-
Labor & Childbirth 7 Exercises You Can Do At Home To Help Prepare You For Labor And Delivery
-
Toddler Why Your Toddler Has a Favorite Parent (and What to Do If It's Not You)
-
Your Kid’s Health Bawang At Pabango? Home Remedies Para Sa Sakit Ng Ngipin Mula Sa Dentista
-
Money Is It Okay to Hide Money From Your Partner? An Expert's Advice
-
Bilib Ang Mga Breastfeeding Moms Sa Malunggay Drink Na Ito
Madalas mabanggit ng mga breastfeeding moms ang inuming ito na gawa sa mulunggay, okra at luya.by Grace Bautista .

PHOTO BY (LEFT TO RIGHT) Dairy Darilag/iStock
Ang sabi ng mga nanay mula sa iba’t ibang online communities, mabisang pamparami ng gatas ang Nature Earth M2 Malunggay Okra Luya Concentrate Tea Drink. Marami kasi itong taglay na sustansya tulad ng calcium, iron, potassium at beta-carotene na ginagawa namang Vitamin A ng ating katawan. Safe rin itong inumin ng mga nanay na buntis.
READ THESE STORIES ON MILK BOOSTERS
- 6 na Subok na Paraan Para Dumami ang Iyong Breast Milk
- Effective Ba Talaga? 5 Milk Boosters Na Pwedeng Magparami Ng Iyong Gatas
3 dahilan kung bakit bilib ang mga breastfeeding moms sa drink na ito
Ang M2 ay magandang source din ng phytonutrients. Ang phytonutrients ay mga kemikal na nagmumula sa mga halaman na mayroong antioxidants at anti-inflammatory properties na nakatutulong magpalakas ng ating resistensiya sa mga sakit.
Heto ang ilan sa mga dahilan kung bakit popular ang M2 sa mga breastfeeding moms.
Epektibo itong pamparami ng gatas
Alam naman nating lahat ang bisa ng malunggay sa pagpaparami ng gatas, at ito rin ang ang pangunahing sangkap ng M2. Ang sabi ng mga nanay sa babymama.ph:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW“I was not gifted with overflowing milk but [I] was able to breastfeed my baby for 15 months now and counting with the help of M2. This is the only lactation aid that works for me. Tried a lot of capsule and lactation cookies but no effect on me. I wish more new moms would know about this product.” – Aela
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos“I love this because it helps me increase my milk supply. Before, I used to pump only 1 oz in a bottle. After I started using it, I am able to express milk between 4 to 5 oz per pump.” – Yui
“I am trying to boost my milk supply and during emergency cases (like no milk stash for the next feeding) I just drink M2 and voila, I can pump 4oz of milk even after direct feeding!” – nbsanesteban
Masarap ito at madaling ihanda
May lasa raw ang M2 na parang arnibal dahil muscovado ang asukal na ginagamit rito. Ang iba ay naglalagay ng kalamansi o lemon sa kanilang M2 tea. Pwede itong inumin nang mainit o malamig; ang iba nga ay naglalagay ng maraming yelo sa kanilang inumin. Ang sabi ng ibang nanay sa babymama.ph:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW“This is a very good milk boosting product plus it tastes really good and easy to prepare. You can even serve it hot or cold.” – Liaa
“M2 tea drink is delicious and really help(s) lactating moms like me.” – Carrie
Ang ibang mga nanay naman sa parenting community namin na Smart Parenting Village ay sumusubok ng iba't ibang recipe para mas lalo nilang ma-enjoy ang pag-inom ng M2 tea.
Halimbawa, sabi ni mommy Glenne Alea Agruda, ipinaghahanda siya ng kanyang mister ng lactation mocktail na gawa sa M2 concentrate, lemon (juice), yakult at tubig. Minsan naman daw ay M2 concentrate, prune juice, kalamansi at tubig ang ginagawa nila.
Abot-kaya at sulit ito
Ang isang litrong bote ng M2 ay mabibili sa halagang Php270.00 sa ChatnShop. Mula rito ay makakagawa ka na ng 17 na baso ng inumin, kaya pumapatak na Php16.00 lang kada baso ang puhunan ng maraming nanay kapalit ng nag-uumapaw na supply ng gatas.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWREAD THESE STORIES ON MILK BOOSTERS
- 6 na Subok na Paraan Para Dumami ang Iyong Breast Milk
- Effective Ba Talaga? 5 Milk Boosters Na Pwedeng Magparami Ng Iyong Gatas
Umiinom ka ba ng M2 Malunggay Okra Luya Concentrate Tea Drink? I-share mo na sa Smart Parenting Village kung mayroon kang espesyal na M2 drink recipes at paano ito nakakatulong na paramihin ang gatas mo.

View More Stories About
Trending in Summit Network