embed embed2
00 Days : 00 Hours : 00 Mins : 00 Secs
94 seats remaining Sign Up Now
  • Effective Ba Talaga? 5 Milk Boosters Na Pwedeng Magparami Ng Iyong Gatas

    Gawa ito sa mga masustansiyang ingredients na nakakatulong sa pagpaparami ng breastmilk.
    by Kitty Elicay .
Effective Ba Talaga? 5 Milk Boosters Na Pwedeng Magparami Ng Iyong Gatas
PHOTO BY iStock
  • Mabibili mo na ang iyong pregnancy at baby essentials sa Smart Parenting ChatnShop! Pindutin mo lang ang 'ChatnShop Now' button at pwede ka nang pumili ng mga produktong kailangan mo. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka ng aming community care team mula sa pagbayad at sa pag-ayos ng delivery ng mga pinamili mo. Parang nakikipagkwentuhan ka lang sa kapwa mo Smart Parenting mom!

    Maraming nanay ang gustong mag-breastfeed simula pagkapanganak, pero marami sa kanila ang pinanghihinaan ng loob dahil sa low milk supply o kakaunting gatas. Kung newborn pa lang ang anak mo, magiging sapat ang iyong supply dahil maliit lang ang kanyang tiyan at hindi pa niya kailangan ng napakaraming breast milk. Pero hindi rin maikakaila na may mga inang kahit anong gawin ay hindi pa rin nilalabasan ng gatas.

    Lactation goodies para dumami ang breast milk

    Ayon sa mga eksperto, ang susi sa pag-maintain ng healthy milk supply ay ang patuloy na pagpapadede kay baby at pagkakaroon ng regular na pumping schedule. Pero sabi ng mga breastfeeding moms, malaking tulong rin ang mga supplements at lactation goodies. Bukod sa nagpaparami ito ng breast milk, masarap din itong kainin!

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Heto ang ilan na pwede mong subukan — at pwede mo ring bilhin agad-agad!

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Makakakuha ka ng 10% discount sa unang beses mong pagbili sa ChatnShop. Ang promo ay mula August 1 hanggang 31. Gamitin ang code na ito: HELLOCHATNSHOP

    Mommy Co Coffee

    lactation coffee
    Ang isang pack (Php145) ay nakakagawa ng 8 tasa ng kape.
    PHOTO BY babymama.ph
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwedeng magkape ang breastfeeding moms pero dapat limitahan ang dami o ‘di kaya’y uminom na lang ng decaf — may mga baby kasi na maselan sa caffeine. Kung ‘di mo talaga mapigilan, subukan ang kapeng ito na may herbal extracts tulad ng guyabano, ashitaba, malunggay, at turmeric — ito ay mga kilalang galactagogue o mga pagkain na nakakapagparami ng gatas.

    Mamabear Milky Mama Lactation Cookies

    lactation cookie
    Pwede mong kainin ito habang buntis ka pa lang! Bilhin dito sa halagang Php575.
    PHOTO BY babymama.ph
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa masarap, pwedeng-pwede rin ito sa mga bata! Gawa ito sa rolled oats, brewers’ yeast, flaxseeds, at iba pang superfood na nagpapalakas ng iyong milk supply.

    What other parents are reading

    Upsring Milkflow Blessed Thistle

    lactation supplement
    Ang supplement na ito ay all-natural, vegan, non-GMO at gluten-free. Bilhin dito sa halagang Php676.
    PHOTO BY babymama.ph
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang blessed thistle ay isang uri ng namumulaklak na halaman na sinasabing nakatutulong sa pagpaparami ng breast milk. Mabuti rin daw ito para sa impatso hindi lang ng nanay kundi pati na rin ng sanggol.

    Tandaan: Importanteng kausapin ang inyong doktor bago uminom ng kahit na anong supplement, lalo na’t nagbebreastfeed kayo.

    Oat Mama Lactation Tea

    lactation tea
    Ang isang pack ay nakakagawa ng 14 na tasa. Bilhin dito sa halagang Php750.
    PHOTO BY babymama.ph
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung ang hilig ninyo naman ay tsaa, pwede sa inyo ang caffeine-free drink na ito. Meron itong “milk-boosting herbs” at chai spices na nakakatulong magparelax. Bukod sa masarap, hindi ka rin magui-guilty na inumin ito!

    What other parents are reading

    Lacta Flow Malunggay Capsule

    lactation supplement
    Kung mas madali sa’yong uminom ng capsule, pwede mo itong bilhin sa halagang Php900.
    PHOTO BY babymama.ph
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa Facebook community namin na Smart Parenting Village, maraming mga nanay ang naniniwala sa kakayahan ng malunggay na magparami ng gatas. Pwede mong ilaga ang mga dahoon nito at inumin araw-araw, o kaya’y ihalo sa iyong ulam tulad ng tinola, nilaga, at munggo.

    Pwede ka ring uminom ng malunggay capsule — siguraduhin lang na may pahintulot ka ng iyong doctor. Talagang nakapagpaparami daw ito ng gatas at tinutulungan pang palakasin ang iyong immune system—meron din kasi itong vitamin C, vitamin A, calcium, protein, potassium, at iron.

    Nature Earth M2 Malunggay Okra Luya Concentrate Tea Drink

    lactation supplement
    Pwede itong inumin ng mainit o ng may yelp. Sabi nila, para raw itong iced tea! Bilhin dito sa halagang Php270.
    PHOTO BY babymama.ph
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil kilalang milk booster, maraming pagkain at inumin ang nagagawa gamit ang malunggay. Isa na rito ang healthy drink na ito na mayroong malunggay, okra, at luya. Bukod sa napaparami nito ang iyong gatas, pwede rin itong source ng beta-carotene, calcium, iron, potassium, magnesium, zinc, vitamin A, and vitamin K. 

    Marami pang ibang paraan para maparami ang iyong gatas! Mag-click dito para sa mga subok na tips ng mga nanay.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles