embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Sex: Paano Ko Ba Kakausapin Ang Nagbibinata Kong Anak Tungkol Dito?

    I am raising my child on my own, iniwan na kasi kami ng tatay niya.
    by Ana Gonzales .
Sex: Paano Ko Ba Kakausapin Ang Nagbibinata Kong Anak Tungkol Dito?
PHOTO BY iStock
  • Isa na siguro sa mga pinakachallenging na bahagi ng pagpapalaki ng mga batang lalaki ay kapag dumating na sila sa edad na nagiging curious na sila sa mga pagbabago sa kanilang mga katawan o iyong kapag pumasok na sila sa teenage years.

    Kadalasan, tatay ang nakakausap nila pagdating sa mga ganitong bagay. Pero paano kung wala ang tatay nila at mag-isa mong itinataguyod ang iyong anak na nagbibinata? Narito ang isang #SPConfessions na ipinadala sa amin kaugnay nito:

    More from Smart Parenting

    Lumaki ang anak ko nang hindi nakikilala ng lubusan ang tatay niya. Hindi kasi kami in good terms ng ex ko. He cheated on me and now he’s living with one of his mistresses. Marami talaga siyang babae. Sa pagkakaalam ko, mayroon din siyang anak sa labas.

    Okay na kami ng anak ko kahit wala ang padre de pamilya. Lumaki naman ang bata ng maayos at malayong malayo sa ugali ng ama niya. Minsan pa nga, nang tanungin ko ang anak ko kung gusto niya pang makita at makasama ang tatay niya, sinabi niya sakin na okay lang daw kahit hindi na dahil nasanay na rin naman siyang wala ang tatay niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Masakit pa rin ito para sa akin. Dahil hangga’t maaari, gusto ko sana na kumpleto ang pamilya namin, pero wala akong magagawa dahil hindi talaga kami magkasundo ng tatay ng anak ko.

    Hindi ko ramdam na wala ang tatay niya dahil hindi naman mapaghanap ang anak ko. Kailan ko na lang ulit naramdaman ang kawalan ng padre de pamilya nang makita ko ang anak ko na nanonood na ng adult videos sa kanyang cellphone

    Nagulat talaga ako sa nakita ko at nagulat din naman ang anak ko. Hindi niya naman dineny ang nakita ko. Hindi rin siya nagpalusot. Sa katunayan, nakita ko pa nga sa kanya na natakot siya. Paulit-ulit siyang nagsosorry sa akin na para bang napakasama ng nagawa niya.

    More from Smart Parenting

    Ipinaliwanag ko sa kanya na hindi ako galit at normal lang kung anong nararamdaman niya. Pero hindi ko maiwasang tanungin siya kung kanino niya nakuha ang idea na ito. Sabi niya, naririnig daw niyang pinaguusapan ng mga kaklase niya at minsan daw, nakikita rin niyang nanonood sila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Itinuro ko sa kanya na dapat ay nasa pribadong lugar siya kapag ginagawa niya ito at hindi ito masama pero kailangan pa rin niyang maging masinop at maayos sa sarili niya.

    Mukhang naintindihan naman ako ng anak ko, pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot. Naiisip ko kasi na mas madali sanang pag-usapan ito kung tatay niya ang kausap niya. Mas maipapaliwanag sana itong mabuti sa kanya at hindi pa awkward masyado kung tatay niya ang makakausap niya.

    More from Smart Parenting

    Hindi ko alam kung sapat na ba 'yung ginawa kong pagtuturo at pangangaral sa kanya. Nangako naman siya sa akin na lagi siyang magiging open sa akin. Nangako rin kami sa isa’t-isa na susubukan namin ang aming best na huwag magtago ng ano mang sikreto sa pagitan naming dalawa. 

    Matagal ko nang alam na darating din ang puntong ito pero iba pala talaga kapag nandoon ka na sa mismong moment na iyon. Naiyak ako nang marealize ko na nagbibinata na ang anak ko. Kalaunan magkakaroon na siya ng girlfriend at ng sarili niyang pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bago pa kami ma-carried away dalawa, niyakap ko lang ang anak ko at sinabi ko sa kanya na maaasahan niya ako kung mayroon man siyang mga gustong sabihin. Ipinangako ko sa kanya na lagi akong makikinig sa kanya ano man ang mangyari.

    Nakikita ko namang effective ang efforts ko to reach out to him dahil nagtatanong siya sa akin kapag may hindi siya maintindihan tungkol sa mga bagay-bagay. Lagi kong sinasabi sa kanya na mas magandang sa akin siya magtanong para tama ang impormasyong makuha niya.

    More from Smart Parenting

    Ang kwentong ito ay hango sa mga tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village at Smart Parenting Facebook page. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala sa amin ng kwentong ito. 

    Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting


View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles