embed embed2
  • Totoo Ba Na Gamot Ang Breast Milk Laban Sa COVID-19?

    Nilinaw ng isang American pediatrician tungkol sa diumanong antibodies mula sa gatas ng ina.
    by Jocelyn Valle .
Totoo Ba Na Gamot Ang Breast Milk Laban Sa COVID-19?
PHOTO BY iStock
  • Bagamat totoong mainam ang breast milk para sa paglago ng immune system ng mga baby, walang pruweba na may taglay itong antibodies para protektahan ang mga adult laban sa coronavirus.

    Ito ang pahayag ni Dr. Dyan Hes ng New York City’s Gramercy Pediatrics sa TV interview niya sa U.S. media outlet na CBN News nitong April 14, 2020. May bali-balita kasi na nakakagamot diumano ang breast milk laban sa COVID-19 kaya, ayon sa interviewer na si Anne-Marie Green, may bumibili nito sa U.S. hindi para sa mga baby bagkus sa mga adult.  

    Diin ni Doktora na wala pang published data siyang nalalaman tungkol sa sinasabing benepisyo na dulot ng breast milk para sa mga hindi na bata. “Hypothetical” lamang daw ito o isang haka-haka. Aniya nasa dulo ng listahan niya ang breast milk sa mga bagay na nagbibigay proteksyon laban sa nakamamatay na sakit dulot ng novel coronavirus.

    What other parents are reading

     

    Mas mabuti pa daw na uminom na lamang ng vitamin C at zinc kung nais ng isang adult na magkaroon ng karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19. Pero huwag nang bumili ng breast milk dahil hindi naman daw iyon makakatulong.

    Dagdag pa ni Dr. Hes, ang dapat tuunan ng pansin ay ang isyu ng mga nanay na positibo sa COVID-19 ngunit kailangang magpadede ng anak nila. Nirerekomenda niya ang pagsusuot ng face mask at gloves pag kakargahin ng mga nanay ang kanilang sanggol at magpadede.

    Paalala din niya na kung magpa-pump ng kanyang gatas ang ina, siguraduhin na sa malinis itong paraan gawin. Magsuot daw ng gloves habang nagpapa-pump at nilalagay ang gatas sa bote, pagkatapos ay iatas sa kasama sa bahay ang pagpapadede sa bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Dito sa Pilipinas, may nilabas ng guidelines ang Department of Health (DOH) para sa mga breastfeeding mother ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Ayon dito, maaari pa ring humawak at magpasuso ang nanay na suspected patient sa kanyang anak basta susundin niya ang preventive measures.

    Para sa mga breastfeeding moms, dapat ugaliing magsuot ng face mask at regular na palitan ito. Dalasan niya ang paghuhugas ng kamay sa tamang paraan, lalo na bago hawakan si baby. Siguraduhin din na malinis ang kapaligiran ng sanggol at iwasan na halikan ang anak kahit pa may takip ang ilong at bibig ang nanay.

    Kung malubha na ang sakit ng ina at kailangan ihiwalay sa kanyang sanggol, nirerekomenda ng DOH ang pumping ng breast milk at ilagay ito sa malinis na lalagyan. Ang pagdede ni baby ay sa pamamagitan ng feeding cup. Huwag lang kaliligtaan ng nanay na maghugas ng kamay bago humawak ng nalinisan na gamit para sa infant feeding o breast pump.

    For the latest COVID-19 cases, check out reportr COVID-19 case tracker link.

    For the latest news and updates on COVID-19, check out reportr.world/covid-19.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles