangyayari ang constipation kapag ang iyong dumi ay “sobrang hirap at masakit ilabas na maaaring maging sanhi ng pagdurugo. Nangyayari rin ito kapag kinakailangan tanggalin ang isang natuyong dumi o kapag may mga pagbabago sa dalas ng pagdumi ng bata.”

    Hindi pare-pareho ang iskedyul o oras ng pagdumi ng mga tao kaya mahalaga na alam mo kung ano ang normal sa iyong anak. “Ang karagdagang dalawang araw bago ka dumumi ulit sa masama na,” isang babala mula kay Dr. Chen.

    Sinabi ni Dr. Calixto-Mercado na mayroon pang ibang paraan upang malaman kung ang iyong anak ay nakakaranas ng pagtitibi: “Kung ang iyong anak na toddler o batang nasa wastong gulang na para mag-aral ay madalas na nadudumihan ang kanyang pang-ilalim o lampin na kung minsan ay napagkakamalan bilang pagtatae.” Kasabay pa nito, ang paguugali ng iyong anak ay maaari ring magpakita ng mga indikasyon. “Ang mga batang nakakaranas nito ay mapapansin ang ugali na madalas magpigil ng dumi,” dagdag pa ni Dr. Calixto-Mercado. “Sila ay nababalisa at nagtatago sa likod ng upuan kapag nakakaramdam sila na kailangan nilang dumumi, o kaya naman ay umuupo nang naka-krus ang mga binti na parang gunting at tinitigasan ang kanilang puwit upang mapigilan ang paglabas ng dumi at nagiging sanhi ng masakit na pakiramdam. Minsan, dinadala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pagamutan dahil sa sakit ng tiyan, pagsusuka at kawlan ng gana kumain na nakaka-apekto ng kanilang pangaraw-araw na gawain para lang malaman na mawawala ang mga sintomas na ito kapag ginamot mo ang constipation.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ano ang sanhi nito?

    Pagbabago sa iskedyul o oras ng pagdumi

    Ayon kay Dr. Chen, “mayroong nagbago sa pangaraw-araw na daloy ng buhay ng bata katulad ng pag-alis ng yaya o kasambahay, paglipat ng bahay, paglalakbay o kahit anong pagbabago sa karaniwang iskedyul. Sumang-ayon naman si Dr. Calixto-Mercado, “Ito ay maaaring mangyari kapag may naganap na pagbabago sa nakasanayang mga gawain ng bata o ang pagkakaroon ng maayos na banyo katulad kapag sila ay nasa paaralan. Pinipigilan nilang dumumi kahit nasa tamang oras na at ang dumi ay naiipon ng mas matagal sa bituka o sa kolon.”

    Ipinaliwanag niya kung bakit mahalaga ilabas ang dumi kapag nakakaramdam ka na na kailangan mo nang dumumi. “Trabaho ng kolon na sumipsip ng tubig at kapag ang dumi na dapat mailabas ay naiwan sa loob sa kung ano pa mang kadahilanan, mas maraming tubig ang sisipsipin ng kolon mula sa dumi, na magiging dahilan ng pagtitibi ng iyong anak. Kapag hindi uminom ang iyong anak ng sapat na dami ng tubig, titigas ang kanyang dumi. Kaya kapag siya ay may sakit, dapat painumin mo siya ng mas maraming tubig.”

    Hindi sapat na tubig o fiber

    “Kailangan natin uminom ng tubig upang matunaw ang mga kinain nating concentrated na pagkain.” Sabi ni Dr. Chen. “Kailangan din ntin ng maraming fiber upang makatulong sa pagtulak ng ating dumi palabas.”

    Kung ang iyong anak ay may viral illness o sakit na dala ng virus na humantong sa pagkakaroon ng lagnat, pagtatae o pagsusuka, kakailanganin niyang uminom ng mas maraming tubig kaysa sa normal na dami na kanyang iniinom. Sinabi ni Dr. Calixto-Mercado na, “Maraming magulang ng mga batang nakakaranas ng pagtitibi ang malinaw na nakakaalala ng viral illness.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sobrang daming milk formula o formula ng tinitimplang gatas

    “Meron lamang wastong dami ng gatas na kayang tanggapin ang ating bituka. Ang paglagpas sa wastong dami ay nangangahulugan na hindi mo bibigyan ng tamang pagkakataon ang iyong panunaw para makatunaw ng pagkain,” sabi ni Dr. Chen. “Hindi kayang palitan ng gatas ang pagkain. Ang protina sa gatas ay iba sa protina mula sa pagkain. Maaari itong manatili, mabulok o bumula sa loob.”

    Ang mga panganib

    Sinabi ni Dr. Chen na ang isang posibleng kahinatnan ng pagtitibi ay “auto intoxication. Ito ay kapag ang iyong dumi ay nanatili sa loob ng iyong katawan ng ilang araw at ang mga toxins o lason ay pumasok na sa iyong dugo at nagkaroon ka ng eczema o makating balat. Magkakaroon ka rin ng hangin sa tiyan, dyspepsia, acid reflux, bloating o pamamaga, at siyempre, pananakit ng tiyan.”

    Idinagdag pa ni Dr. Calixto-Mercado, “Ang mga taong madalas makaranas ng pagtitibi ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng UTI dahil ang rectum na puno ng dumi ay malapit sa iyong pantog.”

    Kailan nga ba kailangan magpunta sa iyong pedyatrisyan? “Kapag ang iyong anak ay dalawang linggo nang nakakaranas ng matitigas na dumi at hirap sa paglabas nito at wala pa ring pagbabago, panahon na para kumunsulta sa doktor,” sabi ni Dr. Calixto-Mercado.

    Ibinigay niya ang mga tanda kung kalian dapat ipasuri agad ang iyong anak:

    • Dugo sa kanyang dumi
    • Lagnat
    • Pagsusuka
    • Pilit na pagdumi
    • Sakit sa tiyan
    • Walang gana sa pagkain
    • Hindi gaanong pagtaas ng timbang
    • Abdominal distention (o hindi pangkaraniwang paglaki ng tiyan)
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano ang maaari mong gawin

    Hindi sapat na isipin na ang dumi ay kusa ring lalabas sa takdang panahon. Dapat na may gawin ka tungkol dito. Ibinahagi ni Sylvia Rodriguez*, ina ng anim na taong gulang na si Anya*, ang kinailangan niyang gawin noong nakaranas ang anak niyang babae ng pagtitibi. “May mga pagkakataong kinakailangan kong sungkitin palabas ang kanyang dumi gamit ang aking daliri. Noong huling nangyari ito, siya ay nasa sahig at umiiyak sa sakit dahil ayaw lumabas ng kanyang dumi. Ginawa lang namin ito upang mawala ang sakit.”

    Sinabi ni Dr. Chen, “Kailangan mong mailabas ang lahat. Kapag naiwan ‘yan sa loob at tumigas, maaaring maospital ang iyong anak para sa enema o proseso ng paglalabatiba. Ito ay kung talagang malubha na. Ang mga pangpalambot ng dumi at glycerin na supositoryo para sa mga bata ay ligtas gamitin at maaaring gawin sa bahay.”

    Sinabi naman ni Dr. Calixto-Mercado na ang paggamot ay nakadepende sa edad at sa kung gaano katindi ang iyong pagtitibi. Maaaring habang tumatagal, ang mga mas natutuyo at tumitigas na dumi ay kinakaya na ng bata para mapigilan niya ang kanyang pagdumi."

    “Kailangan lang ng ibang bata na ayusin ang kanilang diyeta at dagdagan ang paginom ng tubig, pagkaing mataas sa fiber, at mga gulay at prutas. Ngunit para sa mga paulit-ulit o pangmatagalang constipation ng bata, ang isang multi-pronged approach o sa pamamaraang titingin sa ilang aspeto ng pagtitibi tulad ng interbensyon sa diyeta o pagkain, pagbabago ng kagawian at paggamot ang pinaka-matagumpay. Ang mga pangpalambot ng dumi tulad ng lactulose para sa lahat ng edad at mineral oil para sa mga mas may edad na mga bata gayundin ang glycerine suppositories ay ligtas habang ang ibang laxatives ay mas mabuting gamitin ng naaayon sa pangangalaga ng doktor. Ang paglilinis o disimpaction ay kailangang gawin kapag maraming dumi ang naiipon sa rectum. Ito ay maaaring gawin sa bahay gamit ang iniinom na gamot, supositoryo, o enema na aprubado ng iyong doktor.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Binigyang diin ng parehong doktor ang kahalagahan ng pag-eehersisyo dahil ang mga batang hindi masyadong aktibo ay mas madaling makaranas ng constipation o pagtitibi. “Hikayatin silang maglaro,” paanyaya ni Dr. Chen.

    Behavioral o paguugali at sikolohikal na mga isyu

    Ayon kay Dr. Calixto-Mercado, ang pagbabago ng kinaugalian ay mahalaga sa paggamot ng constipation ng bata. “Hinihiling namin sa mga bata na umupo sila sa inidoro ng lima hanggang sampung minuto pagkatapos kumain araw-araw. Kapag nagkaroon na ng laman ang iyong tiyan, ang colon ay kusang itutulak ang kahit anong nasa ibaba ng bituka. Kapag hindi nagmamadali ang bata dumumi pagkatapos kumain, natututunan niya kung paano sundin ang ganitong reflex upang makadumi. Hilingin mo sa kanila na maupo sa inidoro  at siguraduhing komportable sila. Ang kanilang mga paa ay hindi dapat nakabitin at dapat na nakalapat ng maayos sa isang tuntungan ng paa upang sila ay makagalaw ng maayos at nasa magandang posisyon. Ang mga magulang at kasambahay ay dapat na patuloy na magbigay ng suporta at pag-asa kapag ang bata ay may nararamdamang sakit o natatakot sa sakit na dala ng constipation. Lagi ring tandaan na walang kontrol ang batang may constipation kapag nagkaroon sila ng soiling at hindi ibig sabihin nito na sila ay sinusumpong o ayaw sumunod. Kapag ganito ang nangyari, itrato ang bata ng may simpatya at respeto.”

