-
6 na Subok na Paraan Para Dumami ang Iyong Breast Milk
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Bawat bagong ina ay naghahangad na mapasuso ang kanilang anak paglabas nito sa kanilang sinapupunan. May mga inang maswerte na nagkakaroon ng gatas ilang oras matapos mag-latch ng kanilang mga anak, ngunit hindi maikakailang may mga inang kahit anong gawin ay hindi talaga nilalabasan ng gatas.
Kalimita’y nagiging sanhi ito ng baby blues o di naman kaya ay stress, dahil nakakaramdam ng pressure ang mga bagong ina na makapagpasuso. Kung isa ka sa mga nakakaramdam ng matinding lungkot at disappointment dahil hindi mo ma-breastfeed ang iyong anak, narito ang ilan sa mga subok na paraan para dumami ang iyong breastmilk, ayon sa mga nanay sa Smart Parenting Village:
What other parents are reading
Uminom ng maraming tubig bago at pagkatapos sumuso ni baby
Napakasimple kung tutuusin ngunit hindi lahat ng bagong ina ay naiisip ito. Ayon sa isang ina sa Village, dati ay wala talaga siyang gatas. Ngunit pinayuhan siya ng kanyang doktor na uminom ng maraming tubig at kumain ng mga ulam na masabaw. Saka niya napansing dumarami na nga ang kanyang gatas.
Kumain ng milking bombs
Kung naghahanap ka ng masarap na paraan para paramihin ang iyong breastmilk, subukan mo ang milking bombs. Ito ay mga lactation desserts na gawa sa mga masustansiyang ingredients na nakakatulong sa pagpaparami ng breastmilk. Isa sa mga pinakasikat na milking bombs ay ang kay Bettinna Carlos, ang Milking Bombs by ABC (@milkingbombsbyabc sa Instagram). Ilan sa mga variants na maaari mong pagpilian ay ang kanilang brownies, “crinkoats”, at malunggay pandecitos.
Uminom ng malunggay capsules o supplements
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIsa sa mga pinakamabisang paraan para magparami ng breastmilk ay ang uminom ng malunggay supplements tulad ng Mega Malunggay. Ayon pa sa kanila, makakatulong din kung maglalaga ka ng malunggay na siya mong iinumin araw-araw. Kung ayaw mo ang lasa ng plain malunggay, ihalo mo ito sa iyong ulam tulad ng tinola, nilaga, monggo, at halaan soup.
Maaari mo ring lagyan ng malunggay flakes ang iyong pagkain. Isa ito sa pinaka epektibo sa lahat ng tips na nakuha namin sa Village. Ang isang kilo ng malunggay flakes ay nagkakahalaga ng Php650 sa supermarket.
Narito pa ang ilang supplements na highly recommended ng mga Smart Parenting Village moms:
- Mother Nurture chocolate / coffee drink - Php140 for 8 sachets, mabibili online
- M2 Tea Concentrate - Php238 sa Landmark. Mayroon din nito sa Babymama, Robinson’s Supermarket, at Andok’s (Php250 per liter)
- Spriluna at Maca Powder - Ang presyo ay depende sa online store
- Natalac - Php9.15Fenugreek - 100 pieces for Php350, mabibili online
Mag-unli latch
Kung bahagi ka ng Smart Parenting Village, madalas mong makikita ang advice na ito. Ang ibig sabihin ng unli latch ay hahayaan mo lang si baby na sumuso hanggang kaya at gusto pa niya. Gayahin mo ang ginawa ni Bianca Gonzales. Natutunan niya na baby talaga ang pinakamagaling mag-pump ng milk. Ayon pa sa kanya, magkaiba ang makukuha mong gatas sa pag-pump, kumpara sa makukuha mong gatas kapag direkta mong pinasuso si baby.
Uminom ng vitamins
Ayon sa American Academy of Pediatrics, makakatulong ang paginom ng vitamin D, iron, folic acid, at calcium supplements. Tandaan na ang content o komposisyon ng iyong breastmilk ay nakadepende sa iyong iniinom at kinakain. Kung hindi masustansya ang iyong pagkain at kung palagi kang dehydrated, malaki ang chance na kaunti lang ang magiging gatas mo.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMagpadede sa magkabilang suso
Epektibo ang unli latch dahil ang milk production ay isang demand-supply system. Mas madalas mong pinapasuso ang iyong anak, mas gagawa ng gatas ang suso mo. Kaya mahalaga ring parehong suso ang iinuman ni baby upang makuha nila ang foremilk at fatty hindmilk na panggagalingan ng mga nutrients na makakatulong sa kanilang paglaki.
Bukod pa sa mga supplements at techniques na ito, importante rin ang regular na pag pump at ang pag-iwas sa stress. Kailangan matulog ka kapag tulog si baby para mapahinga ang iyong katawan at isip—mas stressed ka, mas mahihirapan ang katawan mong mag-produce ng gatas.
Mayroon ka bang mga tips, tricks, o secrets sa pagpaparami ng iyong breastmilk? I-share mo na sa mga nanay sa Smart Parenting Village.

- Shares
- Comments