embed embed2
Bawal sa Breastfeeding: Huwag Daw Uminom Ng Malamig Na Tubig?
PHOTO BY Shutterstock/mrvirgin
  • Isang natatanging journey ng pagiging isang ina ang pagpapadede o breastfeeding. Bagaman hindi madali ang proseso na pagdadaanan, nakakapagod at kung minsan nakaka-frustate kapag walang lumalabas na maraming gatas sa iyo. Tapos, parang maraming dapat isipin na mga bawal sa breastfeeding.

    Pero tunay naman na napaka-fullfilling ng breastfeeding sa pakiramdam dahil nakikita mo ang development at paglaki ng iyong anak sa pamamagitan ng gatas na pinapadede mo sa kanya. Siyempre pa nakatutuwang naibibigay mo kay baby ang nutrisyong kailangan niya na mula sa iyong gatas.

    Mga bawal sa breastfeeding

    Maraming mga paniniwala na hindi dapat ginagawa o ipinagbabawal sa mga ina na nagpapasuso. Totoo nga ba ang mga ito o myth lamang na maituturing? Marahil narinig na ninyo ang ilan sa mga pahayag na ito na sinasabi ng matatanda na mga bawal sa breastfeeding.

    “Bawal kang magpadede kapag pagod ka, puyat, o galing  sa labas o trabaho”

    Pagod o stressed na gatas daw ang maiinom ng iyong anak o maipapasa mo sa kanila ito. Hindi naman ito mangyayari, ngunit kailangan ng mommy ng lakas para makapagpasuso siya nang maayos. Puwede kasi na maapektuhan ang kanyang milk production kaya kailangan muna ng kahit kaunting pahinga bago magpadede.

    Basahin ang relaxation therapy na makakatulong sa breastfeeding

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Huwag kang iinom ng malamig na tubig”

    Bakit? Maiinom daw ni baby ang malamig na gatas. Hindi ito totoo dahil laging maligamgam naman ang temperatura ng gatas na lumalabas sa ina. Kailangan ding uminom ng maraming tubig para hindi matuyuan at patuloy na makapagprodyus din ng gatas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Huwag kang magpapadede nang gutom”

    “Gutom na gatas” din daw ang madede ng iyong anak — ibig sabihin kulang sa sustansya. Pero hindi maaaring mawalan ng sustansya ang breast milk — kaya nga ito tinagurian itong “liquid gold.”

    Ang totoo, nakakagutom ang pagpapasuso kaya makabubuti na may laman din ang sikmura ng ina bago siya magpasuso.

    “Bawal magpakulay ng buhok o magpa-hair treatment kapag nagpadede ka”

    Mapupunta daw ang kemikal na sangkap nito sa iyong gatas. Hindi hadlang sa pagpapa-breastfeed ang pagpapaganda at pag-aayos ng isang ina. Piliin lamang iyong mga hair treatment na walang masamang kemikal na maaaring humalo sa iyong breast milk. Maaaring subukan iyong mga organic na walang magiging epekto sa pagpapadede ng iyong baby.

    Subalit mas makabubuting patapusin mo na rin muna ang postpartum hair loss stage bago ito gawin pero maaari namang magpagupit ng buhok.

    Ang pag-ingatan na lang ay ang mga produkto na ipinapahid sa katawan o iniinom na gamot. Halimbawa ang mga pampaputi o whitening products o kaya glutathione na sinasabing “no therapeutic claims” pero makabubuti na hindi na lamang uminom o gumamit ng mga ganito para mas makatitiyak na ligtas.

    Mahalaga na sundin ding mabuti kung ano ang nasa description ng produkto. May nakalagay naman na indikasyon kung bawal o puwede ba ito sa nursing o lactating mom. Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor bago sumubok.

    “Huwag magpadede kapag may sipon o lagnat”

    Maipapasa nga ba ang sipon at lagnat kay baby? Hindi totoo na naipapasa sa gatas ng ina ang kaniyang sakit kaya walang kaso ang ipagpatuloy ang pagpapadede. Maliban na lamang sa ibang mga kondisyong medikal na nakakaapekto sa pagpapasuso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Bawal uminom ng kape”

    Hahalo ba ang caffeine sa iyong gatas? Maaaring humalo ito ngunit hindi naman lubos na makasasama sa iyong baby basta hindi rin labis ang pag-inom ng kape o kahit chocolate. Dapat naman din na lahat ng bagay o pagkain “in moderation” lamang ang pagkonsumo dahil hindi nakabubuti ang sobra.

    Ang maganda pa ngayon may safe coffee alternatives sa mga buntis at nursing moms.

    “Huwag kang magpasuso kung buntis ka sa iyong bagong anak”

    Puwede daw kasi maagang manganagak at mababawasan ang nutrisyon ng nasa sinapupunan mo. Maaaring ituloy ang breastfeeding while pregnant kung hindi maselan at malusog ang pagbubuntis.

    Pero tandaan na maaaring magdulot ng contractions ang breastfeeding. Tiyakin sa iyong ob-gyn kung pahihintulutan kang ipagpatuloy ito o hindi.

    “Bawal kumain ng matamis, maanghang, maasim”

    Makakain daw kasi ito ng iyong baby. Hindi rin magiging diabetic si baby kung mahilig ka sa matamis. Sa katanuyan, ang pagkain o pag-inom ng orange o dalandalan na nagtataglay ng Vitamin C ay nakatutulong sa breastfeeding mom na  mapanumbalik ang lakas.

    Sabi rin magiging kabagin, magtae o magkaroon ng rashes ang baby kapag kumain ng maaghang. Ngunit hindi naman mangyayari kung sapat lamang o hindi sobra ang kakainin.

    Marahil marami pa kayong naririnig na mga bawal sa breastfeeding. Bago ito paniwalaan, mas mabuting sumangguni sa doktor o mga eksperto. Kung iisipin, wala namang bawal sa isang nagpapasuso pagdating sa pagkain.

    Tandaa na kailangan lamang kumain ng masustansiyang pagkain para makapagprodyus ang breastfeeding mommy ng maraming gatas. Kung makatutulong ang pagkain at pag-inom ng mga food supplement na makapagpapadami ng iyong gatas ay gawin mo ito.  Kailangan din niyang manatiling malusog upang maipagpatuloy ang pagpapasuso.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles