embed embed2
  • Ang Galing! Nakagawa Ang Isang Pinoy Teen Ng Video Game Tungkol Sa COVID-19

    Ang misyon ng iyong karakter: sugpuin ang coronavirus at iligtas ang mundo mula sa pandemic.
    by Ana Gonzales .
Ang Galing! Nakagawa Ang Isang Pinoy Teen Ng Video Game Tungkol Sa COVID-19
PHOTO BY iStock / GMA Network / Stand For Truth
  • Likas talagang malikhain ang mga Pinoy, lalo na ang mga kabataan ngayon. Kaya naman hindi nakapagtataka nang mag-trending ang isang 14-anyos na binatilyo na nakalikha ng isang computer game hango sa mga karanasan natin ngayon sa COVID-19.

    Sa larong nilikha ni Theo Ariel Rivas, isa kang doctor frontliner na makikipaglaban sa COVID-19 suot ang mask at armado ng 'frozen alcohol'. Sa pakikipagusap ni Manal Sugadol kay Rivas para sa programa ng GMA na Stand For Truth, sinabi ng binatilyo na wala pang lumilikha ng laro base sa pinagdadaan natin ngayon kaya naman naisipan niyang gawin ito.

    What other parents are reading

    Ayon pa sa ulat ni Sugadol, homeschooled si Rivas at karamihan ng mga kaalaman nito tungkol sa game development at computer programming ay natutunan nito mula sa mga online tutorials.

    Unity, isang game engine program, ang ginamit ni Rivas para mabuo ang laro. Ayon sa teenager na tubong Bulacan, coding talaga ito kaya naman kailangan mong araling mabuti ang paggawa. Ayon pa sa report ni Sugadol, inaaral na ngayon ni Rivas na gumawa ng IOS at Android versions.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

    Sa iba pang balita, patungkol naman sa console gaming, naglabas ng mga libreng laro ang PlayStation, isa sa mga pinakasikat na video game brands muka sa Sony Interactive Entertainment.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ito'y para mahikayat ang mas marami pang tao para manatili sa kani-kanilang mga tahanan. Ayon sa ulat ng GMA News Online, maaari mo nang i-download ang mga larong tulad ng Uncharted: The Nathan Drake Collection at Journey. Mananatiling libre ang mga ito hanggang May 5 ngayong taon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bahagi ng Play At Home initiative ng PlayStation ang pagpapamigay nila ng mga libreng laro. Ayon sa kanilang website, may dalawang components ang kanilang Play At Home initiative: mga libreng laro at pag-iipon ng financial aid para sa mga maliliit at independent game studios na maaaring nahihirapan ngayon dahil sa COVID-19.

    Ang initiative rin na ito ng PlayStation ang kanilang paraan para pasalamatan ang lahat ng mga taong nananatili sa loob ng bahay para makatulong sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19.

    Anong paboritong mga console games ng pamilya ninyo? Anu-anong mga laro bukod sa console games ang lagi ninyong ginagawa? Nasubukan niyo na rin ba ang mga classic Pinoy games? I-share niyo lang ang inyong experience sa comments section.

    Para sa iba pang mga kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles