-
Hindi Maipaliwanag Ang Lungkot Ng Iyong Teen? 10 Paraan Para Matulungan Siya
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Gaya ng lagi naming sinasabi, walang mukha ang depression at iba pang mga mental health concerns o struggles. Maaaring sa labas ay mukhang maayos ang isang tao, ngunit sa loob ay marami na palang gumugulo sa kanyang isipan.
Kaya naman mahalaga na hindi mo balewalain ang mga concerns ng teenager mo, lalo na kung may kinalaman ito sa kanyang mental health.
Hindi kailangan ng mga elaborate na paraan para matulungan mo ang anak mo. Sa katunayan, maraming simpleng habits na pwede ninyong gawin para masigurong okay ang lagay ng kaisipan ninyong dalawa. Narito ang sampu sa pwede mong gawin, ayon sa BelievePerform.
Paano tulungan ang anak mo na may mental health struggles
Makinig ka sa anak mo
Malayo ang mararating ng simpleng pakikinig. Siguradong alam mo kung gaano kagaan sa loob na may mapagsasabihan ka ng mga concerns mo.
Para mas matulungan mo ang anak mo, iwasang ikumpara ang sarili mo sa kanya. Iba ang paraan mo ng pagharap sa problema at iba rin ang sa kanya. Bukod pa riyan, minsan ay hindi naman naghahanap ng solusyon ang anak mo, kailangan lang nila ng makikingi sa kanila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHikayatin mo siyang humingi ng tulong
Isang paraan din ng pagpapakita ng suporta sa anak mo ang paghikayat sa kanila na humingi ng tulong kung sakali mang hindi sapat ang tulong na naibibigay mo sa kanila.
Kung hindi rin sila kumportable na makipag-usap sa iyo tungkol sa kanilang nararamdaman, pwede mo silang idirekta sa mga medical professionals na makakatulong. Malaking bagay din kung sasamahan mo silang magpa-checkup.
Kausapin mo siya madalas
Importanteng regular mong kinakamusta ang anak mo at tinatanong sila kung mayroon ba silang mga gustong sabihin o ibahagi sa iyo. Sa ganitong paraan, alam nila na nariyan ka para makinig sa ano mang pinagdadaanan nila.
Hainan mo siya ng mga masusustansiyang pagkain
Bata pa lang ang anak mo, sanayin mo na siya na kumakain ng mga masusustansiyang pagkain. Importante ring sinasabayan mo siya sa pagkain gaano ka man ka-busy para nasusubaybayan mo ang kanyang kalusugan.
What other parents are reading
Tulungan mo siyang maging physically healthy
Kaakibat ng malusog na pag-iisip ang malusog na pangangatawan. Kaya naman kailangang hikayatin mo rin ang anak mo na maging physically active.
Nakakatawa man pero makakatulong kung sasabayan mo ang mga hilig niya. Kung libang na libang siya sa TikTok, maki-TikTok ka rin sa kanya. Kung hindi naman ito ang hilig mo, pwede kayong mag console games o 'di naman kaya ay sports sa bakkuran.
Kahit ang simpleng gardening, jump rope, o zumba sa bahay ay makakatulong.
Huwag mapagod na paalalahanan siya na nariyan ka lang para sa kanila
Hindi maiiwasang maging busy sa trabaho at sa marami pang bagay. Gayunpaman, importante pa ring maipadama mo sa anak mo na nariyan ka para makinig sa kanya kailan man niya kailangan.
CONTINUE READING BELOWwatch nowHabaan mo ang iyong pasensya
Hindi sa lahat ng oras ay magiging open sa iyo ang anak mo. Hindi rin sa lahat ng oras ay magkakasundo kayo. Sa mga pagkakataong wala kang lakas para makinig sa anak mo, makakatulong kung tatambay lang kayong dalawa para manood ng mga paborito ninyong movies. Hindi ninyo kailangang mag-usap. Ang mahalaga, nariyan ka para sa kanya.
What other parents are reading
Bigyan mo siya ng mga resources
Pwede mo silang bahaginan ng mga links ng mga helplines o mental health websites kung saan pwede siyang makahingi ng suporta o advice kung sakaling kailanganin niya.
Tanungin mo siya kung paano ka makakatulong
Iba-iba ang pangangailangan ng mga kabataang may pinagdadaanang anxiety, depression, o iba pang mental health concerns. Sa halip na i-assume mo kung paano ka makakatulong, mabuting makipagtulungan ka sa anak mo.
Importante ring makipag-usap ka sa mga medical experts para mas maintindihan mo kung anong nangyayari ang anak mo.
Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong gawin para matulungan ang anak mo kung mayroon man siyang iniindang mental health concerns.
Tandaan na importanteng updated ka sa mga pagbabago sa mga mental health concerns ng mga teens para mas lumaki ang pagkakataon mong makatulong sa kanila.
What other parents are reading
Paano mo tinutulungan ang anak mong nakakaranas ng anxiety, depression, at iba pang mental health concerns? I-share mo ang iyong mga techniques sa comments section.

- Shares
- Comments