embed embed2
Gelli De Belen's Sons Sell Biko As A Side Hustle While Finishing Their Studies
PHOTO BY INSTAGRAM /GELLIDEBELEN
  • Ikinuwento ni Gelli de Belen kung paano naisipan ng kanyang dalawang anak na magbenta ng biko sa Canada bilang sideline.

    Ang bunso nina Gelli at Ariel Rivera na si Julio Alessandro ay nagtapos bilang Dean’s lister sa kursong Kinesiology sa York University noon lamang July 2022.

    Ang panganay naman ng aktres na si Joaquin Andres ay nag-aaral para maging piloto.

    Nakatira ang mga anak ni Gelli sa Toronto kasama ang mga magulang ni Ariel.

    Tuwing weekends naman ay tumatanggap ang dalawa ng orders para sa biko.

    How the Biko business started

    Ibinahagi ni Gelli na naisipan ng kanyang dalawang anak na magbenta ng biko tuwing weekends bilang "side hustle."

    “Kasi itong biko na ito, recipe ng father-in-law at mother-in-law ko iyan,” kuwento ni Gelli sa episode ng Magandang Buhay nitong September 26, 2022, Lunes.

    “That’s what they [in-laws] make pag may party kasi they used to cater, e. Pag may mga party, ganyan, gagawa sila.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang mag-aral sa Canada ang dalawang anak ng aktres, itinuro kina Joaquin at Julio ang mga espesyal na recipes ng kanilang lolo at lola.

    “Ang unang nakaalam [ng recipe] si Julio,” pagpapatuloy ni Gelli.

    “'Tapos naisip-isip niya… Kasi minsan pag may party, may mga nagre-request, ‘Pagawan na ng biko si Julio tsaka si Wacky.’”

    Napansin daw nila na “box-office” o mabilis maubos ang biko sa tuwing may pagtitipon.

    “Ngayon, sabi ni Julio, ‘Ano kaya kung gawin ko itong side hustle?’ Because nag-aaral pa siya. ‘On weekends, I can do this.’ It’s like a sideline.”

    “Sabi nila, ‘Mom, we’re just gonna do it as a side hustle.’”

    Pumayag naman daw sina Gelli at Ariel. Pero pinag-aralan muna nilang maigi para mapasarap lalo ang recipe.

    “So, sige gawin natin. Nag-testing-testing, ganyan-ganyan…

    “Dahil nga sa pandemic ito, e. Lumabas sa pandemic, e.

    “Nagkaroon talaga kami ng time na i-testing-testing.”

    Nagtulong daw ang magkapatid lalo at matrabaho ang paggawa ng biko.

    Sabi ni Gelli, “And it’s better kasi mahihirapan si Julio kung siya lang ang gagawa. Matrabaho kaya iyan. Ang daming mga prep.

    “Naisipan nila sila ang gagawa. O, yun na nga, doon [ipinanganak] si Lolo Ben’s Biko,” pagtukoy ni Gelli sa itinayong negosyo ng dalawang anak.

    “Gumigising sila ng 5.30 a.m. pag Fridays and Saturdays kasi doon sila nagluluto ng biko, para daw after noon tapos na sila.”

    Kinumpirma ni Gelli na “dollars” ang kita ng kanyang mga anak dahil sa pagbebenta ng biko.

    Ang mga anak nina Gelli at Ariel ay nagpunta sa Toronto, Canada ilang taon na ang nakalilipas para roon magkolehiyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sabi ng aktres, ang bunso niyang si Julio ay 15 anyos lamang noon, habang ang panganay niyang si Joaquin ay 17 anyos lamang.

    READ MORE RELATED STORIES ON KIDS BEING MONEY-SMART:

    What other parents are reading

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles