embed embed2
'Binata Na!' LJ Reyes, Paulo Avelino's Son Aki Just Turned 12!
PHOTO BY INSTAGRAM /LJ_REYES, /PAUAVELINO
  • Binata na ang anak ni LJ Reyes kay Paulo Avelino na si Ethan Akio o Aki.

    Binati ng dalawang aktor ang kanilang anak sa Instagram. 

    Sabi ni LJ, susubukan pa rin niyang maging isang "cool mom" dito. Pero paliwanag niya, ang tunay na "cool" ay kung gaanong katagal na silang magkasamang dalawa at marami na ang mga pinagdaaanan nilang mag-iina.

    Dagdag pa niya, "You have taught me a lot of things I know as a parent. I know you’re a tough young man now but they say you would always need your mom right? So please know that I would give my all and more just to see you happy and well baby! Not just on your birthday but every single day! I would never ever let a day pass without kissing you or hugging you! Kahit binata ka na!!! Haha!! I can compromise — basta wala friends mo! Haha!"

    Ang ama naman ni Aki ay nag-post rin sa kanyang Instagram, "Birthday “King of power nap” Boi."

    Lagi raw nag-uusap ang mag-ama at nag-ba-bonding sa pamamagitan ng gaming.

    Magkakasama sina LJ, Aki, at Summer sa New York simula noong maghiwalay sina LJ at Paolo Contis noong August 2021. Nasa New York ang ina at kapatid ni LJ.

    Ngayong binata na si Aki, maaaring maging iba na ang mga hilig nito at mas magiging malapit sa kanyang mga kaibigan. Ngunit hindi ibig sabihin ay wala nang magagawa ang mga magulang upang malapit pa rin sa kanilang anak.

    READ ALSO: Meet The Kid: How Did Paulo Avelino Introduce Janine Gutierrez To Son Aki?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paano maging "cool parent" sa iyong pre-teen na anak 

    Ayon sa Nemours Kids Health, maraming pwedeng gawin ang mga magulang upang panatilihing matatag ang samahan ng inyong nagbibinata o nagdadalagang anak.

    1. Kumain nang sabay-sabay 

    Magandang pagkakataon ang hapunan para magkamustahan ang magulang at ang binatang anak. Mas maganda kung ito ay gabi-gabi, at makakabuti kung walang TV at walang gadget sa hapag-kainan upang makapag-kuwentuhan ng maayos ang pamilya. Gawin itong fun at hindi kailangang pormal, pwede rin isali ang mga anak sa paghahanda o paglilinis.

    2. Pwede pa ring mag-good night

    Kahit na malaki na ang iyong anak at ayaw na nito magpasama sa gabi sa pagtulog, pwede pa ring mag-good night kiss o hug. Kung tumanggi na ito sa halik at yakap, pwede namang tapik na lamang sa balikat o haplos sa likod, para hindi mawala ang koneksyon ninyo.

    3. Maghanap ng pagkakataon na makapag-usap

    Kahit sa mga simpleng bagay tulad ng panonood ng TV series o mag-drive o maglakad sa labas, humanap ka ng mga bagay na pwedeng magkasama kayo. Hindi kailangang gumastos, ang mahalaga ay may panahon kayo para makapag-usap at hindi mahiyang mag-open up ang iyong anak.

    4. Wag mahiyang magpahayag ng pagmamahal mo sa anak.

    Kahit na parang ayaw na niya makarinig ng mga "cheesy" na linya mula sa iyo, pwede mo pa rin itong sabihin sa kanya in private. Pwedeng sa message o sa tawag, dahil baka nahihiya ito pag kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Mahalaga na ma-recognize mo ang mga boundaries, at respetuhin ito. Okay rin na alamin mo ang kanyang love language.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close