    Dagdag pa ni Dr. Chen na kapag ang pagtitibi ng iyong anak ay sikolohikal dala ng kanyang pagdaramdam, kailangan mong mas maging relaks o maluwag bilang magulang. Posible na ang iyong anak ay nagpipigil dahil masyado mo siyang kinokontrol o maaaring ayaw niya na biguin ka. “Payagan ang bata na maging bukas, tumawa at magsaya. Dagdagan mo ang oras na ibinibigay mo sa kanya upang siya ay maging mas masaya at komportable. Huwag maging masyadong mahigpit at kritikal sa mga pagkakamali na nagagawa niya kapag nagsasanay dumumi. Kapag sila ay may sama ng loob, sila ay nagpipigil.”

    Isa pang pagpipilian na binibigay ni Dr. Chen sa kanyang mga pasyente ay art therapy. “Ang isa sa pinakamahusay na paraan upang matugunan ang mga emosyon na itinatago ng iyong anak ay sa pamamagitan ng art o sining. Pinapagsangguni ko ang aking mga pasyente sa mga art therapists kung ang kanilang mga anak ay madalas managinip ng masama o bangungot o mayroong tinatagong emosyon. Sa pamamagitan ng sining, maaari nilang ipahayag ang kanilang emosyon at tiyak na ang normal na daloy ng pagdumi ay susunod.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anong mga dapat hanapin

    Paigtingin pa ang paggamot nito sa pamamagitan ng pagtiyak na ang iyong anak ay may maayos na bowel movement o pagdumi. “Kailangan pa rin mailabas ang mga kinain natin,” paalala ni Dr. Chen. “kapag marami kang kinain, dapat ay dalawang beses kang dumumi sa isang araw. Mas mainam kung makakadumi ka pagkatapos ng bawat kain. Kapag mas maraming beses dumumi ang bata, mas kaunti ang naiiwang hindi natunaw na pagkain.”

    Suriin din ang dumi upang makita kung ang bata ay malusog. “Kapag ito ay madaling masira o lumulutang, mayroon kang maayos na gut flora,” sabi ni Dr. Chen. “Kapag maasim ang amoy at hindi sobrang baho na parang amoy bulok, mabuti ang ibig sabihin 'nun. Ang kulay ng dumi ay nakadepende sa diyeta, kaya hindi naman dapat ito maging isyu, ngunit kapag ang dumi ay maputi, ang apdo ay hindi dumadaloy ng maayos.”

    Ipinaliwanag ni Dr. Calixto-Mercadona na ang maayos na pagdumi ay hindi dapat ganoon kaiba sa bawat bata maliban na lang kung wala pang isang taong gulang ang bata. “Kadalasan, ang mga batang nasa edad isa pataas ay dumudumi ng isa hanggang dalawang beses sa isang araw at karamihan naman ay dumudumi kada sunod na araw,” sabi niya.

    “Ang normal na dalas ng pagdumi ay magkakaiba sa bawat bata. Ngunit mas mahalaga kaysa sa dalas ay ang kalidad ng dumi ng tao. Kung ito ay mahaba, malambot, at sapat sa dami, alam mong regular ang bata.”

    Pagdating naman sa mga sanggol, ang iskedyul ng kanilang oagdumi ay depende sa kung sila ay pinapasuso ng ina o gumagamit ng pormula o tinitimplang gatas. “Ang mga sanggol na pinapasuso ay kayang dumumi pagkatapos sumuso o kaya naman kayang huwag dumumi ng pito o higit pang araw at walang kahirap-hirap na dumumi ng maayos kapag nakakaramdam na siya,” sabi ni Dr. Calixto-Mercado. "Para sa mga sanggol na gumagamit ng formula, ang mga dumi ay buo, at hindi bago para sa kanila ang dumumi nang isang beses sa isang araw. Nagbabago rin ang dalas at kalidad ng kanilang dumi kasabay ng pagbabago ng kanilang mga bituka at diyeta kapag nagsimula na silang kumain ng solidong pagkain.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maging natural

    Sina Karen Calixto-Mercado, M.D. at Cricket Chen, M.D., ay ibinibigay ang mga sumusunod bilang natural na gamot sa constipation o pagtitibi

    • Mga pagkaing nagsusulong ng malusog at maayos na pagdumi: igos, prunes, peras, papaya, bran, flax seed, barley malt extract, at oats
    • Virgin coconut oil
    • Probiotics
    • Ang mga digestive enzymes na gawa sa papaya at pinya (maaari mong makita ang mga ito sa mga tindahan na pangkalusugan)
    • Tubig
    • Mga fruit juice na mataas sa sorbitol tulad ng prune juice, apple juice at peer juice
    • Corn syrup

    Larawan ni thejbird via flickr creative commons

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles