embed embed2
  • 4 Steps Para Mapatigil si Baby sa Pagsuso

    Anim na linggo ang inabot ng Mommy na ito bago nya tuluyang naihiwalay sa pagsuso ang kanyang anak.
    by Lei Dimarucut-Sison .
4 Steps Para Mapatigil si Baby sa Pagsuso
PHOTO BY @AlekZotoff/iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Napakahalagang bahagi ng pagiging isang ina ang mapasuso nya ang kanyang baby. Mayroon mahabang listahan ng mga benepisyo  na nauugnay sa pagpapasuso, hindi lamang para kay baby kundi pati na rin kay Mommy.

    Inire-rekomenda ng World Health Organization ang breastfeeding o pagpapasuso sa mga sanggol hanggang 6 na buwan, at ipagpatuloy ito nang kasabay ang solid na pagkain hanggang maging 2 taong gulang si baby. Ayon naman sa American Academy of Pediatrics, ang pagpapasuso ay maaaring ituloy hangga’t parehong okay kay Mommy at kay baby.

    Gayunpaman, hindi maitatanggi na ang breastfeeding ay hindi madali at kailangang panindigan. Ang parang walang katapusang pagpapasuso sa sanggol araw at gabi, at ang presyur na nararamdaman na kaakibat ng pagiging ina ay maaaring magkaroon ng epekto sa mental na kalusugan ng isang nanay. Isang mommy nagsabi na baka kailanganin na niyang iwan ang kanyang trabaho dahil ang kanyang anak ay ayaw sumuso sa bote: “What about our finances? The job I left behind, the people I loved working with? What about me? I went from being a magazine editor to a walking mammary gland!” (Paano na yung mga gastusin natin? Pati ang trabaho at mga katrabaho kong napamahal na sa akin? Paano naman ako? Dating magazine editor, ngayon ay naglalakad na gatasan.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Dahil nagkakaroon ng ganitong pag-iisip ang ilang mga mommies, napagdedesisyunan nilang tuluyan nang iwalay ang kanilang mga toddler sa pagsuso. Mas mainam sana kung kusang mawawalay si baby mula sa breastfeeding, pero maaari din namang ang mommy na mismo ang unti-unting magwalay kay baby kung nakikita niyang kailangan na (at hindi ka dapat ma-guilty dahil dito!)

    Si Joy, isang doula at isang sertipikado ng Lamaze bilang tagapagturo ukol sa panganganak mula sa Texas, U.S., ay nagbahagi sa kanyang blog kung ano ang nagtulak sa kanya upang tuluyang iwalay ang kanyang anak sa pagsuso at kung paano nya ito nagawa.

    “Sixteen months into it, my breastfeeding relationship with my son was starting to take a toll on our mother/child bonding relationship. You see, I was no longer happily breastfeeding, a lot of times I was just plain-ol’ 'resentfeeding,” sabi ni Joy na ina ng dalawang bata. (Sa ikalabing-anim ng aking pagpapasuso ay nagsimula nang maapektuhan ang relasyon namin ng aking anak. Hindi na ako masaya sa pagpapasuso at sa maraming pagkakataon ay halos ginagawa ko ito nang mabigat sa aking loob.) 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon pa sa kaniya, alam niyang kailangan nyang mag-focus muna sa kaniyang sarili para mas maalagaan ang kaniyang mga anak, kahit pa kailanganin na niyang isuko ang pagpapasuso. “Quite honestly, I knew that the first step in focusing on my own needs involved weaning my son.” (Sa totoo lamang, alam kong ang unang hakbang para pagtuonan ko ng pansin ang aking sariling pangangailangan ay ang tuluyan nang iwalay sa pagsuso ang aking anak.)

    More from Smart Parenting

    Ang kaniyang plano ay may ilang mga bahagi ay tumagal ng walong linggo. Bahagi ng kaniyang plano ang paunti-unting pag-iwas sa pagpapasuso hanggang sa maging kumportable ang kaniyang anak. Isa sa mga istratehiya na kaniyang ginamit sa una ay ang alisin sa kaniyang anak ay ang pagsuso kahit kailan nito gustuhin.

    “I felt these would be the easiest to replace with distractions, like a sippy cup of water, a toy to play with, or a bite of fruit (if he was hungry).” (Pakiramdam ko ay mas madali kung may mga bagay na aagaw ng kaniyang atensyon, kagaya ng laruan, sippy cup na may lamang tubig, o prutas kapag siya’y nagugutom. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakapagtagumpay si Joy nang hindi napapansin ng kaniyang baby na si Noah ang mga ginagamit niyang pamalit o pang-distract. “What Noah did not want instead of nursing, though, were cuddles from me. Having mommy so close and not having 'a nurse' [his mom's boobies] only frustrated him,” paliwanag ni Joy. (Ang hindi talaga nagustuhan ni Noah ay kapag gusto niyang sumuso, niyayakap ko lamang siya. Naiinis siya na ang lapit lapit lang ni mommy sa kanya pero hindi siya maka-suso.)

