-
Mabigat Dalhin sa Kaisipan ang Pressure ng Breastfeeding
Malalim na epekto ng postpartum mental health sa mga ina at sanggol.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Bagamat maraming benepisyo ang hatid ng breastfeeding, ang matinding pressure sa mga ina na magpasuso ay nagdudulot din ng hindi magandang epekto sa kanyang mental health.
Ayon sa isang artikulo ng Huffington Post, na base sa komentaryo na nailathala sa pahayagang Nursing for Women’s Health, mas mainam na pag-aralan pa ng mga eksperto ang maternal stress na bunsod ng pressure hindi lamang sa breastfeeding ngunit maging sa pag-aalaga sa mga sanggol.
Ang isa sa mga sumulat ng komentaryo ay si Ana Diez-Sampedro, clinical associate professor sa Florida International University (FIU) Nicole Wertheim College of Nursing & Health Services. Sinabi niya na kailangan pa ng research ukol sa mga taong nais magpasuso ngunit hindi ito magawa. Para sa mga ina, aniya, breastfeeding pa din ang best option. Pero hindi ito nagagawa ng iba pang mga ina.
Si Diez-Sampedro at ang kapwa niyang manunulat na si Maria Olenick, head ng undergraduate nursing sa FIU, ay pawang mga ina rin. Ninais ni Diez-Sampedro na magpasuso ng kanyang mga kambal na anak ngunit nabigo siyang gawin ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNapansin naman ni Olenick ang pag-iba ng pananaw sa breastfeeding nang manganak siyang muli noong 2011 pagkatapos ng 20 taon. Aniya, sa una niyang panganganak, tinatanong pa ang mga ina kung nais nitong magpasuso. Samantalang nitong huli, inaasahan na ang mga ina na magpapasuso sila.
Pinunto nina Diez-Sampedro at Olenick sa kanilang komentaryo ang koneksyon ng breastfeeding challenges sa depression at anxiety, subalit hindi naman daw ito nangyayari sa paraang linear.
What other parents are reading
Nakasaad din sa news article ang mga puna ni Dr. Alison Stuebe, isang maternal-fetal medicine physician at medical director of lactation services sa University of North Carolina Health Care. Sinabi ni doktora na ang mga ina na nagpasuso sa mas maikling panahon ay may tendency na maging depressed, ngunit hindi pa batid kung ang depression ay dahilan o sanhi ng pagtigil sa pagsuso. Sa loob ng mahabang panahon, pinag-aaralan na ni Dr. Stuebe ang kaugnayan ng breastfeeding at perinatal mental health. Sang-ayon siya na kailangan pa ng research sa ganitong paksa.
CONTINUE READING BELOWwatch nowAng malinaw, ayon kay doktora, ay ang malalim na epekto ng postpartum mental health sa mga ina at sanggol. Halimbawa, ang mga batang may nanay na nakaranas ng postpartum depression ay nagkakaroon ng problema sa pag-uugali at pagsasalita. Kapag hindi nagamot ang depression, maaari rin itong magtulak sa pagkitil ng sariling buhay.
Dagdag pa ni doktora na hindi epektibo ang pagpuwersa sa mga ina na tanggapin ang ganitong isyu. Aniya, may problema sa pagsabi sa mga ina kung ano ang dapat gawin patungkol sa kanilang kalusugan at pagkatao. Mas mainam daw na sabihin sa mga ina na kumplikado ang kanilang pinagdadaanan at may mga bagay na nakokompromiso sa bawat minuto sa bawat araw ng pagiging magulang. Diin ni doktora na ang pagpilit sa mga ina sa dapat nitong gawin ay hindi nakakalutas sa problema.
Tinalakay din ang mga hindi napapansing isyu hinggil sa panuntunan sa breastfeeding at maternal mental health. Ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists (ACOG), ang mga inang bigo sa pagbigay ng sapat na gatas sa kanilang mga sanggol ay nakakaramdam ng matinding pagdurusa at kinakailangang maintindihan ito ng mga nangangalaga sa kanila. Hinikayat ng ACOG ang mga ob-gyns na maging maalam sa breastfeeding challenges at postpartum depression habang maging listo sa pagtingin sa mga ina na dumaranas nito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa kanilang komentaryo, sinabi nila Diez-Sampedro at Olenick na ang simpleng pagbago ng pag-aruga sa mga ina ay malaki ang mababawas sa breastfeeding pressure na nararamdaman ng mga ito. Ani nila, ang simpleng pagsangguni sa mga lactation consultant ay kailangang samahan ng emotional support. Ang doktor naman ay dapat din kausapin ang kanilang mga pasyente bago ito manganak tungkol sa ligtas na pagdede sa bote bilang option kahit hindi ito ang kanilang pipiliin. Ang mahalaga ay mabigyan ng kaukulang kaalaman ang mga ina at tiwala sa gagawing pagpili maski na salungat ito sa tingin ng nangangalaga sa kanila.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments