embed embed2
  • 'Mahalaga Kumpleto Sila,' What Netizens Say About Claudine, Raymart Being Present In Kids' School Events

    Sabina's second mom, Yaya Ding, also went up the stage.
    by Judy Santiago Aladin .
'Mahalaga Kumpleto Sila,' What Netizens Say About Claudine, Raymart Being Present In Kids' School Events
PHOTO BY INSTAGRAM /CLAUBARRETTO
  • Sa ngalan ng kanilang mga anak, nagsamang muli sina Claudine Barretto at Raymart Santiago para dumalo sa graduation rites ni Sabina, at recognition rites ni Santino nitong May 27.

    Ipinost ni Claudine sa Instagram ang video ng pag-akyat nila sa stage kasama ang mga anak.

    "Pasensya na po, but I am just so proud of both of my kids. They have always been straight A students ever since they started preschool, but I was so proud and amazed of how plenty their awards, medals and certificates they both received."

    I want to thank Sab and Saint for making me proud. I must have done something good to deserve both Sab and Saint! Congratulations mga anak! God be with you in this next chapter of your lives. Mommy will always be here cheering and rooting for you both. It's a privilege to be your Mom."

    Umakyat rin kasama ng dating mag-asawa ang yaya ni Sabina na si Yaya Ging, na tinawag ng aktres na "2nd mom" ng panganay niyang anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "I must have done something good to deserve both Sab and Saint! Congratulations mga anak!" --Claudine Barretto

    "The woman beside Sab’s Dad and I is YAYA GING. Second mom of Sabina for 19 years. It was so important for Sab that her Yaya Ging go up stage with us," sabi pa ni Claudine.

    READ ALSO: Claudine Barretto Learned From Her Mom, 'Once You've Become A Mother, Your Life Is Not Yours Anymore'

    Netizens weigh in on Claudine-Raymart reunion

    Umani ng papuri si Claudine dahil napagtapos nito ang dalawang anak na nasa kanyang puder.

    "Congrats mga anak," ang pagbati ni Dennis Padilla. Nagpasalamat naman si Claudine sa kuya niya at ibinalitang iskolar na si Sab, at siyam na awards naman ang nakuha ni Santino.

    Ani ng netizens, naging mabuting ina si Claudine kaya naman pinagpala ito ng mahuhusay na mga anak.
    "Claudine, getring back her life together is the best news for us who supported her in the 90s. So happy to see her in the best state of her life," sabi ng isang user.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    PHOTO BY INSTAGRAM /CLAUBARRETTO

    Si Raymart naman ay napuna ng mga netizens na tila wala masyadong gana. Hindi man lang daw nito inalalayan ang dating asawa. Bakas din sa kilos nito na tila mailap sa mga litrato noong sila'y nasa baba pa lamang ng stage.

    "Grabe naman si Raymart. Nagpaka-distant talaga siya. May wall talaga kahit man lang for that short moment. Takot kay Jodi? Naawa ako kay Claud. But ganun talaga," sabi naman ng isa. Si Jodi Sta. Maria ang bagong girlfriend ni Raymart.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gayunpaman, ang pinakamasaya sa pagsasamang ito ay ang kanilang mga anak. Si Sabina ay nag-post sa kanyang Instagram stories na siya ay masaya dahil kumpleto ang kanyang pamilya.

    "Thank you to my parents for always being there to guide me and yaya Ging for being a second mom to me! I love you parents and yaya Ging!" 

    Taong 2006 nang ikinasal sina Raymart at Claudine, ngunit naghiwalay sila noong 2011.

    READ ALSO: Sabina Reacts to Dad Raymart's New Love; Gets Support From Netizens

    Bakit mahalaga ang involvement ng magulang

    Kuwento ng isang ina sa Smart Parenting, mahalaga ang pagdalo ng parehong magulang sa mga espesyal na okasyong gaya ng graduation. Ito kasi ay maaari nilang maging core memory.

    Kahit na anumang isyu ang kaharapin ng mag-asawa, mahalaga pa rin daw na magkasama sila sa mga pagkakataong hindi na mauulit tulad nito.

    "Co-parenting may be defined as staying apart because of a number of reasons but being there for your children together when they need you. It might mean that you need to be in graduations together (because there's only one!) or maybe hospital trips, but I think It should be a small price to BE THERE for your child. Remember who it's for."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon naman sa mga eksperto, ang parental involvement ay nagbibigay ng kumpiyansa sa mga anak upang magpursigi pa sa pag-aaral.

    Ngunit, bukod sa pagdalo sa graduation, maaari ding maging bahagi ang parehong magulang sa paggawa ng homework, pagdalo sa mga parent-teacher meetings, at mga activities.

    "The best way for parents to get involved in their children’s education is to find an activity that they are interested in that fits their schedule," ayon kay Mark Anthony Llego, isang guro ng TeacherPH.

    Dagdag pa niya, "There is no one-size-fits-all approach to parental involvement; what works for one family may not work for another. The most important thing is that parents find an activity they are comfortable with and feel benefits their child."

    Dumalo rin si Carlo Aquino sa Moving Up Day ng kanyang anak kay Trina Candaza. Basahin dito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close