embed embed2
  • Breastfeeding Mom, Tumulong Sa NICU Babies Na Nakasama Ng Kanyang Anak Na May Birth Defect

    Ang sikreto niya: commitment sa breastfeeding at tamang tools.
    by Grace Bautista .
Breastfeeding Mom, Tumulong Sa NICU Babies Na Nakasama Ng Kanyang Anak Na May Birth Defect
PHOTO BY Courtesy of CJ Chavez
  • Karamihan ng mga nanay, bago pa man manganak, ay mayroon nang nabuong pangarap at commitment sa breastfeeding. Pero paano kung hindi mo pala muna pwedeng makasama si baby sa loob ng ilang araw, isang buwan, o higit pa? Kaya pa rin bang mag-breastfeed?

    "Kaya!" Yan ang sagot ni mommy CJ Chavez, isang nanay mula sa aming parenting community, Smart Parenting Village, na nakausap namin sa pamamagitan ng email kamakailan lang.

    The challenge and the blessing

    Ang anak ni CJ na si Stephen ay na-diagnose ng gastroschisis, isang rare birth defect kung saan ang intestines ni baby ay nasa labas ng kanyang katawan.
    PHOTO BY courtesy of CJ Chavez
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “My baby, Stephen Kyrie, was diagnosed with a rare case called gastroschisis (bowels are out). Buntis pa lang ako nung nalaman ko na may problem siya,” kwento ni CJ.

    Pinayuhan ng mga doktor si CJ na ituring na normal ang kanyang baby at sikaping maging malusog at masaya ang kanyang pagbubuntis. Ang sabi ng mga doctor, mas mabuti ito para maging malakas si baby sa loob ng tiyan ni mommy. Naka-plano na rin ang operasyon ni baby pagkalabas na pagkalabas niya.

    Nung araw na ipinanganak si baby, “diniretso siya sa operating room, and it was a successful operation. Naipasok yung intestines niya na nakalabas. Sadly, hindi pa muna siya pwedeng mag-milk,” ani ni CJ.

    Pagdating sa milk supply, mapalad si CJ dahil naramdaman niyang kusa na lang dumating ang gatas niya kahit walang baby na sumususo sa kanya. “Naramdaman kong [lumalabas] na yung milk ko. No choice ako kasi si baby nasa NICU, walang dedede sa akin. So, I used Haakaa agad.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madali lang daw gamitin ang Haakaa, isang brand ng manual breast pump. “Kahit first time ko mag-pump ng milk walang masakit akong naramdaman,” kwento ni CJ.

    Ang sabi pa ni mommy, ang Haakaa raw ay ‘di tulad ng ibang pump na kailangan mo pang basahin nang maigi ang manual o manood ng video para i-assemble at gamitin. “Sa Haakaa, kahit picture lang ang makita mo, malalaman mo na agad kung paano ito gamitin.”

    Limang araw pagkatapos manganak, nakalabas na si mommy CJ sa ospital, pero naiwan pa si baby sa NICU, at hindi pa rin siya pwedeng mag-gatas.

    “Yung unang milk na naipon ko (colostrum) nilagay ko sa breast milk bag then diniretso ko sa NICU. Pina-store ko lang muna sa mga nurse para pag pwede na si baby mag-milk, yun ang ibibigay sa kanya. Sa loob ng 5 days, lahat ng naipon kong milk, nilagay ko sa breast milk bags, then freeze," kwento niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Nung una, lahat ng na-pump ko using Haakaa binibigay ko sa NICU sa Philippine General Hospital. Every visit kay baby nagdadala ako ng breast milk sa NICU as a donation sa mga babies, kasi hindi lahat ng mothers nakakapag-produce ng breast milk for their babies," dagdag pa ni CJ.

    Pagkalipas ng tatlong linggo, sinabihan ng mga doctor si mommy CJ na pwede nang mag-gatas si baby at pwede na rin siyang direktang dumede kay mommy.

    “On his first latch, it went well naman. Dun ako nag-start na gamitin [ang] Haakaa kasabay ng pagdede ni baby.” 

    Breastfeeding routine at the NICU

    Salamat sa Haakaa, nakaipon si CJ ng maraming breast milk at dinodonate ito sa mga kasama ni Stephen na baby sa NICU.
    PHOTO BY courtesy of CJ Chavez
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Every morning, 8:00 a.m., nasa NICU na ako. Pinapadede ko si baby ng 8 a.m. to 9 a.m. at sa other boob ko nakasalo [ang] Haakaa. Yung naipon ko na milk nilalagay ko sa breast milk bag. I [would] indicate my son's name at ibibigay ko sa nurse on duty.”

    Pagkatapos magpasuso, lalabas na si mommy ng NICU para kumain ng early lunch. 

    “After lunch, papadedehin ko ulit si baby.”  

    Ito na nga ang naging routine ni mommy CJ. Naka-latch si baby sa isang suso habang nakasalo naman ang Haakaa sa kabila. Ang lahat ng naiipon niyang gatas, inilalagay niya sa breast milk bags at ibinibigay sa nurse para may madedede si baby kapag umuwi na siya. Bawal daw kasing mag-overnight sa public NICU. 

    Isang oras at kalahati ang biyahe ni mommy pauwi, at sa loob ng oras ng biyahe, “feeling ko punong puno na ang boobs ko. Kaya when I arrive at home, hinuhugasan ko agad [ang] Haakaa, airdry, then sterilize. Then pump ulit.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Kapag nasa bahay ako, every 2 hours nagpa-pump ako. Lahat ng naiipon ko na milk, inilalagay ko sa breast milk bags. I [would] indicate the time and date [I] pumped, then freeze.” 

    Makalipas ang 35 araw ng ganitong routine, nakaipon ng mahigit 200 bags ng gatas si CJ.

    Continued milk donation for ‘warrior babies’

    18 months na ngayon si Stephen at napaka-healthy!
    PHOTO BY courtesy of CJ Chavez
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Nung nakauwi si baby, I prefer kasi na nagla-latch siya sa akin, instead na isasalin ko yung milk ko sa baby bottles. Kaya lahat ng naipon ko na breast milk dino-donate ko sa mga babies na [nangangailangan ng] milk.”

    “Sumali ako sa isang group ng mga mommies na nagdo-donate ng breast milk for NICU babies. Nakakatuwa na isa ako sa active na nagbibigay ng breast milk sa mga babies. Naalala ko pa nun, every time may mga babies na [nangangailangan] ng breast milk, ako ang tina-tag ng mga friends ko sa FB para mag-donate.”

    “Lahat ng natulungan ko na warrior babies, hindi ko magagawa ‘yun kung hindi din dahil [sa] Haakaa, Napakadaling gamitin, I was able to breastfeed my baby, plus I was able to collect and give [away] breast milk din at the same time.”

    Ngayon ay 18 months old na ang baby ni CJ at magaling nang kumain ng solid food, pero breastfed pa rin siya. Hanggang ngayon ay nag-iipon pa rin ng gatas si mommy CJ gamit ang kanyang Haaka para may maibigay siya sa mga batang nangangailangan ng breast milk.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Basahin kung paano nagawa ng isang nanay na mag-exclusive breastfeeding habang nakatira siya sa Singapore at ang kanyang anak ay nasa Pilipinas dito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles