-
This 10-Year-Old Art Prodigy's Paintings Sell For Millions! 'Sometimes, Older People Just Don't Get It'
- Shares
- Comments

Napakabilis ng pagsikat ng 10-year-old contemporary artist na si Andres Valencia sa international art scene.
Ipinanganak siya noong October 11, 2011, sa San Diego, California, USA. Nagsimula siyang magpinta noong four years old pa lang siya.
Ang contemporary art ay walang distinct feature o single characteristic. Nakabatay ito sa abilidad ng artist na mag-innovate para makalikha ng modern masterpiece.
Walang formal training sa art si Andres. Na-develop niya ang kanyang skills sa pamamagitan ng panonood ng painting tutorials sa YouTube.
Paborito niya ang mga obra nina Pablo Picasso and George Condo, Van Gogh, at Francis Bacon.Sa umpisa, sa maliliit na canvas lang nagpipinta si Andres gamit ang acrylic markers. Hindi nagtagal, gumamit na siya ng professional paint at mas malalaking linen and gallery-quality canvasses.
Nakagawa siya ng sariling style na ginagamitan niya ng oil and acrylic paint.
Eight years old na si Andres nang may magkainteres bumili ng kanyang paintings matapos gumawa ng kanyang ina na si Elsa ng Instagram account at nag-post ng mga natapos niyang obra.
Dahil sa ganda ng kanyang paintings, may mga followers siya na nagtatanong kung tinutulungan siya ng kanyang parents na magpinta.
Para malaman ng mga ito na siya lang mag-isa ang gumagawa ng kanyang mga obra, nag-post din si Elsa ng video ng buong proseso ng pagpipinta ni Andres.ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Lalong namangha ang kanyang followers.
Sa panayam sa kanya ng Les Nouveaux Riches Magazin noong December 6, 2020, sinabi niyang, "I paint in little pieces. I work on it for an hour or two. Then I go do something else.
“I come back to it the next day and keep adding more. You can express your feelings and stuff on canvas."
Sa ginanap na September 2021 Art Basel Miami Beach, ilan sa surrealist-style paintings niya ang nabili ng art collectors, gaya ni Tommy Mottola, American music executive na dating CEO ng ng Sony Music Entertainment at ex-husband ni Mariah Carey; Jessica Goldman Srebnick, CEO ng Goldman Properties, film producer at co-founder ng Goldman Global Arts.
Naka-acquire na rin ng kanyang paintings ang mga Hollywood stars na sina Sofia Vergara, Channing Tatum, at Brooke Shields.
Nitong June 2022, nagkaroon si Andres ng solo exhibition sa Chase Contemporary gallery sa SoHo, Lower Manhattan, New York City kung saan ang 35 paintings niya ay nabenta.CONTINUE READING BELOWwatch now
Ang presyo ng kanyang mga obra ay mula US$50,000 (PHP2,952,225.00) to US$125,000 (PHP7,380,562.50).
Isang painting niya ang nabenta sa halagang US$159,000 (PHP9,388,075.50) sa ginanap na Phillips de Pury auction sa Hong Kong.
Pinakamalaking benta niya sa isang obra ang umabot sa US$230,000 (PHP 13,580,235.00) sa ginanap na charity gala sa Capri, Italy.
Bukod sa painting, mahilig din si Andres sa sculpting. Natuto rin siyang tumugtog ng piano noong six years old siya. Kasalukuyan siyang nag-aaral tumugtog ng gitara.
Mahilig siyang manood ng movies tungkol sa Holocaust, civil rights movement, at ng mga paborito niyang musicians, gaya ni Chuck Berry at ng Beatles.
Sa panayam pa rin ng Les Nouveaux Riches Magazin, nang matanong si Andres sa kanyang biglang pagsikat bilang contemporary artist, aniya, “If you see a kid doing sketches on paper with a marker, a lot of people think that those drawings should not be put in a gallery.
“Sometimes older people just don’t get it.”ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHow to help your child nurture his artistic gift
A previous Smart Parenting article outlines tips on how to help your child nurture his gift in the arts. Here are some tips:
- Expose your kids to art regularly.
- Your child may be good at something, but don't force him to do it.
- Let your kid choose what he wants to draw.
- Let your child choose his materials and medium.
- Repetition is key.
- Don't dismiss "regular" schools.
Read more about how this mom helps her son grow his gift in the arts here.
This story originally appeared on pep.ph.
Smart Parenting editors have made minor edits.
What other parents are reading

- Shares
- Comments