embed embed2
'Kurot, Kalmot, Sampal, Sipa, Kagat!' Kinakaya Ni Kitkat Favia Basta Masaya Ang Anak
PHOTO BY Instagram/favkitkat
  • Sa edad 5 months, mas naglilikot na ang anak ni Kitkat Favia at kanyang asawang si Waldy Favia habang nagsisimula nang abutin ni Uno Asher ang baby milestones 6 months. Sa panahong ito nahuhubog ang kumpiyansa ni baby na gumulong mula sa kanyang tiyan papunta sa likuran.

    Pero kahit karga ni Kitkat si Baby Uno habang pinapadede (dahil exclusively breastfeeding siya), hindi mapigilan ng sanggol na maglikot. Nariyan ang pangungurot, pangangalmot, pananampal, paninipa, at pangangagat, ayon sa ilang Instagram post ng actress-TV host.

    Aniya sa caption ng isang post, "Kung hindi kurot, sampal, eto sipa!" Dinadaan na lang niya sa biro, "Haha kung san ka masaya anak haha!"

    Parating nananaig ang pagiging nanay ni Kitkat. Sabi nga niya sa isa pang post, masuwerte siya dahil meron siyang Uno Asher, na tinuturing niyang pinakamagandang nangyari sa buhay niya.

    Paano pigilan ang nipple biting ni baby?

    Marahil lahat ng ng breastfeeding moms ay magsasabing nakaranas sila, kahit minsan, ng pangangagat habang dumedede si baby. Kaya may payo ang isang mommy mula sa kanyang social media post na naging viral kamakailan (basahin dito).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    1. Kapag kinagat ka ni baby sa unang pagkakataon, huwag mag-react na parang nagbibiro ka. Baka kasi isipin niyang okay lang ang kanyang ginawa.

    2. Itigil pansamantala ang pagpapadede at sabihan si baby na mali ang kanyang ginagawa. Iwasan ang pagngiti nang malaman niyang seryoso ka.

    3. Huwag sigawan si baby kahit sobrang sakit ng kagat niya. Baka naman kasi matakot siya sa iyo at hindi na dumede pa.

    4. Kapag sinabihan mong bumitaw sa pagkagat at hindi ka sinunod, bahagyang isubsob ang mukha ni baby sa iyong suso. Puwede mo ring ipasok ang iyong hinliliit sa gilid ng bibig ni baby hanggang bumitiw siya.

    5. Kapag nagsugat ang kagat ni baby, pahiran ng breastmilk ang apektadong suso at hintayin lang matuyo nang kusa. Sakaling lumala ang sugat at nagkaroon ng nana, agad ipatingin sa doktor nang maresetahan ka ng gamot o cream.

    Basahin dito para sa mga dagdag na breastfeeding tips.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close