embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • 'Maraming Sikreto Ang Anak Ko': 5 Paraan Para Mas Maging Open Sa Iyo Ang Teenager Mo

    May ilan kang pwedeng gawin para hindi matakot magsabi sa iyo ang mga anak mo.
    by Ana Gonzales .
'Maraming Sikreto Ang Anak Ko': 5 Paraan Para Mas Maging Open Sa Iyo Ang Teenager Mo
PHOTO BY iStock
  • Kumusta ang mga teens mo ngayong mayroong enhanced community quarantine? Nakikipag-interact ba sila sa inyo? O nakakulong lang sila sa kanilang mga kwarto at nagsosocial media?

    Kalimitang problema ng mga magulang ang mga teen kids na hindi open sa kanila. Bakit nga ba mahalaga na open sa iyo ang iyong anak?

    More from Smart Parenting

    Noong isang taon, pumutok ang balita sa ibang bansa na dumarami ang bilang ng mga teenagers na may "Finsta" o Fake Instagram account. Sa unang tingin, hindi ito nakakaalarma. Pero sa ayon sa imbestigasyon ng mga eksperto, lumalabas na may ilang kabataang gumagamit ng "Finsta accounts" para i-dokumento ang kanilang depression o suicidal ideations.

    Maihahalintulad mo ito sa nag-trend din noon na "thinspiration" kung saan nagtuturuan ang mga kabataan ng mga paraan para pumayat na hindi naman makakabuti sa kanilang mga kalusugan.

    More from Smart Parenting

    Sabi ni Alan Kazdin, Ph.D., direktor ng Yale Parenting Center, likas na nagiging malihim ang mga bata pagtungtong nila sa kanilang teenage years. Isa sa mga nakikitang dahilan ng mga eksperto ay ang tingin ng mga kabataan na hindi magandang kausap tungkol sa mga bagay tulad ng sex, drugs, suicide, at depression ang kanilang mga magulang.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nariyan din ang pagbabago sa kanilang mga katawan at pag-iisip. Dumarating na sila sa punto kung saan unti-unti na nilang sinusubukang maging independent. Ayon sa Child Mind Institute, ang paglayo na ito ng iyong teen normal na bahagi ng kanyang paglaki. Hindi lang 'yan, napakahalagang hakbang din ito sa tinatawag na developmental stage ng adolescence.

    Hindi pa naman huli ang lahat para iparamdam mo sa anak mo na pwede siyang maging independent nang hindi lumalayo ang loob niya sa iyo. Narito ang ilang maaari mong gawin:

    Sanayin mo siya nang maaga

    Bago pa man maging teenager ang anak mo, sanayin mo na siya na laging maging open sa iyo. Bata pa lang siya, iparamdam mo na sa kanya na maaasahan at mapagkakatiwalaan ka niya pagdating sa ano mang bagay.

    More from Smart Parenting

    Maging mabuting halimbawa ka

    Sabi nga ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, hindi magiging open ang anak mo sa iyo kung hindi ka rin open sa kanya. Ikaw mismo ang dapat magpakita sa mga anak mo na mahalaga ang pakikipagusap at pagiging open.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa kanila

    Iba ang panahon mo sa panahon ng anak mo. Iba rin ang pinagdaanan mo sa pinagdadaanan ng anak mo ngayon. Mayroon mang mga pagkakapareho, hindi ibig sabihin nito ay ang paraan mo lang ang tama.

    Bukod pa riyan, ang mga uso ngayon ay maaaring hindi mo naranasan noon at ganoon din naman sa mga anak mo.

    Maganda ang tip ni mommy Carol Raña Bugtong. Ayon sa kanya, talagang nag-eeffort siya para basahin, pakinggan, at panoorin ang ano mang hilig ng mga anak niya. "I have a 17-year-old son and a 13-year-old daughter," pagbabahagi niya. "I read and watch the things they normally post on their accounts, [which allows] me to understand their interests and the new trends. That is where I get my topics whenever we talk over every meal, which complements my number 1 rule: No phones, TV, music every meal."

    Sa ganitong paraan, nasisiguro ni mommy na hindi niya gaanong nalilimitahan ang mga anak niya pero nasisiguro niyang hindi nakakasama ang mga bagay na nakikita nila online.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Matuto kang makinig

    Habang lumalaki ang mga anak mo, nagkakaroon na sila ng sarili nilang mga choices at mga pananaw. Para hindi sila matakot o ma-discourage na magbahagi sa iyo, ugaliin mong makinig sa kanila.

    Bata pa lang ang mga anak mo, dapat ay ipinapakita mo sa kanila na nariyan ka para makinig. Gaano man ka-boring ang sinasabi nila kapag maliliit pa sila, makinig ka lang sa kanila. Dadalhin nila sa kanilang paglaki ang paniniwala na ano man ang sabihin nila, nariyan ka para makinig.

    More from Smart Parenting

    I-empower mo ang mga anak mo

    Importante na alam ng anak mo na may bilib ka sa kanila at may tiwala ka sa kanila na ang mga choices na gagawin nila ay para sa kanilang ikabubuti. Kung palagi mo kasing iisipin at sasabihin sa kanila na mali sila, hindi sila lalapit sa iyo para kumonsulta.

    Ganyan ang ginagawa ni mommy Maria Fatima Erece na mayroong 12-year-old daughter. "I always remind her na ang social media life at reality ng buhay ay magkaiba," kwento ni mommy sa kanyang sagot sa aming Smart Parenting Village question. "Kahit mahirap, I try na makirelate sa trends ngayon para aware din ako. Ever since, open siya sa amin lahat ng frustrations niya or achievements maliit man o malaki, lagi namin pinaguusapan," dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Minsan ka ring naging teenager. Minsan mo ring naramdaman na walang nakakaintindi sa iyo. Siguradong naghanap ka rin ng makakausap na hindi ka huhusgahan. Ngayon, 'yan ang hinahanap ng anak mo.

    More from Smart Parenting

    Kaya bago pa siya ma-engganyong gumawa ng Finsta account at mag-share sa mga taong hindi niya kilala, iparamdam mo na nariyan ka at may kakampi siya.

    Kayo? Paano ninyo nahikayat maging open sa inyo ang mga anak ninyo? Paano ninyo sinisigurong ligtas ang mga anak ninyo online? I-share lang ang inyonh experience sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles