embed embed2
  • Paano Magpalaki Ng Mga Batang Responsableng Gumamit Ng Social Media

    Kailangang maintindihan niya ang kaakibat na responsibilidad ng paggamit ng internet.
    by Ana Gonzales .
Paano Magpalaki Ng Mga Batang Responsableng Gumamit Ng Social Media
PHOTO BY Shutterstock/suriyachan
  • Bago mo pa man payagang gumawa ng mga social media accounts ang mga anak mo, turuan mo muna sila ng tamang paggamit ng mga ito. Lalo na at hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay mababantayan mo sila habang online sila.

    Kwento ni Jennifer Zhu Scott, isang technology executive, natakot siya nang dumating na ang panahon na bibigyan na nilang mag-asawa ng cellphone ang kanilang mga anak.

    Bilang isang technology investor, alam niya ang mga kaakibat na risks kapag inilagay mo ang sarili mo online.

    Kaya naman, para mailayo ang kanyang mga anak sa potensyal na kapahamakan, gumawa siya ng user agreement na siya niyang pinabasa at pinapirmahan sa mga ito. Makikita mo ang template sa link na ito.

    Hango ang naturang user agreement form sa mga nakikita ni Scott online, pati na rin sa mga inirerekomenda niya sa kanyang mga sariling kliyente.

    Dito ay sinasabi niyang ang cellphone ay hindi laruan at hindi lang basta-basta gadget. Ipinaliwanag niya sa mga anak niya na ang cellphone, kapag ginamit ng mali, ay maaaring maging armas na pwede kang ipahamak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagbabahagi pa ni Scott, kasama sa user agreement ang kasunduan na pumapayag ang mga anak niya na i-share ang password ng social media accounts nila sa kanya.

    Nakasaad din doon na magiging open at honest sila kung mayroon man silang maranasang harassment at iba pang hindi kanais-nais na pangyayari habang gumagamit sila ng cellphone.

    Bukod pa sa mga nabanggit, nagbahagi rin si Scott ng ilang tips kung paano magpalaki ng mga batang responsableng gumamit ng gadgets. Narito ang ilan sa mga iyan.

    What to teach your kids so they grow up to be responsible internet users

    Huwag ipamigay ang iyong impormasyon

    Kasama sa user agreement na ginawa ni Scott ang patakaran na hindi pwedeng i-share ang password sa ibang tao. Aniya, kaakibat ng mga free apps ang kakulangan sa sapat na seguridad.

    Iwasan ang labis na pagpopost ng mga selfies online

    Paalala ni Scott sa kanyang mga anak, lahat ng mga ilalagay nila sa internet ay naroon na habang-buhay. Bukod pa riyan, napakarami nang mga softwares ngayon na maaaring magamit para magmanipula ng mga larawan na pwedeng gamitin sa kasamaan.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Maging maingat sa pagpapadala ng mga mensahe at larawan

    Isang screenshot lang, maaring magbago ang buong buhay ng mga anak mo. Kaya naman, ayon kay Scott, pinapaalalahanan niya ang mga anak niya na huwag magpadala ng mensaheng hindi mo kayang panindigan o sabihin nang harapan sa taong binabanggit mo.

    Kasali sina lolo at lola sa usapan

    Hindi maaalis sa mga kabataan na maging curious. Kaya naman para masigurong hindi magse-search ng kung anu-ano ang mga anak mo sa Google, isali mo sa pagmo-monitor sina lolo at lola.

    Ayon kay Scott, sinabihan niya ang mga anak niya na huwag silang magse-search ng mga bagay na hindi nila gugustuhing makita ng kanilang lolo at lola.

    Maging mabuting tao hindi lang sa tunay na buhay, kundi pati online

    Isa pang itinuro ni Scott ay ang pagiging mabuting tao sa loob at labas ng online community. Kung mabait at magalang ka sa mga tao kapag kaharap mo sila, dapat ay mabait at magalang ka rin online.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mag-isip bago mag-post

    Turo ni Scott, ang behaviour at choices mo online ay makakaapekto sa iyong hinaharap. Sabihin mo sa iyong mga anak na mag-isip muna silang mabuti bago sila magpost online. Tanungin muna nila ang mga sarili nila kung ang post nila ay hindi nila pagsisisihan pagkatapos ng ilang taon.

    Maging consistent sa ugali

    Kung mabait ka online, dapat ay mabait ka rin sa tunay na buhay. Sabi ni Scott, hindi ka dapat gumawa ng ikalawang persona para sa iyong buhay online.

    Ilan lamang ang mga ito sa mga pwede mong gawin para siguraduhing lalaking responsableng digital citizens ang mga anak mo.

     

    Ikaw, paano mo pinapalaking responsible user ang anak mo? I-share mo iyan sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close