embed embed2
  • Kalamansi At Bawang Sa Boobs? Mga Kakaibang Paraan Para I-Wean Si Baby Sa Breastfeeding

    Alin sa mga ito ang nasubukan mo na?
    by Ana Gonzales .
Kalamansi At Bawang Sa Boobs? Mga Kakaibang Paraan Para I-Wean Si Baby Sa Breastfeeding
PHOTO BY Shutterstock
  • Hindi maikakakilang maraming benepisyo ang breastfeeding. Sa katunayan, inirerekomenda ng World Health Organization na ekslusibong pasusuhin ang bata hanggang sa ika-anim na buwan nito.

    Kapag kumakain na ang bata, pwede pa rin siyang pasusuhin hanggang magdalawang taong gulang siya o mas matagal pa.

    May mga babies na kusa nang tumitigil sa pagsuso kapag nagsimula nang kumain—ito ang tinatawag na baby-led weaning. May mga pagkakataon naman na ikaw na mismo bilang nanay ang pipigil kay baby na sumuso.

    Ilan sa maaaring dahilan ay ang pagbubuntis. Pinapayuhan kasi ng mga doktor ang mga buntis na itigil ang pagpapasuso lalo na kung high risk ang pregnancy.

    Pinipili na ring itigil ng ilang nanay ang breastfeeding kung lumalaki na si baby at nagiging labis na ang sakit kapag sumususo sila.

    Pero hindi ganoon kadali na patigilin si baby sa pagsuso. Maraming mga nanay nga sa aming online community ang nagsabing hirap silang i-wean si baby dahil naging pampatulog na nito ang breastfeeding.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman kung anu-anong kakaibang (at nakakatawa!) paraan ang naiisip ng mga nanay para lang hindi na sumuso sa kanila si baby.

    Ang aktres at mommy nga na si Nadine Samonte, gumamit pa ng Band-Aid para lang tumigil sa pagsuso ang baby niya. "Naglagay ako ng nipple tape on both nipples," lahad ni Nadine. "No'ng nakita niya, sabi niya, 'What's that?' Sabi ko, 'That's Band-Aid.' Sabi niya, 'Oh, no!' Nag-stop siya." I-click ang link sa baba para basahin ang buong kwento.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Narito ang iba pang nakakatawang paraan ng mga nanay para lang patigilin ang baby nila sa pagsuso.

    Nilagyan ko ng 3-in-1 na kape ang boobs ko!

    Kaya lang, kwento ni mommy, inabangan din ni baby na mawala ang amoy at lasa ng kape! Pagkatapos, dede ulit!

    Sili is key!

    Sili naman ang inilagay ng isang nanay sa boobs niya, kaya lang, wala ring naging epekto! Hindi man lang nanibago si baby!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinubukan ko rin ang ointment na maanghang

    Ilang araw ring tiniis ng isang mommy ang anghang dahil ointment naman ang ginamit niya sa nipples niya.

    Lalapit pa lang daw si baby, amoy na amoy na ang anghang.

    Lipstick at ketchup ang gumana sa akin

    Takot naman daw sa dugo ang baby ng isang nanay sa aming online community kaya ketchup at lipstick ang ginamit niya sa kanyang nipples.

    Sa tuwing makikita raw ng anak niya na namumula ang mga nipples niya, hindi na ito sumususo dahil akala nito, dumudugo ang nipples ng mommy niya.

    Kalamansi raw ang pinakaepektibo!

    Kaya lang, sa kaso ng isang nanay, hindi rin ito gumana! (LOL!) Tuloy pa rin sa pagdede si baby na para bang wala siyang maasim-asim na nalalasahan.

    Bawang at luya ang sinubukan ko para mabaho talaga

    Kung hindi madaan sa lasa, daanin sa amoy! Kaya lang, wala pa ring epekto kay baby. Sandali lang daw tumigil sa pagsuso ang bata. Kapag hindi na nito gaanong naaamoy ang bawang o 'di naman kaya ang luya, balik nanaman ito sa pagdede.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gumamit din ang mga nanay ng suka at iba pang mga bagay na matatapang ang amoy at lasa. Pero bandang huli, sabi nila, ang gumana ay isang masinsinang pakikipag-usap na may kaunting daya.

    Kwento ng mga nanay, kinausap daw nila ang mga anak nila para ipaliwanag na nagiging masakit na ang breastfeeding dahil sa pagtubo ng ngipin ni baby. Saka nila ipinakita na may Band-Aid o may 'dugo' (lipstick lang) ang nipples ni mommy.

    Araw-araw pa rin ang pag-check ng mga babies kung 'ouchy' pa rin ang nipples ni mommy, hanggang sa bandang huli, nanawa ring mag-check ang mga bata.

    Isang napakagandang biyayang maituturing kung nakakapagpasuso ka, lalo't hindi lahat ng mga nanay ay nagagawa ito. Ngunit, hindi ibig sabihin ay masama kang ina kung pipiliin mong pigilin sa pagsuso ang anak mo.

    May nakakatawang breastfeeding story ka ba? I-share mo na iyan sa comments section o 'di kaya ay ikwento sa amin sa pamamagitan ng pagsali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles