embed embed2
Ang Sikreto Sa Magandang Malunggay Flakes Ayon Sa Mga Nanay
PHOTO BY Pixabay
  • Katumbas na nga ng salitang malunggay ang breast milk. Isa kasi ito sa mga pinakamabisang paraan para magparami ng milk supply. Sa katunayan, tinagurian din itong 'wonder gulay.'

    Bukod kasi sa katangian nitong magparami ng gatas, mayroon din itong anti-inflammatory at antioxidant properties. Ayon sa USDA, Food Composition Database, ang 1 cup o 21 grams ng sariwang dahon ng malunggay ay mayroong:

    • Protein: 2 grams
    • Vitamin B6: 19% of the recommended daily allowance (RDA)
    • Vitamin C: 12% of the RDA
    • Iron: 11% of the RDA
    • Riboflavin (B2): 11% of the RDA
    • Vitamin A (from beta-carotene): 9% of the RDA
    • Magnesium: 8% of the RDA

    Sagana rin ito sa folate, calcium, potassium, zinc, vitamin E, at B3. Pinanggagalingan din ito ng thiamin o vitamin B1 at phosphorus. Ayon pa sa mga pag-aaral, mayroon din itong antibacterial properties na maaaring maging pampalakas ng immune system.

    What other parents are reading

    Maraming paraan para i-enjoy ang mga benefits ng malunggay. Mayroong mga nanay na gumagamit ng sariwang dahon para ihalo sa ulam, habang mayroon namang iba na pinapakuluan ito para maging tsaa. May ilang isinasama pa ito sa pagbe-bake ng pandesal.

    Samantala, may mga nanay naman na mas gusto ang malunggay flakes. Bukod kasi sa madali lang itong gawin, mas matipid din daw itong gamitin, sabi ng mga padedemoms.

    Kaya naman para masubukan mong gumawa ng malunggay flakes, nagtanong kami sa mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village kung anu-ano ang mga techniques na ginagamit nila sa paggawa ng kanilang malunggay flakes.

    What other parents are reading

    Narito ang ilan sa mga techniques nila sa paggawa ng homemade malunggay flakes:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibilad itong mabuti

    Air-dry ang malimit gawin ng mga nanay. Isampay mo lang ito at hayaan nang nakabilad nang hanggang tatlong araw—depende sa init ng panahon. Tip pa nga ni mommy Lala Telleno-Viray, pwede mo itong ilagay sa isang mesh bag para hindi masayang kung sakali mang may malaglag na mga dahon.

    Ayon naman kay mommy Jenny Ortiz-Bolivar, pwede ring patuyuin ang malunggay leaves sa loob ng paper bag. Isang linggo lang niya itong hinahayaan. Maganda itong technique para sa mga tahanang walang lugar para pagsabitan at pagpatuyuan ng dahon.

    What other parents are reading

    Pwede itong isangag

    Maraming mga nanay sa Village ang nagsabing isinasangag din nila ang kanilang malunggay flakes pagkatapos itong i-air-dry. Isa sa mga nanay na gumagamit ng technique na ito ay si mommy Jasmine Gebala. "Hot pan lang tapos [ilalagay] ko 'yung malunggay [hanggang] maging crispy," sabi niya sa aming comments section. Pagkatapos nito'y ibe-blender niya lang ito o didikdikin hanggang maging pino.

    Hugasan ang mga dahon sa baking soda

    Ito'y para makasiguro kang malinis ang dahon ng malunggay na gagamitin mo. Ginagawa rin ito ni mommy Lala. Minsan, gumagamit din siya ng ibang vegetable wash.

    Makakatulong ang maayos na paglilinis ng dahon para makasiguro kang maganda ang kalalabasan ng malunggay flakes na gagawin mo.

    Kurin naman ang gamit sa paghuhugas ni mommy Mel Floriselle Amburgo. Habang ang iba ay tubig lang ngunit maraming beses binabanlawan.

    What other parents are reading

    Ilan lamang ang mga iyan sa mga techniques ng mga nanay para makasigurong high-quality ang magagawa nilang malunggay flakes at powder.

    Kung wala ka namang oras para gumawa ng malunggay flakes o mas gusto mo ang drink kaysa sa ihinahalo sa ulam, pwede kang umorder sa ChatnShop. Makakapili ka doon ng mga malunggay supplements at tea drink. Heto ang ilan sa mga pwede mong mabili!

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    nature earth m2 tea

    Pwede itong inumin ng mainit o ng may yelo. Sabi nila, para raw itong iced tea! Bilhin dito sa halagang Php270.
    PHOTO BY babymama.ph
    lacta flow malunggay capsule
    Kung mas madali sa’yong uminom ng capsule, pwede mo itong bilhin sa halagang Php900.
    PHOTO BY babymama.ph
    life oil malungai food supplement
    Meron ring food supplement na gawa sa pure moringa leaves and seeds oil extract. Pero tandaan, hindi ito inirerekumenda sa mga buntis. Bilhin dito sa halagang Php990.
    PHOTO BY babymama.ph
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikaw? Nakagawa ka na ba ng malunggay flakes? Anong technique mo para masigurong high-quality ito? I-share mo na iyan sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makita ang mga malunggay recipes ng mga breastfeeding nanay tulad mo.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close