embed embed2
  • Think Before You Click: Bakit Kailangang Humingi Ng Consent Sa Anak Bago Magpost Ng Litrato Nila Online

    Kapag pinahalagahan natin ang privacy ng ating mga anak, matututunan nila igalang ang privacy ng ibang tao.
    by SmartParenting Staff .
Think Before You Click: Bakit Kailangang Humingi Ng Consent Sa Anak Bago Magpost Ng Litrato Nila Online
PHOTO BY ADOBE STOCK
  • Normal para sa mga teenager na humingi ng mas higit na privacy mula sa kanilang mga magulang.

    Nag-trending ang post ng aktres na si Claudine Barreto kamakailan kung saan ipinost nito sa social media ang selfie kasama ang teenager niyang anak na si Santino. Ayon sa aktres, nangako siyang hindi niya ipopost ito, ngunit ipinost pa rin niya.

    Ayon sa Very Well Family, kahit na mistulang mahirap makibagay ang mga magulang sa kanilang mga anak na teenager lalo na't pagdating sa mga ipinopost na litrato sa social media, ang pagiging maingat nila ay makatutulong rin naman kanila na maging mas independent at self-sufficient sa hinaharap. Subalit, ang sobrang pagiging malihim ay ibang usapan naman.

    Ano ang "sharenting"

    Ang "sharenting" ay ang terminong ginagamit kapag ibinabahagi ng mga magulang ang mga balita at litrato ng kanilang mga anak sa kanilang social media.

    "Just having a simple discussion that involves children on what kind of photos they like, and if it's ok to upload them, helps build a better parent-child relationship." --Andra Siibak

    Noong 2019, nang ibahagi ng Hollywood actress na si Gwyneth Paltrow ang litrato nila ng kanyang anak na si Apple sa Instagram, sinabi ng anak sa kanya na hindi siya puwedeng mag-post ng kahit ano nang walang pahintulot niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kahit na marami ang nagsasabing may karapatan si Gwyneth na mag-post ng litrato ng kanyang anak sa online dahil siya ina nito, sinasabi rin ng iba na dapat igalang ng aktres ang karapatan ng kanyang anak sa privacy.

    Ayon kay Andra Siibak, isang propesor sa media studies sa University of Tartu sa Estonia, dapat seryosohin ng mga magulang ang privacy concerns ng kanilang mga anak.

    Sa isang interview sa BBC, sinabi ni Siibak, "Just having a simple discussion that involves children on what kind of photos they like, and if it's ok to upload them, helps build a better parent-child relationship."

    Bagaman ang "sharenting" ay mas nakikinabang ang mga magulang kaysa sa kanilang mga anak, dapat maging maingat ang mga magulang sa mga ipinopost nila dahil sila ang nagsisilbing modelo sa mga anak.

    BASAHIN: Are You an 'Oversharenting' Parent? Real Moms Weigh In

    Bakit kailangan humingi ng consent bago ipost ang litrato ng anak online

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Samantala, inirekumenda ng parenting website na Scary Mommy na ito ay kaugnay ng pagtatakda ng mga limitasyon o boundaries.

    "Just as I wouldn’t dream of forcing my children to hug or kiss someone they really didn’t want to, I shouldn’t be forcing their digital body onto my smartphone and social media without their consent."

    She added, "By allowing my children the right to say “no” or “I don’t want to share that,” this will hopefully prepare them for the day they will have photo/video requests from friends, love interests, or even a creepy online weirdo. This will help ensure that they feel comfortable and safe online."

    Kapag tayo ang unang nagbibigay-pansin at nagpapahalaga sa privacy ng ating mga anak, tinutulungan nating matutunan nila at igalang ang privacy ng ibang tao.

    BASAHIN: This Song Will Teach Your Kids How To Set Boundaries

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close