    Ang ikalawang bahagi ng kaniyang plano ay ang alisin ang pagpapasuso tuwing umaga. Kaya pagkagising ng kaniyang anak, sa halip na pasusuhin ay dinadala si Noah ng kaniyang asawa sa upuan niya, at bibigyan ng sippy cup na may lamang tubig at isang masarap na almusal.

    More from Smart Parenting

    Ang isa sa mga pinaka nahirapan si Joy ay ang alisin ang pagpapasuso bago matulog si Noah, na siyang susunod na phase ng kaniyang plano. At dahil sanay ang kaniyang anak na bago matulog ay magpapabasa ng bedtime stories, magdadasal, at sunod ay ang pagpapasuso—sa halip ay niyayakap na lamang ni Joy ang kaniyang baby. Paglipas ng ilang araw ay naramdaman ni Noah na sapat na pala ang tinig at yakap ng kaniyang mommy para siya ay makatulog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang akala ni Joy ay gumagana ang kaniyang mga plano nang walang kahirap-hirap, dumating ang pagkakataon na kailangan niyang magpasuso pa din tuwing hapon dahil naghahanap si Noah. Ilang araw itong nagtuloy-tuloy, hanggang sa napapayag niya ang kaniyang anak na kumain na lamang ng miryenda tuwing hapon. Tuloy-tuloy nang muli ang kaniyang plano.

    Ang huling phase ng pagwawalay ni Joy kay Noah ang naging pinakamahirap. Kailangan niyang patahanin ang kaniyang anak tuwing gabi nang hindi nagpapasuso.

    “I’ll be honest, these were the ones that had me worried the most. When Noah woke up at night crying, it was so easy to simply pick him up, nurse him and voila, two minutes later he was back in dreamland, which meant I got to go there too just as quickly. Weaning him off of those nightly comfort sessions took some effort on my part,” pag-amin ni Joy. (Sa totoo lang, iyon talaga ang kinatatakot ko. Sa tuwing nagigising si Noah nang umiiyak sa hating gabi, napakadali lang noon na kargahin siya at pasusuhin, at paglipas lang ng ilang minuto ay makakatulog na sya ulit, kahit ako din. Nahirapan talaga ako na patahanin siya noong iwinawalay ko na siya.) 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “At night, I would pick Noah up in my arms, sit in the rocker and sing to him, patting his bottom all the while. Sometimes I would offer a sippy cup of water if he seemed thirsty,” dagdag pa niya. (Tuwing gabi, ay kakargahin ko lamang si Noah at ihehele habang tinatapik-tapik sa puwitan. Minsan ay aabutan ko siya ng tubig kapag siya ay nauuhaw .)

    At kapag sinubukan nang niyang lahat at ayaw pa ding tumahan ni Noah, kinalangan niyang pasusuhin ito ngunit hanggang sa kumalma lamang, di gaya noon na hanggang sa makatulog siya. At kapag tumigil na ito sa pag-iyak ay aalisin na niya ito sa pagsuso. Niyayakap at inihehele niya na lamang ito hanggang sa makatulog muli.

    Inabot si Joy ng anim na linggo bago tuluyang maiwalay sa pagsuso si Noah na 17 buwang gulang noon. Pakiramdam ni Joy ay tila nakalaya siya, naging mas magaan ang mga bagay bagay, at mas nagkaroon siya ng oras para sa kaniyang sarili.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Inamin naman ni Joy na siya rin mismo ay nagkaroon ng separation anxiety. “The emotional implications of letting go of breastfeeding were very hard. I knew this would be the case. I also knew that no matter when I weaned Noah, I would never *not* feel that deep tug on my heart – that ache that comes from saying goodbye to something so intimate, so maternal, so universally indicative of mothering a tiny child.” (Naging mahirap din ang emosyonal na epekto ng pagtigil ko sa pagpapasuso. Alam ko namang mangyayari iyon. Pero alam ko rin naman na sa pagwawalay ko kay Noah ay magdudulot talaga sa akin ng kirot sa damdamin — yung kirot na yun ay dahil sa kailangan ko nang magpaalam sa isang bagay na naging malaking bahagi ng aking pagiging isang ina.)

    More from Smart Parenting

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles