embed embed2
  • Pwede Mag-Kape! 4 Safe Coffee Alternatives Na Nagpaparami Pa Ng Breast Milk

    Para sa mga breastfeeding at buntis na coffee lovers rin!
    by Grace Bautista .
Pwede Mag-Kape! 4 Safe Coffee Alternatives Na Nagpaparami Pa Ng Breast Milk
PHOTO BY iStock
  • Mabibili mo na ang iyong pregnancy at baby essentials sa Smart Parenting ChatnShop! Pindutin mo lang ang 'ChatnShop Now' button at pwede ka nang pumili ng mga produktong kailangan mo. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka ng aming community care team mula sa pagbayad at sa pag-ayos ng delivery ng mga pinamili mo. Parang nakikipagkwentuhan ka lang sa kapwa mo Smart Parenting mom!

    Para sa mga coffee lovers, bahagi na ng bawat umaga, hapon (kahit gabi!) ang pag-inom ng kape. Hindi lang ito "want" kundi "need" dahil hindi aandar ang kanilang utak at katawan nang walang kape. Pero paano na kapag ang mga nanay na mahilig sa kape ay nagbubuntis o nag-be-breastfeed? Safe pa ba itong inumin? Kung oo, gaano karami ang pwede?

    BASAHIN ANG IBA PANG BREASTFEEDING STORIES

    Kung ikaw ay buntis

    Ayon sa mga pag-aaral, ang caffeine ay tumatagos sa placental barrier. Ibig sabihin nito, ang caffeine ay dumadaan sa umbilical cord at nakakarating sa bloodstream ni baby. Pero ang mabuting balita, hindi lubusang ipinagbabawal sa mga buntis ang pag-inom ng kape.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa What to Expect, pwedeng uminom ang mga buntis ng kape "in moderation." Sabi rin ng American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG) at ng iba pang eksperto, walang masamang epekto kay baby kung si mommy ay iinom ng hindi lalampas sa 200mg ng caffeine: katumbas ito ng 12oz na kape kada araw.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pero dapat rin nating isipin na hindi lang kape ang may caffeine. Meron din ang tsaa, milk tea, soda, chocolate, ice cream at cake (coffee-flavored). Kaya kung kakain o iinom ka nito, kailangang bawasan ang pag-inom ng kape para masunod ang 200mg limit.

    Ang caffeine ay diuretic o nakakaihi, kaya maaaring mas mapadalas pa ang pagpunta mo sa banyo. Ang sobrang caffeine naman ay maari ring makaapekto sa pag-absorb ng iron ng ating katawan, at maaring makapagpataas ng risk ng iron deficiency o anemia. Tandaan na laging kumunsulta sa iyong ob-gyn bago ang lahat.

    Kung ikaw ay breastfeeding mom

    Pwede ka pa ring uminom ng kape habang nag-be-breastfeed. Pero iba-iba ang reaksiyon ng mga baby sa caffeine, at maaaring makuha nila ang 0.06 hanggang 1.5 percent ng caffeine na iniinom ng nanay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Obserbahan kung ang baby mo ay nagiging hyper, iyakin, di-makapakali o di makatulog kapag nagkakape ka. Kung may ganitong reaksyon si baby, makakabuting bawasan ang pagkakape. Maari ring uminom ng kape habang kadede lang ni baby para matunaw na ito ng iyong katawan at hindi na maipasa kay baby sa sunod niyang pagdede.

    Paalaala ni L.A.T.C.H. Philippines peer counselor Mec Camitan Arevalo sa mga breastfeeding moms, ang kape at mga caffeinated tea ay diuretic. Uminom ng dalawang baso ng tubig sa bawat tasa ng kape na iyong iniinom para mapalitan ang tubig na nawawala sa iyong katawan. Kailangan kasi ng ating katawan ng maraming tubig para makagawa ng maraming gatas.

    Coffee alternatives na mabuti kay mommy at baby

    Dahil marami sa atin ang hindi kaya na tuluyang mawala ang kape sa araw-araw, marami na ngayong alternative na inumin na sadyang ginawa para sa mga buntis at nagpapa-breastfeed. Bukod sa masarap ang mga ito, mayroon din itong mga herbal extracts na masustansiya at nakatutulong sa pagpaparami ng gatas. Narito ang ilan sa paborito ng mga nanay sa ating Smart Parenting Village:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Get a 10% discount on your first purchase for ChatnShop. Promo runs until December 31, 2020. Gamitin ang code na ito: HELLOCHATNSHOP

    mommy co coffee
    Yes, kape ito! Meron din tong guyabano, ashitaba, malunggay, at turmeric extracts na nakakatulong magparami ng gatas. Bilhin dito sa halagang P145.
    PHOTO BY DAIRY DARILAG
    mommy co chocolate
    Masarap na alternative sa kape ang chocolate! Bilhin dito sa halagang P140.
    PHOTO BYDAIRY DARILAG
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    oat mama lactation tea
    Hindi lang nakaka-relax ang decaffeinated tea na ito, nakakapagparami rin ito ng gatas. Bilhin dito sa halagang P525.
    PHOTO BY DAIRY DARILAG

    BASAHIN ANG IBA PANG BREASTFEEDING STORIES

    Naghahanap ka ba ng iba pang milk boosters? Basahin ang aming list dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles