embed embed2
Hindi Akalain Ni Arny Ross Na Kakayanin Ang Breastfeeding: 'Unli Latch Talaga Is The Key'
PHOTO BY Instagram/iamarnyross
  • Noong July 27, 2022, ipinanganak ni Arny Ross ang panganay nila ng asawang si Franklin Banogon (basahin dito kung bakit nauwi sa Cesarean delivery ang planong spontaneous vaginal delivery). Pinangalanan nila ang baby boy na Jordan Franco.

    Iyon din ang simula ng breasfeeding journey ng aktres, na nakilala sa GMA-7 gag show na Bubble Gang.

    "Exclusive Breastfeeding Mom for 7 months now," sabi ni Arny sa recent Instagram post kalakip ang mga litrato habang pinapadede si Baby Jordan. (Basahin dito ang mga benepisyo ng breastfeeding.)

    Kuwento pa niya, "At first, akala ko hindi ko to kaya, akala ko imposible, akala ko hindi ako magkakagatas, pero talagang matinding tiyaga sa una. Nung una patak patak lang, iniipon ko s syringe, d pa ko makapuno nung una, nung nakapuno na ko iyak ako ng iyak sa tuwa, kasi sobrang hirap talaga sa una, as in, hanggang nagulat ako palakas n ng palakas ung milk ko."

    Ito ang nadiskubre ni Arny bilang solusyon at sagot sa paghihirap niya sa breastfeeding: "UNLI LATCH LANG TALAGA IS THE KEY!" (Basahin dito ang iba pang paraan.)

    Paliwanag niya, "Grabe hindi pala madali maging padede mom, salute to all EBF Moms there, sobrang galing niyo Mommies lalo na ung isang taon mahigit nang nag papadede. Wow!

    "Kasi ako until now nag pe pray pa dn me na sana magtagal pa tong ganito na enough ang milk ko for Franco, basta always think positive, sa mga kabatch kong first time mom, laban lang Mommies!

    "Mahirap man pro sobrang sarap naman sa pakirmdam, lalo na yung nakatitig sayo si Baby habang dumedede, haaayyyy nakakatunaw sobra! Tapos gusto niya pa hawak kamay mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Kahit kinukurot pa boobs natin, kahit kinakagat pa nipple natin, ok lang, isang ngiti lang ni baby, mawawala lahat ng sakit na un. Isama pa natin ang araw araw na ngalay sa side lying with baby, haha, sa madaling araw pinakamatakaw si Baby ko habang tulog, hihi kaya kaliwat kanan kmi buong madaling araw."

    Dagdag niya, "Sabi nga nila, mabilis lang ang araw, mabilis lang ang paglaki nila, kaya talagang bawat minuto, nagpapasalamat ako meron akong bochog na matakaw man pero mahal na mahal ko yan! Hihi!"

    Sa huli, nagpasalamat siya sa suporta ng kanyang asawa, "Thank you Daddy @franklinbanogon , d ko dn kakayanin to kng wala ang full support mo, love you both." Gumamit din siya ng hashtag na #proudexclusivebreastfeedingmom.

    May pahabol ding mensahe si Arny: "P.S. Breastfeed or Formula man, may kaniya kaniyang choice ang mga Mommies, kahit ano pa man, ang mahalaga, masaya natin napapalaki ang ating mga babies! Respect to all hardworking Moms! Huuugsss!"

    Basahin dito kung ano ang epekto ng extended breastfeeding.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close