Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Hindi Mo Kailangang Punuin ang Freezer ng Breast Milk Pagbalik Mo sa Trabaho

    Gaano nga ba karaming breast milk ang kailangang ipunin para iwan kay baby bago bumalik sa trabaho?
    by Dinalene Castañar-Babac .
Hindi Mo Kailangang Punuin ang Freezer ng Breast Milk Pagbalik Mo sa Trabaho
PHOTO BY iStock
  • Isa ito sa inaalala ng mga mommy sa kanilang pagbabalik sa trabaho matapos ang kanilang maternity leave: Gaano kadaming breast milk ang kailangang ipunin? Ang totoo, hindi naman kailangang magmistulang baka para masiguro ang nutrisyon ng iyong anak. Binigyang-diin ito ng isang breastfeeding mom sa kaniyang post sa Facebook: hindi kailangang punuuin ang inyong freezer ng breast milk.

    “I wanted to show moms what a ‘going back to work’ stash normally looks. It seems as though no one is posting about their completely normal and adequate ‘freezer stash,’” (Gusto kong ipakita sa mga mommy na magbabalik na sa trabaho ang normal na dami ng gatas na dapat iimbak. Wala pa akong nakita na nag-post tungkol sa normal at sapat na dami ng inimbak na breast milk sa freezer) sinulat ni Whitney Callahan sa kaniyang Facebook. “This is 16 ounces of milk, and it is completely adequate for moms’ first day back to work,” (Ang 16 ounces na ito ng milk ay sapat na para sa unang araw ng pagbabalik ng mommy sa trabaho) dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon pa kay Whitney, ang average breast milk na nauubos ng baby kada inom nito ay nasa isa hanggang 1.5 ounces. Kapag nawala ang mommy nang siyam na oras, kailangan lang ng baby ng mga 13 ounces ng gatas. May matitira pa na 3 ounces sakali na maipit sa trapik pauwi o may matapon mang gatas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa ating mga Pilipino, karaniwang iiwan ng isang bagong mommy sa pagbabalik niya sa trabaho ang kanyang dalawang buwang sanggol na kailangang padedein kada dalawa o tatlong oras. Makakaubos ito ng mga 4 ounces sa bawat padede. Kung nasa labas si mommy nang walong oras, kakailanganin lang niyang mag-imbak ng 12 ounces ng breast milk sa isang raw. Kailangang i-adjust nang kaunti ang kuwenta dahil sa bagong Expanded Maternity Leave law na ipinatutupad na ngayon sa bansa, nasa 3.5 na buwan na ang baby kapag nagbalik sa trabaho ang isang mommy 

    “If mom is pumping to make up missed feedings while away from the baby, she will get what she needs for the next day,”  (Kapag nag-pump ang mommy para punan ang supply niya habang nasa trabaho, makakakuha siya ng kinakailangan ni baby para sa susunod na araw ) pagtitiyak ni Whitney sa kaniyang mga kapwa nursing moms. “Preparing to leave baby is hard enough without the pressure to fill a deep freezer,” (Ang paghahanda na iwan si baby ay mahirap nang gawin, pero nakakadagdag pa ditto ang pressure ng pagpuno ng freezer ng breast milk) pabibigay-diin niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ang post niyang ito ay nagsilbing paalala na hindi lahat ng ina ay may maraming breast milk. “The posts of crazy amounts of milk from moms who over produce have given us all unrealistic expectations for our bodies. All we need to make is what our babies eat,” (Dahil sa post ng mga nanay na nakakuha ng napakaraming gatas, nagkakaroon tayo ng hindi makatotohanang expectation sa ating katawan. Kailangan lang naman natin ihanda kung ano ang dapat para sa ating mga baby) pagdidiin ni Whitney. “Moms need to know they are enough.” (Kailangang malaman ng mga mommy na sila lang ay sapat na.)

    Nakatanggap ng magkakahalong reaksyon ang naging post na iyon ni Whitney. Maraming mommy ang natuwa at nagpasalamat sapagkat nalaman nilang hindi sila nag-iisa at wala silang dapat na ipag-alala kapag kaunti lamang ang breast milk na kanilang nakukuha.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero maraming mommy rin ang hindi kumbinsido, at nagsabi na maraming nursing moms ang humihina na ang suplay ng gatas kapag bumalik na sa trabaho, at isa itong bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Isaisip na ang kailangan mo lamang ay ang gatas na sasapat sa iyong baby sa mga oras na malayo ka o wala ka sa kaniyang tabi. Kapag nagbalik ka na sa bahay o pagkauwi mo, ipagpapatuloy mo lamang ang direktang pagpapasuso sa iyong baby. Tandaan na ang direktang pagpapadede ay mahalaga sapagkat nagbibigay ito ng signal o mensahe sa iyong katawan na gumawa pa ng breast milk.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ipinapayo naman ng mga eksperto sa mga nursing moms na magbabalik sa kanilang trabaho na mag-pump ng breast milk sa pagitan ng mga direct feeding ni baby kapag siya ay edad anim na linggo na. Maaari ding subukin ang pag-express ng gatas sa isang dede habang sumususo si baby sa kabilang dede. Ang dalawang linggo ay sasapat na para magawa mong makuha ang sapat na dami ng breast milk upang makakampante ka sa maiiwan mong gatas sa iyong baby sakaling magtrabaho ka nang muli.

    Anuman ang hindi maubos ng iyong baby sa unang araw, ilagay lamang ito sa freezer para may stock ka sa susunod na araw. Ang breast milk naman na mai-e-express mo habang nasa opisina ang magiging kapalit ng mga nagamit mong nakatabi sa freezer. Huwag ka ring mangamba kung makakapag-express ka ba ng gatas habang nasa trabaho dahil nakasaad sa Republict Act 10028 o ang Expanded Breastfeeding Promotion Act ang karapatan ng mga breastfeeding mom. Bukod sa pagkakaroon ng lactation station, may nakalaan ding oras dapat bilang lactation periods na aabot ng 40 minuto, na maaaring hatiin sa 2 o 3 sesyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa maayos na pag-iimbak naman ng iyong gatas, inirerekomenda ni Dr. Teresa Marian Ribaño, isang pediatrician at lactation consultant sa Makati Medical Center, ang “Rule of Threes” o “Three hours, three days, three months.” (Basahin ang tungkol sa pag-express at pag-store ng gatas dito.)

    More from Smart Parenting

    “If the milk stays in the room temperature up to 30 degrees, it’s good for three hours,” (Kung ang gatas ay nanatili sa silid na may 30 degrees na temperatura, okay pa itong ipadede pagkaraan ng tatlong oras) paliwanag niya noong isinagawa ang unang serye ng “Pregnancy & Beyond” ng Makati Medical Centre. “If you put it in the refrigerator, it’s good for three days. If you put it in the freezer, it’s good for three to six months,” (Kung inilagay mo ang gatas sa refrigerator, tatagal ito ng tatlong araw. Kung inilagay mo ito sa freezer, aabot ito nang tatlo hanggang anim na buwan) dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi mahirap magtabi ng marami o sapat na breast milk para makapag-relaks nang kaunti. Sa huli, tandaan lamang na ang basehan mo ay ang feeding pattern ng iyong baby at hindi kung gaano karaming gatas ang nakaimbak sa freezer ng ibang mommy.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa You Don’t Need a Freezer Full of Breast Milk Bags When You Return to Work

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles